Chapter 01: Start of a new day

129 7 0
                                    

Kagabi, nanaginip ako. Naglalakad ako sa isang napakadilim na eskinita nang may narinig akong ingay sa may likuran ko. tumalikod ako pero wala akong nakita. nang ako'y humarap may nakita ako isang batang umiiyak. Sinubukan ko siyang lapitan ngunit ayaw gumalaw ng katawan ko. bigla kong napansin na nakatingin na sa akin ang batang iyon at may kasama pa siyang isa pang bata. Nakakatakot ang kanilang mga tingin. pansin na pansin ko ang kanilang mga damit na ang isa ay purong asul samantala ang isa ay purong pula. dahan dahan na silang lumalapit sa akin .. takot na takot na ako .. papalapit na sila .. tumakbo ako ng napakabilis .. hindi ko na magawang tingnan kung nasunod pa sila dahil sa takot ko .. kumaripas ako ng takbo nang biglang nagliyab ang nilalakaran ko, init na init ang katawan ko dahil sa apoy. Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa mga nagbabagang uling nang bigla akong nahulog, matagal bago ako tumigil sa pagkakahulog.  nagulat ako ng makita ko na ako'y nasa gitna na ng dagat .. nakalutang sa malinaw at malamig na tubig .. napakasarap sa pakiramdam ng tubig na aking nilulutangan .. tumingin ako sa aking repleksyon nang bigla akong napasigaw ng malakas dahil nakita ko ang sarili ko .. duguan sa harapan ng dalawang batang aking nakita kanina ..

"Oh? anong nangyari sa iyo? Bakit ang laki ng eye bags mo?" sabe sa akin ng kaklase ko. "di kasi ako nakatulog ng ayos kagabi .. kaya iyon! puyat! "  ang panlulumo kong  sagot sa kanya.Napatawa lamang siya sa aking sinabi. Ako nga pala si Kenneth Salvador, Ken ang tawag sa akin ng aking mga kaibigan .. ako'y 13 years old at second year highschool student. Simula na naman ang isang linggo ng pasukan .. Nakakatamad na nga tapos umagang-umaga pa ay nakutya na agad. Nasa koridor pa lang kami ay rinig ko na agad namin ang ingay ng aking mga classmates. Nang bubuksan ko na ang pinto ng classroom ay biglang lumabas ang isa kong classmate na babae, ayan tuloy nauntog siya. "sorry Nicole, ikaw kasi e, ayos ka lang?" sabi ko sa kanya. " araa-- .. ayos lang yun ken! O M G ! teka lang kelangan ko pang mag re-touch .. bye!!" ang pagmamadali niyang sagot sa akin. "ayos lang kaya yun! parang ewan lang e .. mga babae talaga! uyy  .. Good morning ken!" Bati sa akin ni Joe na may kasama pang tawa. "Ano problema ni Nicole? umagang umaga e .. parang napaka-hyper niya ata " ang sabi ko pagka-upo ko sa aking upuan. " nako Ken! yang mga kaklase nating mga babae busy na busy sa pagpapaganda .." sabi ni Joe. "paano naman kase darating na yung mga Transferee .." dagdag pa niya.

Ah! Oo nga pala. magkaka-meron nga pala kami ng mga bagong classmate, mga foreigners raw sabi ni sir kaya naman pala walang tigil magpaganda itong mga babae.  8:00am na, malapit na magsimula ang klase kaya pinaupo na kami ni sir  .. napatingin ako sa paligid .. napatingin ako sa mga babae, para bang mga kiti-kiti sa sobrang excitement .. bago buksan ni Sir ang pinto ay pinagsabihan muna niya kami " Okay ! act normal lalo na kayong mga girls baka ma-trauma 'tong mga transferee sa inyo ha .. Kalma lang. Papasukin ko na sila okay?" ang paalala sa amin ng aming guro. Akin nang natatanaw sa bintana ang dalawang lalaki na nakatayo sa harap ng aming classroom. Kinausap na ni Sir raul ang dalawa at papasok na sila sa pinto. Eeekk eekkk .. ang dahan dahan na pagbukas ng aming pinto .. Nagtayuan na ang mga babae at humaba na ang leeg kakasilip nang tuluyang nagbukas ang pinto ..  Ang classroom ay nabalot ng katahimikan nang pumasok si Sir kasama ang dalawang transferee .. "Class, meet your new classmates Alexander and Raphael" 

Sky of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon