I’m freakin’ inlove with my gay bestfrend. Kung ang iba namomroblema kasi inlove sila sa bestfriend nila. Oh well, mas lalo naman ako diba? Bukod sa BESTFRIEND ko siya, BAKLA pa siya. Ang saklap lang ng lovelife ko diba?
"Ang bagal mo talaga Lyka! Bilisan mong maglakad!" sabi ni Brent sabay hawak sa kamay ko.
Naramdaman ko agad ang pagwawala ng puso ko. Nagrarambol sa loob ng katawan ko. Simpleng hawak lang niya parang gusto ng tumalon ng puso ko palabas ng katawan ko. Geez! Pag dating talaga sa taong 'to nagiging corny ako.
"Oo na. Hindi mo naman ako kailangang hilahin e.” sabi ko sabay irap. Kunyari galit pero deep inside kinikilig. Ha-ha.
"Sungit. Meron kaba ngayon?" sabi niya habang nakangisi ng mapang-asar.
"Oo. Meron akong kagandahan. Tara na nga!" sabay hila ko sa kaniya pasakay sa jeep na tumigil sa harap namin.
"Oy tingnan mo oh. Ang pogi."
"Oo nga friend. GF niya kaya yung kasama niya?"
"OMyG! Bagay sila ha."
"Oo nga. Hihi."
Usapan ng mga babaeng kasabay namin sa jeep habang nakatingin samin. Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng mga ganyang usapan tungkol samin ni Brent. Pero kahit ganon. Di ko pa rin mapigilang matuwa at kiligin. Nakakatuwa lang na may nakaka appreciate ng chemistry namin, kahit na si Brent mismo hindi maappreciate yon.
"Ang gwapo mo daw." bulong ko kay Brent habang tumatawa. Tumawa din siya pero hindi nagsalita. Ganyan siya lagi, hindi niya pinapansin ang sinasabi ng iba.
Si Brent kasi ang tipo ng bading na hindi mo iisiping bading hanggat hindi mo nakakasama. Hindi kasi halatang bakla siya. Ikaw ba naman makakita ng sobrang gwapo at machong lalaki, tapos may kasama pang MAGANDANG BABAENG KAGAYA KO, pagkakamalan mo bang bakla? Kung hindi ko nga siguro kilala at bestfriend to, malamang, magugulat ako pag nalaman kong bakla siya.
“Ah Bren-“
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Yung lalaki sa tapat naming ni Brent, mukhang nanakawan yung babaeng katabi niya. Naka-headset yung babae habang nakapikit, tulog siguro kaya hindi niya naramdaman na ninanakawan na siya.
BINABASA MO ANG
My Gay Bestfriend (One Shot)
القصة القصيرةNaranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mo? and worst bakla pa ito?