Chapter 1

1.7K 24 5
                                    

Daniel's POV

"Will you be my girlfriend, Celine?" sabi ko habang nakaluhod sa harapan ng babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagbago sa dating  Daniel Padilla na playboy at walang puso.

Ganito naman talaga ang magmahal diba? Yung magbabago ka para sa isang tao.

"D-Daniel.." sabi niya at ngumiti ng malungkot.

"Please, Celine? Gagawin ko ang lahat para--" pagputol niya.

"Daniel I'm S-Sorry, hindi ko sinasadyang saktan ka pero hindi ko talaga kayang magmahal ulit. At kung sakaling mahalin man kita, siguro hanggang kaibigan nalang yun." Sabi niya habang pinapatayo ako.

Wala akong masabi, ang tanging alam ko lang ay yung pag tibok ng puso kong parang mawawasak na sa sobrang sakit ng nararamdan ko.

Nagulat nalang ako at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"I'm sorry Daniel, but you deserve someone better. Goodbye" sabi niya at tuluyan ng naglakad paalis.

Tang*na, ganito ba dapat ang magmahal? Palaging nasasaktan?

Minsan na nga lang ako magseryoso ng isang relasyon, ngayon pa ako na basted.

Ito na ba yung karma ko? Bullshit kasi na pag-ibig yan eh!

Hindi ko talaga maintindihan si Celine, Tatlong buwan ko na siyang nililigawan pero nabasted parin ako sa huli. Palagi naman niya akong sinasabihang "I like you".

Ngayon, graduate na ako at CEO na sa isang kompanya ng Daddy ko. Binigay ko sakanya lahat, sa abot ng aking makakaya pero parang napako lahat ng yun matapos niya akong binasted. Ang saklap pre </3 nag effort pa naman ako at nagpatulong sa mga barkada kong unggoy.

Nakatayo parin ako dito sa lugar kung saan niya ako iniwan.

"Pre, alam mo mabuti pang umuwi ka nalang muna at bukas na natin pag usapan yan." sabi ni Luke Buenavista, isa sa mga matalik kong kaibigan.

"Oo nga pre, tas punta tayo sa bar ko mamaya. Siguradong may chix dun!" sabi naman ni Justin, kapatid ni Luke na sobrang playboy at manyak.

"Ulol! Tangina mo pre, kita mo namang nabasted ako diba? Wag mo na nga akong idamay diyan sa kagaguhan mo, tae ka!" sabi ko at tinulak siya ng bahagya.

"Ouch naman babes, masakit ah!" sabi pa niya.

Tangina talaga netong si Justin, tumawa naman ang unggoy.

"Saan nga pala si Harvey at Shin?" pagbabago ko ng topic para naman medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Ayun, nasa bar eh. Sobrang busy sa mga chix hahaha" sabi ni Luke.

"Osige, una na ako sainyo." sabi ko nalang at umalis.

"ABA, TANGINA! PINAGHINTAY MO KAMI AT TINULUNGAN KA NAMIN SA PAG-AYOS PERO IKAW TONG MANGIIWAN?" sigaw ni Justin

Psh! Si Justin talaga.

Lumingon ako sakanila at tinitigan ng masama.

"Shet, ang gwapo mo talaga baby! Yung panty ko achuchu" sabi ni Justin at tumawa nanaman ang mga ugok.

Hayst, ang mga barkada ko talaga. Natawa naman ako dun hahaha. Psh! Oo na! Ako na broken hearted. Makatulog na nga lang.

Pumunta na ako sa parking lot at nagdrive na pauwi.

Lima pala kaming magbabakarda, mas kilala kami bilang mga star players ng Lions. Ako, Luke Buenavista, Justin Buenavista, Harvey delos Reyes at Shin Viajante. Di sa nagyayabang ako ah, pero lahat kami habulin ng chix. Kami ata ang mga crush ng bayan.

Married With The Badboy (Kathniel Fanfiction)Where stories live. Discover now