Ako si Carolia Isabelña Sta. Teresa. Labing walong taong gulang. Walang ina wala ring ama. Nakikitira ako sa aking tiyahin. Kung saan ako'y alipin. Ngunit kahit ganito ang trato sa akin ng aking tiyahin at pinsan sila'y aking mahal pa rin. Si tiya Sonya na ang nagpalaki sa akin. Hindi ko na nakilala ang aking ama't ina dahil ang sabi sakin ay sanggol pa lamang ako ay namatay na ang aking mga magulang. At sabi din nila iniwan lang ako ng mga magulang ko sa tapat ng bahay ni Tiya Sonya. At may nakalagay na sobre sa aking lampin. Ngunit hindi ki alam kung ano ang laman nun. Pero ang sabi sa akin ng aking Tiya Sonya ay pangalan ko lamang ang nakalagay doon.
May roon akong pinsan sila Felidad at ang kakambal niyang si Francia. Hindi kami magkasundo ni Felidad dahil naiinggit siya sa amin ni Francia. Dahil sa tuwing tinatarayan ako ni Felidad si Francia ang nagtatanggol sa akin. Kaya noon pa ma'y lagi nang galit at suplada sa akin si Felidad. Pero laking pasasalamat ko pa rin sa kanila Tiya Sonya. Felidad at Francia dahil nariyan parin sila sa akin. Kahit minsan ay muntikan na akong ma------
"ANO BA CAROLIA ISABELÑA STA. TERESA. KANINA PA KITA TINATAWAG DI KA PA RIN BA BABABA?!?!?!??!?!" boses yan ng Tiya Sonya ko. Ganyan siya palagi kapag may nagagawa akong mali o kaya kapag pinagmamadali niya ako. Minsan naman ay kapag mabagal ako kumilos. Binabanggit nya din ang buo kong pangalan kapag nagagal---------
"CAROLIAAAAAAA ISABELÑAAAAAA STA.... TERESAAAAAAAA!!!!!!!" hayy
"OPOOOOO ETOOOOO NA POOOO PABABA NA POOOO" sigaw ko mula sa kwarto.
Dali dali rin ako nag suot ng sapin sa paa at bumaba na "bakit po Tiya Sonya?" nakayukong tugon ko
Sisigaw toh sisigaw toh sisi-------
"AT BAKITTTT NGAYONNNN KA LANG BUMABABA KANINA PA KITA TINATAWAGGGG ABA?!?!??!" sabi na eh.
"Pasensya na po Tiya Sonya. Hindi na po mauulit"
"Aba dapat lang. O siya sige. Mamalengke ka para sa ating hapunan mamaya at may bisita ako mamayang gabi"
"Bisita po? Sino po?"
"Sila Don Alejo San Martin. At ang kanyang anak na si Alejandro San Martin. Kaya bilisan mo, at para makapag luto ka na rin"
"Sige po. Pwede ko po bang isama si Francia? Para po may kasama at kausap po ako habang naglalakad po?"
"O siya sge. Ikaw ang bahala. Basta bilisan nyo" tumango na lang ako bilang tugon.
Umakyat na ako sa taas para makapag ayos na. At lumabas ng silid upang katukin sa kwarto si Francia.
"Francia maaari ba akong pumasok?" ngunit walang sumasagot. Kaya binuksan ko na lang ang pinto ng kanyang kwarto. Pagbukas ko ay walang bakas ni Francia ang nasa loob. Saan kaya nagpunta iyon? Ah baka lumabas at nag lakad lakad. Di bale ako na lang ang pupunta sa bayan.
Umalis na ako ng bahay. At naglakad patungong bayan. Masyadong madaming tao ngayon dahil araw ngayon ng sabado. At tuwing sabado ay maraming tao sa Bayan. Nang makarating ako sa Palenque De San Martin. Agad na akong namili ng aking lulutuin mamaya. Nga pala, ang palengkeng ito ay pag aari nila Don Alejo San Martin. Sila ang pinakamayaman dito sa lungsod. At para sa kanila pantay pantay ang pamumuhay dito. Walang mahirap wala ring mayaman. Lahat ay katamtaman. Si Don Alejo ang pinakamabuting tao dito sa San Martin. Ang kanyang asawa naman ay si Donya Elena San Martin. At may isa silang anak na si Ginoong Alejandro San Martin. Isang matipuno maginoo mabait matulungin masayahin maaalalahanin at kagalang galang na tao. Matangkad at may pagkamatangos na ilong mahaba din ang kaniyang pilik mata at mapungay ang kaniyang ma----
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil may bumangga sa akin dahilan para ako'y mawalan ng balanse. Inaantay ko na lang na ako'y bumagsak sa sahig. Ngunit iyon ay di naituloy dahil may matang nakatingin sa aking mga mata. Mapungay na mata matangos na ilong at mapulang labi. May nakahawak din sa aking baywang. Tsaka ko na lang nalaman kung sino ang taong nakasalo sa akin. Kung kaninong mukha ang nasa harap ko ngayon.
Si............
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
GINOONG ALEJANDRO SAN MARTIN~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HAHAHAHA. UNANG KABANATA PA LAMANG ITO. ABANGAN ANG SUSUNOD. SALAMAT!