Si Ginoong Alejandro San Martin ang nakabangga sakin. Kung bakit ako nawalan ng balanse. Kung bakit hindi natuloy ang aking pagkabagsak. Si Ginoong Alejandro na mapungay ang mata at matangos na ilong. Sa katunayan unang kita ko pa lamang sa kanya ay-------
"Binibini ayos ka lang ba? Pasensya na dahil ako'y nagmamadali. Kung kaya'y hindi kita nakita at ika'y aking nabangga" tugon niya. Bago pa ako magsalita ay umayos muna ako ng tayo. Dahil ramdam kong madaming mata ang nakatingin sa amin. Dali dali ko ring pinulot ang mga pinamili ko. At saka nagsalita.
"Ayos lamang ako Ginoo. Ako'y mauuna na sa iyo dahil ako'y nagmamadali. Pasensya na rin ho Ginoo" sabay yuko ko at umalis na rin. Di pa man ako nakakalayo ay nagsalita muli siya.
"Pasensya na muli binibini"
Ako nama'y dali daling umuwi. Para makapag luto na. Dahil konti na lang ang aking oras.
Pagdating ko sa bahay ay boses agad ni Tiya Sonya ang aking narinig.
"Aba Carolia. Bakit ngayon ka lang?"
"Pasensya na po Tiya Sonya. Natagalan lang po sa paghahanap ng bilihin"
"O siya. Pumunta ka na sa kusina at magluto. Maya maya'y darating na ang pamilyang San Martin." tumango na lang ako bilang tugon. At saka ko na lang naalala muli ang nangyari kanina.
Hindi ko dapat inaalala iyun. Pumunta na ako ng kusina para makapaghanda ng lulutuin.^o^
Pagkatapos kong magluto ay umakyat na ako sa taas. Para makapag ayos. Pagkatapos nun ay humiga muna ako sa aking kama. Hayyyyy nakakapagod ang araw na ito. Ganito palagi ang gawain ko kapag wala na akong magawa sa bahay. Minsan kahit malinis at maayos na ang kwarto ko ay pilit ko parin itong inaayos.
Minsan naman ay inaalala ko ang ama at ina ko. Kamusta kaya sila? Kahit hindi ko pa sila nakikita alam kong mabuti at mapagmahal sila. Ano kaya ang pakiramdam na may ama at ina? Pasalamat na lang din ako dahil nandiyan sila Tiya Sonya. Felidad. At Francia sa buhay ko. Ama Ina sana ginagabayan niyo po ako araw araw. Mahal ko po kayo.
Muli, naalala ko na naman ang nangyari kanina. Si Ginoong Alejandro matagal ko na siyang kilala. Pero hindi niya na ako kilala mula noong na-----
"Carolia. Maaari ba akong pumasok?" si Francia pala
"Tuloy ka. Bakit ka naparito?"
"Carolia bumaba ka na raw sabi ni Ina dahil konting minuto na lang ay dadating na ang pamilyang San Martin"
"Sige sandali lamang" nagsuot na ako ng sapin sa paa at sabay kaming bumaba ni Francia. Ngunit ako'y may naalala.
"Francia. Si Felidad ba ay nasa baba na rin?"
"Oo. Ikaw na lang ang inaantay namin dahil padating na raw ang pamilyang San Martin. Tara na"
At bumaba na kami. Pagkababang pagkababa pa lang namin ay may kumakatok na sa pinto. Bubuksan na sana ni Tiya Sonya. Ngunit ako na ang magbubukas.
"Tiya Sonya ako na po ang magbubukas"
Pagbukas ko ng pinto, ngiti ng pamilyang San Martin ang sumalubong sa akin.
"Magandang gabi ho Don Alejo, Donya Elena at Ginoong A-alejandro. Tuloy po kayo" tumuloy sila at nakita ko lamang na mukang nagtataka si Ginoong Alejandro. Pero bago pa siya mahalata ng kaniyang ama ay tumuloy na rin siya.
"Don Alejo Donya Elena at Ginoong Alejandro, magandang gabi ho. Ikinagagalak ko na nakarating kayo" -Tiya Sonya
"Magandang gabi din Donya Sonya" -Don Alejo at Donya Elena.
"Tara na't para makapag hapunan tayo" -Tiya Sonya
Pumunta na kami sa hapag kainan. At naghanda na para makakain ngunit bago iyon ay nagdasal muna kami. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.
"Siya nga pala Don Alejo Donya Elena at Ginoong Alejandro. Ikinalulugod kong ipakilala ang aking kambal na anak sina Felidad at Francia" tiya sonya
"Ikinagagalak naming makilala kayo Felidad at Francia" Don Alejo
"Salamat po Donya Elena ikinagagalak din po naming makilala kayo" Felidad
"Ito naman ang aking kabiyak na si Elena San Martin at ang aming anak na si Alejandro San Martin"
"Magandang gabi sa inyo" Donya Elena
Teka. Aking napapansin lamang ay kanina pa tahimik si Francia. Bakit kaya? Napapansin ko ding walang kibo si Ginoong Alejandro. Ano kaya ang nangyari sa kanya kanina pa ito ah. Teka at bakit ko ba inaalala iyang si Ginoo? Hayyyy. Abala pa rin ako sa pagkain at sila naman ay nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Kukuha na sana ako ng inumin kaya lang napansin kong may nakatingin sa akin.
"Sonya. Sino naman ang magandang binibining ito?" sabay turo sa akin ni Donya Elena habang nakangiti. Pansin ko ding nakatingin sa akin si Ginoong Alejandro. Para bang inaantay ang sagot ni tiya Sonya.
"Ah. Don Alejo. Donya Elena at Ginoong Alejandro. Si Carolia Isabelña Santa Teresa nga po pala. Anak ng aking kapatid" pakilala sa akin ni Tiya Sonya
"Ikinagagalak ko pong makilala kayo" bati ko na may halong ngiti sa kanila.
"Napakagandang pangalan sing ganda na iyong mukha binibini. Ikinagagalak ko ring makilala ka" tugon naman ni Don Alejo. At ngumiti sa akin. Ako naman ay nahiya, dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Maraming salamat po Ginoong Alejo" nahihiyang tugon ko.
At nagpatuloy na sila sa pakikipagkwentuhan at tawanan. Napapansin ko ring patingin tingin sa akin si Ginoong Alejandro. May dumi ba ang aking muka? O may nais siyang sabihin? Baka yung dahil sa nangyari kanina ay nais niya akong kausapin? Bigla na lang ako kinalabit ni Francia.
"Carolia. Kanina pa patingin tingin sa iyo si Ginoong Alejandro, o anong meron sa inyo, ha? May tinatago ka ano?" bulong niya sa akin na may kasamang nanunuksong mga ngiti.
"Ano ka ba. Tumahimik ka na lang riyan at huwag mo ng pansinin"
"Ahhhh. O sige sabi mo e" panuksong tugon niya.
Ano ba naman itong si Francia kung ano ano ang pinapansin. At binibigyan agad ng kahulugan. Hayyy. Kumuha na lang ako ng inumin at uminom ngunit habang ako'y umiinom ay biglang nagsalita si Don Alejo.
"Alejandro. Kanina ka pa walang kibo at kanina ko pa rin napapansing sulyap ka ng sulyap kay Binibining Carolia. Kayo ba ay may lihim na pagtingin sa isa't isa ng di namin alam?"
⊙_⊙ - Ako, Ginoong Alejandro, Tiya Sonya, at Felidad
(^O^) - Francia at Donya Elena
(ー ー゛) Don Alejo~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hanggang dito muna. Abangan ang susunod na kabanata.
~sisylicious