That Annoying Friend

2 0 0
                                    

 "EHH... OH! OH! HAHAHA"

"Sam, tama na!" Nakakainis na ha! Kanina pa ako niya ako kinkiliti! Biglang lalapit, akala mo kung ano na

"ASUS!"

"ANO BANG PROBLEMA MO!?"

"HAHAHAHA" Tawang-tawa pa 'tong mokong 'to! Grrrr... naiiyak na ako..

"GALIT NA GALIT NA AKO! ALAM MO BA 'YON!?"

"WHO CARES?"

"NAKAKAIRITA KA TALAGA!!!!!"

Nakakairita lang ha, of all people ako pa ang nabigyan ng taong napaka-annoying! Grrr... Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko siya. Looks really could be deceiving!

"Kare-kare, tapos ka na sa assignment mo sa Math!?"

"Sisigaw ba talaga!? And please KAREN, not Kare-kare!"

"Sus, para namang ako lang ang parang nakakain ng microphone, ginagaya lang kita!"

"Nambwebwesit ka na naman ba!? 'Yan nalang ba alam mong magagawa sa buhay mo!?"

"HAHAHA"

-_______-

"LUMAYAS KA NGA!" inulit ko pa 'yung sinabi dahil parang wala siyang narinig bigla nalang niyang binuksan ang bag ko at kinuha ang notebook ko sa Math at binuksan ng mokong! "Ang kapal ng mukha mo!!!!"

"Karen, ano naman ba? Sisigaw-sigaw ka nalang ba sa buong buhay mo? Matuto ka namang mahiya!" Sigaw ni Jam. Ngumuwi ako.

"Hindi kasi napapaos!" Sabi ni Sam, aba't sasali-sali pa 'to ha! Bumaling siya sa akin at ngumisi.

Napahawak nalang ako ng ulo ko. NAKAKAIRITANG BUHAY ITOOOOOO!

"Guys, form your line, hands forward!"

"Leche naman oh... kitang ang init-init dito sa field, wala ba silang planong magmadali?"

"Easy Heart, Fred payungan mo naman si Heart oh..." Lumapit naman si Fred sa kay Heart, buti pa itong si Fred.

Ewan ko nalang ano na 'yung mukha ko sa mga oras na ito, nakakabadtrip! Ang init! Ang crowded! NAKAKAIRITANG EARTHQUAKE DRILL!

Napatingin ako sa paligid ko, ang daming wala sa harap ang atensyon. Sana naman bilis-bilisan ang pagsasalita ng taong nasa harap para matapos 'to agad.

"Gago ka Sam." Rinig kong sambit ni Gabriel.

"Guys! Guys! Guys!" Ano namang pakulo 'to? Attention seeker talaga.. tsk..tsk,

Buti nalang at di napansin ng mga officers at facilitators dahil nasa likod kami.

"Guys, cheer-up!" May pinakita siyang cellphone. "Pangpagood vibes oh!" Pasikat. Ngumuwi ako.

Humalikipkip nalang ako at tumingin sa nagsasalita sa harap.

"HAHAHAAHA! Thanks Karen ha!" Tiningnan ko 'yung lalaki kong classmate at inirapan, ang daming papansin.

At nag-apir sila sa isa't-isa para kung anong pinag-uusapan.

"Guys, 'wag! Mga traydor! 'Wag!" Nabangga ako ni Sam dahil sa gustong pagkawala sa hawak ng classmates naming sakanya.

Umirap ulit ako.

Mga walang magawa sa buhay.

"Ramirez, ano 'to?" napatingin ako bigla sa Class Rep. namin dahil sa biglang pagtawag niya sa apelyido ni Sam. Loko 'to. "Infront!" nakita kong hawak-hawak niya ang phone ni Sam.

Napapunta si Sam sa harapan habang hawak-hawak ang batok.

Nag-usap sila.

"Tolentino, infront..." 'wag mong sabihing... ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo Sam!? Lumapit ako. Agad niya namang hinarap ang cellphone sa akin. "You are just been captured by your classmates." Nakita ko ang mukha kong epic na epic talaga! Sabog-sabog sa kapangitan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon