Chapter 2

1.5K 26 10
                                    

Kathryn's POV

Oh hell, ako nanaman mag isa ngayon. San kaya pwedeng pumunta? Hmmmm

"Kath, handa na ang pagkain." sabi ni yaya adeng.

Agad naman akong pumunta sa dining room at kumuha ng makakain. Yumm ang sarap talaga ng adobong manok ni yaya. Nakaubos tuloy ako ng 3 cups of rice.

Tatayo na sana ako nang tumunog ang cellphone ko.


*bzzt*

1 new message received

From: Daddy

Anak, naghulog ako ng 100k sa account mo. Enjoy your day, I love you :*


Hala? Grabe nakakabigla, hindi naman ako humihingi ng allowance eh, meron pa akong pera dito. Pero gora na rin, isasave ko nalang yun for future plans.

Oo, mayaman kami pero hindi ko tinatake advantage ang kayamanan ng parents ko. Hello? 21 years old na po ako at ang bait-bait ko kayang anak hihihi. Di ako katulad ng ibang mayayaman diyan, mayabang. Pero inaamin kong mataray talaga ako ng onti hahaha. Hindi ko kasi maiwasan ang mainis sa mga taong hindi ko talaga gusto, lalo na sa mga taong pa-bet at plastic. Sarap nilang ibasura tsk.

Kinuha ko nalang yung laptop para malibang naman ako, nag iisip pa kasi ako kung saan ako pupunta ngayon. Wala kasi si Celine eh, pag andito siya, gora kami ng gora. Kahit saan na kami napapadpad. Hayyy, namiss ko tuloy siya.


Kathryn Benardo is feeling bored.

Sobrang boring talaga ng buhay ko kapag wala ka bes! Huhu Celine Ramirez.

34 likes | 1 comment | Share


Parang ang ignorante ko naman gumamit ng Facebook hahaha. Minsan lang kasi ako nag-oonline eh.


Celine Ramirez commented on your status  (a few seconds ago)

"Bes, try mo pumunta sa bar. Mag walwal ka naman minsan!"


Takte, anong walwal? Napaka BI talaga ng isang to, puro walwal ang iniisip eh. Diba bad yun? Tss. Matry na nga lang. Sorna pho HAHA

Hahaha gulo ko rin e no? Ito ba yung epekto kapag wala kang kasama o makausap man lang sa bahay? Andiyan nga si yaya adeng, pero busy naman sa paglilinis. Pupunta na nga lang ako, try ko din hihihi. Pero mamaya na mga 6pm, kasi ang aga pa ngayon no, baka akala ng ibang tao sobrang desperada ko para pumunta ng bar ng ganito kaaga. Besides, wala pa naman sgurong bar na open ng gantong oras.

Magjojogging na siguro muna ako.

I closed  my laptop at pumunta na ako sa kwarto para magbihis. And tadunn, I'm ready to go.


At park

Ang fresh naman ng hangin dito. Nakailang rounds na pala ako kakaikot dito sa village, kaya andito ako sa ilalim ng puno sa may playground. Pahinga muna ako ng onti, nasobrahan yata ako eh hahaha akalain mo 11am na.

Siguro, sobrang ganda ko na ngayon. JOKEEE HAHAHA, Kayo naman di mabiro.

*ringgggg*

May tumatawag, sasagutin ko na sana nang biglang...


"ARAYYY!!! Ano ba, bulag ka ba? Kita mong may tao dito eh" sabi ko sa lalaking nakatama ng bola sa ulo ka. Ang sakit nun ah!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Married With The Badboy (Kathniel Fanfiction)Where stories live. Discover now