Calisda
Isang araw may isdang nag-ngangalang Cali. Si cali ay may kapatid na ang pangalan ay moli. Simula ng maipanganak si moli ay tuwang tuwa si cali at sabik na sabik siya na lumaki na ang kanyang kapatid dahil gusto niya na ng kalaro. Kahit alam niyang may mga kalaro naman siya ay gusto parin niya ng kapatid na kasama niya lagi at makikipaglaro sakanya.
"Ate tara laro tayo duon oh." Turo ni moli sa kanyang kapatid.
"Moli, hindi nga pwede. Hindi mo ba naaalala? Pinagbabawal tayong pumunta diyan ni inay." Sambit naman ni cali.
Naging malungkot naman ang mukha ni moli at naoansin iyon ng kapatid niya. Ayaw kasi ni cali na nakikitang malungkot ang kanyang kapatid kaya sinabihan niya ang kapatid niya na huwag ng malungkot.
"halika sa bahay nalang tayo maglaro.." pag aaya naman ni cali sa kapatid niya para hindi na malungkot.
Si moli kasi ay gustong gustong libutin ang buong karagatan ngunit syempre may mga parte ng karagatan na delikado at ipinagbabawal na pumunta kaya ipinagbabawal sila ng kanilang mga magulang.
Naglaro nalang silang dalawa sa bahay nila at hindi na naging malungkot si moli. Si cali ay nag-aya na rin ng kanyang mga kaibigan para madami sila at masaya.
Habang padagdag ng padagdag ang araw ay lumalaki rin si moli. Habang lumalaki ay mas napupunta sakanya ang atensyon ng kanilang mga magulang.
Na siyang ikinaselos ni cali.
Mahal na mahal ni cali ang kanyang kapatid ngunit hindi niya alam kung bakit nagagawa niyang magselos kahit alam niyang pantay lang naman ang pagmamahal ng magulang nila sa kanilang dalawa.
Dumating ang araw na simula na ng competisyon ni moli sa kanilang eskwelahan. Kompetisyon ito sa pagdadrawing at paligsahan sa pabilisan.
Nanalo si moli sa parehong kompetisyon. Nang araw na iyon ay nanduon ang mga magulang niya ngunit si cali lang ang wala. Nagpalusot si cali na may pupuntahan siyang importante pero ang totoo ay wala naman talaga para lang hindi makapunta sa kompetisyon ni moli.
Nang makauwi na sila moli at ang magulang nila, tuwang tuwa naman ang mga magulang nila at proud na proud sila kay moli. Halos lahat ng pagpupuri ay napunta kay moli.
Lahat ng mga sinabi ng mga magulang nila kay moli ay narinig ni cali. Hindi na maiwasan ni cali ang sobrang selos at humantong na ito sa galit.
Isang araw ay nasa isang sulok lang si cali at nagmumukmok. Hindi niya pinapahalata sa kanyang mga magulang na nagseselos siya. Dahil nga sa selos at galit ay naisipan ni cali na gumanti.
"Moli, tara may pupuntahan tayo." nakangiti pang sabi ni cali kay moli.
Tumango naman si moli na tuwang tuwa at sabik na sabik kung saan sila pupunta at hindi alam ni moli na ipapahamak na pala siya ng kapatid niya.
Gaya ng plano ni cali ay pumunta nga sila doon sa lugar kung saan ipinagbabawal sila ng kanilang mga magulang.
Ito ay isang lugar na madilim at may lagusan na kung saan ay malakas ang higop nito na isang maling galaw mo lang ay matatangay kana papasok sa lagusan.
At nangyari nga ang nangyari. Nagtutulakan kasi silang dalawa at bigla nalang silang natangay. Dahil magkahawak sila ay pareho silang natangay.
Ngunit ang plano lang dapat ay si moli lang ang matatangay. Ngunit sa kasamaang palad ay nasama din si cali.
Lumipas ang mga tatlo araw hanggang isang linggo ay nagiiyak iyak lang si moli duon si cali naman ay sinisisi si moli.
Hanggang sa mapagtanto nila na wala namang patutunguhan ang kanilang pagaaway kaya nagisip nalang silang dalawa ng paraan.
Hinanap nila ang daan palabas sa lagusan at sa awa ng Diyos ay nakalabas sila.
Humingi sila ng tawad sa isa't isa at nagkabatian. Si cali ay bumalik na ang dati niyang pakikitungo sa kanyang kapatid. Ang kanilang mga magulang ay pinagsabihan din sila lalo na si cali. Na hindi dapat siya magselos dahil pantay lang silang dalawa ng kanyang kapatid at wala siyang dapat ikaselos.
Mula noon ay bumalik na sa dati si cali at iniiwasan na niya na mag selos. Bumalik na ang pakikitungo niya sa kanyang kapatid at hindi na din sila madalas nag aaway.
At simula noon ay natutunan nilang lahat ang mga pagkakamali nila.
Mula noon ay naging maayos na sila at nabuhay ng payapa at nagmamahal mahalan lahat.
Dedicated to klairecatt_
To God Be Glory!
All Rights Reserved 2017