Chapter 2-Stalker

437 11 0
                                    

Nagulat si Jane ng biglang kumatok ang isa sa mga kasambahay sa pintuan ng kwarto nya. "Ma'am kakain na daw po kayo ng hapunan sabi ng lolo nyo".

Agad pinunasan ni Jane ang mga luha nya at binalik uli sa kahon ang photo album."Sige po ya, pakisabi po kay lolo pababa na po ako". Kaagad na pumunta si Jane sa banyo upang maghilamos para di mapansin ng lolo nya na umiyak sya. Pagkatapos ay bumaba na din sya.

"Oh apo! Tara kain na tayo! Nagpaluto ako kay manang ng paborito mong pagkaing Kare-Kare, tapos sa dessert naman natin,umorder ako ng ice cream cake sa DQ."

"Wow lolo! Anong meron?" Wika ni Jane.

"Bakit? Ayaw mo ba? Sige, papasauli ko na lang yung Ice cream cake at ipapatabi ko na lang sa ref ung kare kare"

"Wag lolo!!! ToT nagtatanong lang naman ako eh!"

"Heheh joke lang apo, naging maganda kasi ang takbo at sales ng kompanya natin kaya ayun, gusto ko sana na magkaron tayo ng isang maliit na celebration"

"Ah ganun ba, cge lo! Tara! Kain na tayo! Nagugutom na ako eh!"

"O syasya at maupo na tayo"

Pagkatapos nilang kumain agad dumeretso si Jane sa kwarto nya at binuksan ang kanyang laptop. Pagkabukas na pagkabukas nya ng laptop nya kaagad nyang binuksan ang fb nya.

"Woah,tambak na naman ang message sakin ~.~ Wth, pati narin ang notif, at Friendrequest ko."

Scroll up, scroll down lang si Jane hanggang maisip nya na isearch si Aldrin sa fb.

"Hmmmm,isearch ko kaya sya? O baka, wag na lang kaya siguro? Ahhhhhhh shit! Cge, Jane kalma! Huuu, okay, isesearch ko na sya.Aldrin Villamor Sy." Pinagmasdan ni Jane ang mga mala anghel na mukha ng binata. At napanganga pati ito ng makita ang anim na malalaking pandesal ni Aldrin.

"Shett, yummyyyy! Jane! Magtigil ka! Pigilan mo sarili mo!Nasasapaian ka ng ano dyan Jane!Tandaan mo! Iniwan ka ng lalakeng yan kaya stop!" Nagpatuloy si Jane sa pagstalk kay Aldrin.Nagulat sya ng may makitang mga litrato ni Aldrin na may kasamang napakagandang babae at sobrang sweet nila sa bawat photos.

"Mukhang may girlfriend na si Aldrin. At mukha namang masaya sila. P-pero bakit! Iniwan nya lang ako ng ganun ganun tapos?! Tapos?! Ugh!" Biglang pinatay na ni Jane ang kanyang laptop at halos mangiyakngiyak sa kanyang mga nakitang pictures. Biglang nahiga si Jane sa kama nya at isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang unan.

"Baket?! Baket?! Aldrin! Wala akong ibang ginawa dati kundi mahalin ka! Iniwan mo ako ng ganun ganun na lang tapos pinagpalit mo pa ako?!" Hindi napansin ni Jane na may luha na palang tumutulo mula sa kanyang mga mata at dahil dito, nabasa ang kanyang unan. Dahil sa pag iyak, nakatulog na pala sya ng hindi nya namamalayan.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon