"From the top!" Sigaw ng event organizer namin.Naglakad ako patungo sa backstage, it's been an hour na rin kami nagprapractice at ang sakit na ng paa ko.
Malapit na rin kasi ang Fashion Show, this Friday, September 30 na rin 'to kaya todo na 'yung practice.
Hinawakan ko 'yung ankle ko, my mom said I need to wear heels when we're having our practice para daw masanay ako.
Inangat ko ang tingin ko and I saw my partner's eyes are on me, ngumisi siya at nag-angat ng okay sign, tinatanong ako if okay pa ba ako. Nagthumbs-up ako. We can do this!
"Can you show me your walk, Clau?"
Ngayon na 'yung Fashion Show!
"Okay po tito." I did what my tito told me to do. Siya 'yung tito ka na bakla na naging teacher ko sa modeling at naging make-up artist ko na rin.
"You're so beautiful, hija.." inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Gabriel, nakasabit sa braso niya ang kanyang suit, how it looks good on him.
"Thanks tita." Sabi ko sa Mama niya.
"You think we could really do this? Can we make it?" Panay ang pangungulit sakanya habang naghihintay kami sa go signal ng event organizer namin.
Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat. "We can. Ilang araw na tin tayo nagpractice and I could say that makakaya natin 'to. Wala ka bang tiwala sa nagturo sa'tin?" Ngumisi siya.
"No, I'm not of course, may tiwala ako, just that.. I..." wala akong mahanap na salitang idudugtong. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"Or, wala kang tiwala...sakin?" Nagulat ako.
"NO! May tiwala ako sayo, ano ka ba!?"
"Then that's good. You must be. I won't let you down either." Tumango ako.
I place my arms on his shoulders and we post fiercely. I look at him once more, I trust you Gabriel.
"Bagay na bagay kayo!" Napatili si Tito Kyle pagkatapos ng Show.
Hindi ako nagkamali sa pagbigay ko ng tiwala sakanya kasi we truly made it.
That's how we started.
That was the beginning.
Lalo pa nong nalaman ko na we both want to take up Civil Engineering, mas naging close kami at nagkaintindihan sa lahat ng bagay.
Or it was just my thoughts?
I admit that I got attracted to him. Francis Gabriel Gonzales. Siya yung lalaking masungit, possesive, matalino, mabait na gwapo, that has tan skin, thin lips na pinkish, perfect jawline, at curly hair. Matangkad siya and then he loves to play Badminton and Volleyball. I really like him.
I thought it's just until there but it change as 2 years goes by.
"So that's final, I will talk to Francis about this." Sabi ng Class President namin, it's for the upcoming Contest for this year's Intramurals. How I got excited! Si Gab na naman ang partner ko. Well, I suggested, after all, nag-iintindihan rin kami tungkol dito.
Di matanggal ang ngiti sa labi ko.
"Claudine Grace Hernandez, from Section 1!" I walk with elegance as I step on the stage, nagpalakpakan ang taong nandoon, nang huminto ako sa gitna may humapit sa bewang ko, I look at him.
"With Pierre Saavedra."
It's not Gabriel anymore, I don't know what's the reason behind basta nalaman ko nalang he suddenly back-out.
Napalunok ako but I tried to do my best in this contest.
Before I could go back to the backstage, napatingin ako sa paligid, expecting that I could see him pero ginabayan na ako ni Pierre.
"Wala ako sa contest kagabi, I get tired." Kagagaling rin niya naman sa Badminton Tournament kaya siguro. Si Gabriel 'tong nasa harap ko.
"Whatever Gab. Hindi kita kailangan noh. I can do it. Duh! Ang galing ko kaya." Yeah...
Nakakalungkot lang dahil last year ko na kasi next year lilipat na kami sa ibang bansa ng family ko after graduation. Hindi pa kami nagpartner sa contest kahit 'yun lang, it's my last na din.
Maybe I could do something memorable instead.
"Hoy! Lab na lab mo talaga si Papa Francis noh?"
"Oh shut up!"
"Makatingin ka eh." Inirapan ko na. 2 months nalang at graduation na namin at wala pa akong naiisip para magkaroon kami ng memorable moment ni Gab. "'Wag ka nang umasa oi! Nakita ko siyang sumusulyap at bumubuntot kay Irene Sy, type niya yata."
They say mahirap daw malaman ang sekreto ni Gabriel dahil sa totoo lang his so secretive.
Pero nakakagulat naman 'yung may makaalam sa sekreto niya at tungkol sa lovelife niya pa ha.
Nasaktan ako don. I know Irene's way better for Gab, napansin ko rin naman yun after he told me nagagandahan siya kay Irene.
Hinayaan ko nalang. I'm inlove with him pero I'm not desperate to have him.
I don't have the right to own him.
Nang dumating ang graduation, ramdam na ramdam ko ang kasiyahan ng lahat, ewan ko ba anong problema ko, kasi naman nakikita ko nalang ang sarili ko finefeel ang bawat moments para kasing mamiss ko 'to e.
Nagbonding kami ni Gab, minsan lang, naririnig ko kasi nagkakamabutihan sila ni Irene and hindi ko naman pinipilit ang sarili ko noh.
"Ughhh... Clau! Iiwan mo na kami! Pahug naman diyan!" Sigaw ng bestfriend ko, tumawa ako at yinakap rin siya.
Nakisali na rin yung mga girl bffs ko, mamimiss ko 'to. Pinipilit nila akong 'wag umalis.
Dahil sa kalikutan namin nahulog ko 'yung dalang bouquet na bigay ng parents ko. "Teka nga lang!" Tumawa ulit ako, yumuko ako at kinuha ang bouquet.
"Aalis ka na?" Imangat ko ang aking tingin at diretso yun sakanyang mga mata.
Nga pala hindi ko sinabi sakanya, kasi hindi naman kami palaging nagsasama, at inisip ko di naman 'yun importante at walang siyang pakealam don.
Tumayo ako at ngumiti.
"Uhh.. oo, bukas ng umaga."
Tiningnan niya ako parang sinusuri ang mukha ko agad rin naman siyang tumango. "Have a safe trip then."
Yeah, what do I expect?
All this time, inakala ko lang pala na close na kami, na nag-iintindihan na kami it was just a blur.
He was never been close to me. Nag-assume lang pala ako.
"Are you excited, baby?"
"I am, dad!" Tumingin ako sa window ng airplane, huling tingin lang.
It was just an experience.
I tell you, siya yung first love ko and I can't tell anyone even myself na that was the greatest because it's just my first.
Nong una gusto ko maging akin siya pero now I realize it was not the right time hindi ko nga alam if he's the one.
Yes, still, I'm inlove with him.
Baka mawala rin 'to. I was young way back and don't fully know love.
Nag-assume ako sa lahat ng bagay. I feel like I own him kahit di naman.
I think magiging malaking tulong 'tong pag-alis ko I need to be with myself and with my family.
There are things that aren't in the right time.
Sayang lang di ko nasabi sakanya na mahal ko siya, pero naisip ko rin baka sa susunod, malay mo pagbalik ko siya pa rin. HAHAHAHA
Let's see...