Noong unang panahon, may paniniwala ang ating mga ninuno na sila ay ginagabayan ng mga "taga-gabay" mula sa itaas. Ayon sa alamat, ang mga "taga-gabay" na ito ang pumoprotekta sa kanila mula sa mga malalalang delubyo, naghahatid ng masaganang ani, nagpapadala ng ulan sa lupa at ang tagapamagitan ng mga tao sa dakilang lumikha.
Ang mga "taga-gabay" na tinutukoy nila ay ang mga dragon. Ang Dragon ay isang mythical creature na sinasabing isang malaking reptilya na balot ng kaliskis na tulad sa ahas at may dalawang malalaking pakpak, matitilos na mga kuko at may laki na di kapani-kapaniwala.
Ang mga dragon ay makapangyarihan. Sinasabi nilang may kakaibang kapangyarihan ang bawat dragon ayon sa kanilang uri. May nagsasabi na kaya nilang magbuga ng apoy mula sa kanilang bibig, may kakayahang wasakin ang isang bayan sa isang iglap kung kaya't di maiwasang katakutan ng iba ang mga " taga-gabay" na ito. Ngunit marami rin naman ang interesado sa kwento ng mga dragon.
Pinaniniwalaan rin nila na minsan nagkakatawang-tao ang mga dragon upang makihabilo sa mga tao. Sinasabi na sa oras ng kamatayan ng isang dragon, may isang himalang mangyayari. Sa huling hininga nito, banggitin mo ang ang iyong kahilingan sa kalangitan at ito'y matutupad. Dahil sa kasakiman ng mga tao, noong panahong midyibal, dinukot lahat ang mga taong pinaghihinalaang dragon na nagkatawang-tao upang patayin at makuha ang kanilang hiling. Kinuyog nila ang mga templong pinatayo para sa mga dragon. Dinumihan nila ang mga tirahan ng mga ito at sinambit sa kalangitan, " Kayo mga dragon, bumaba kayo rito at tuparin ang aming kahilingan." Bawat araw, maraming mga inosenteng tao, mapa bata man o matanda ang dumadaan sa eksekusyon.
Nagalit ang dakilang Dragon sa kanyang mga nakita niya kung kaya't tinipon niya ang lahat ng mga Dragon sa mundo at sinabi na hindi na sila, kailan man, tutulong sa mga taga-lupa. Para sa lahat ng mga dragon na kanilang walang awang pinaslang nararapat lamang na kanilang itong pagbayaran. Kaya noon ring iyon, lumabas lahat ng mga dragon mula sa iba't ibang direksyon, hilaga, kanluran, silangan at timog, nagtipon tipon lahat sa kalangitan. Nakita ng lahat ng tao ang pangayayaring ito. Ang iba ay namangha samantalang ang iba naman ay takang taka. At mula sa kalangitang ng sinasakop ng mga dragon, may isang boses na narinig ang mga taga-lupa na sinabing: O Anima caligine dolores fecimus, o populi mersisse peccatum payoff puteus 'ostendo vos" ( Oh mga kaluluwang nababalot ng kadiliman, sa paghihirap namin kayo ang dahilan, oh mga taong nalulunod sa kasalanan, ipapakita namin sa inyo ang kabayaran!" ) Sila ay natakot sa kanilang narinig. May ilang nagtangkang magtago .. ngunit huli na ang lahat. Mula sa langit, sumalakay ang mga Dragon. Winasak nila ang kanilang mga tirahan, sinunog ang kanilang mga pananim, pinatay ang kanilang mga alagang hayop at tinuyo ang mga ilog at lawa. Sinira ng mga dragon ang pinagkukunan nila ng pagkain, tubig at hanapbuhay. At sa huli, bago sila tuluyang maglaho, inihatid ng mga dragon ang kanilang pinakamalupit parusa sa mga tao. Lahat ng kaluluwa ng mga bata sa bayan ay unti unting lumabas sa kanilang mga katawan at humayo sa kalangitan kasama ng mga dragon. Muling narinig ang isang boses sa kalangitan na binanggit ang mga katagang " denique testis actus humanae salutis" na nangangahulugang "witness the final act of salvation" . Lahat ng mga dragon ay naglaho kasama ng mga kaluluwa ng mga bata sa bayan. Muling nakita ng mga tao ang kalangitan, na kanina ay hindi nila matanaw dahil sa mga dragon. Mula noon, hindi na muli pang nagparamdam ang mga dragon sa mga tao. Namuhay sila ng walang kasiguruhan sa kanilang pang araw araw na pamumuhay dahil sa pagkawala ng kanilang mga "taga-gabay". Taon ang lumipas ngunit hindi pa rin nabubura sa kanilang mga isipan ang mga nangyari noong araw na iyon. Ang kalangitan ng mga dragon, ang genesis ng rebelasyon. ..
BINABASA MO ANG
Sky of Dragons
FantasyAng Nakaraang nilimot ng kasaysayan Muling magbabalik sa Kasalukuyan ? .. A meeting that changed the life of an ordinary human. A secret that revealed the unknown.. New friends that will twist his FATE forever.