Chapter 10-I Nver Know

246 6 0
                                    

Hi po! Tyaka nyo po iplay yung music pag nasa part na binabasa na ni aldrin yung letter na bigay ni Jane. Ty!

ALDRIN'POV

Habang papauwi nako,naisip ko lang. Ang weird ni Jane yung kasama ko kanina ha,hindi yung girlfriend ko.

Bakit nya kaya tinatanong kung kilala ko sya. Ang weird ha.

Syanga pala,kanina pako nagchachat,nagtetext at tumatawag kay Babe,di sya sumasagot. Bukas na nga lang.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay kaagad akong dumeretso sa kwarto ko para tingnan yung photo album.

"Hmmm Jaldrin's memory?" nagulat ako sa nabasa ko.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng photo album.

Nakita ko yung pictures ko. Pero kasama si...what? Bakit sa lahat ng pictures ko kasama ko si jane? Yung babaeng kasama ko kanina.

Ngililipat ko na sa next page biglang may nalaglag na sulat.

To;Aldrin

Alam ko,ramdam ko,na ikaw yung lalakeng una kong minahal. Nung nakita kita na papunta sa Mcdo,hindi ako nag hesitate na sundan ka. Kasi alam kong ikaw yun at hindi ako pedeng magkamali. Alam mo ba? Nung time na yun,gusto na kitang yakapin kaso...biglang dumating yung girlfriend mo. At tinawag kang Babe. Nung araw na yun,gulong gulo ako. Wala akong maisip kung bakit mo ginawa yung bagay na yun. Pero isa lang ang gusto kong gawin nung araw na yun. At yun ay yung humanap ng paraan at kasagutan. Gusto ko lang sana sabihin sayo na. Mahal padin kita. Mahal ka padin ng first love mo. At hanggang ngayon gusto ko ng kasagutan kung bakit mo ako nagawang iwan ng hindi nagpapaalam nung highschool tayo.

              Nagmamahal,
                    Jane

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung nabasa ko yung sulat ni Jane. P-pero sino yung girlfriend ko ngayon? Nagpapanggap lang ba sya?! Kelangan ko sya makausap ngayon din!


First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon