Chapter 4

29 3 0
                                    

Chapter 4

Tony's Pov

Dumating ang araw ng linggo,at maaga akong nagising para maglinis ng bahay,kagabi ay kahit pagod ako ay naglaba na ako ng mga marumi naming damit at habang naglalaba ako ay ikinuwento ko kay jerry na darating nga ngayon yung kaibigan kong si crissele at tulad ng inaasahan ay tuwang tuwa ang kapatid ko,lalo na ng malaman niyang mamasyal kami.at ngayon nga ay nagluto na ako ng umagahan namin sinangag at itlog at ang paborito kong tuyo,nang matapos akong makapagluto ay nagtimpla narin ako ng kape at saka ko ginising ang kapatid ko.

"Jerry,gising na!"turan ko at agad naman syang nagmulat ng mga mata.

"Goodmorning ate!aalis na po ba tayo!andyan na po ba si ate crissele"sunod sunod na tanong nya,natawa naman ako sa mga pinagsasabi nya,hindi naman halatang excited ang kapatid ko.

"Wala pa ang ate crissele mo!kaya tumayo ka na dyan at magligpit ng pinaghigan at sumunod kana sa labas at nang makakain,para maaga tayong makapag ready,nagtext na kasi ang ate mo na mamayang alas diyes ay pupunta na sya,kaya tumayo ka na dyan ok!

Tumayo sya sa higaan at saka humarap sa akin para sumaludo "aye aye,captain"

Natatawa akong lumabas ng kwarto at saka nag umpisang kumain.

...

"Hellooooooooo"rinig kong turan na dumungaw pa sa bintana,agad naman tumakbo ang kapatid ko para buksan ang pinto at tulad ng inaasahan ay halos lumambitin na ang kapatid ko sa pagyakap niya kay crissele.

"Ateeeeeeeeee!"balik sigaw naman ni jerry sa napapadilat na si crissele

"Oh my gosh!ang laki laki mona anim na taong lang akong nawala,but look at you now!ang tangkad at sobrang gwapo mo pa!"turan ni crissele habang sinisipat ang katawan ng kapatid ko.

Tumayo ako at nilapitan ko sila,tinignan ko si crissele at tinignan rin nya ako ng may pagtatanong"why are you look at me that way?huh!"tanong niyang may pagtataray.

"Akala ko ba alas diyes ka pa pupunta!"tumingin ako sa relo ko at nakita kong mag na nine palang."alas nuwebe palang ahh!masyado mo naman akong na miss,"biro ko pa!

Tumawa muna sya bago sumagot sa akin,"sorry naman girl!gusto ko kasi sanang makikain muna ng agahan!nakakalungkot sa bahay eh!solo flight kasi ako diba!"turan nya"ano may pagkain pa ba kayo dyan hehe!

" ikaw talaga!tara na umupo kana at kumain kaya lang itlog at tuyo lang yan ahh!di naman ako mayaman tulad mo'."sagot ko

"Ano ka ba girl!you know me to well,alam mong hindi ako maselan sa pagkain right,o sya tama na dada,kumain na tayo,nagugutom na talaga ako eh!

At nag umpisa na nga syang kumain,at nakakatuwa syang tignan na kahit alam mong mayaman sya ay kahit kelan ay,di sya nagyabang tulad nalang ngayon kahit tuyo at itlog lang ang ulam nya,hindi mo sya makikitaan ng kaartehan.


*MALL*

"Wow!ang ganda dito ate crissele,salamat po ahh!"si jerry

Ngumiti naman si crissele at saka ginulo ang buhok ng kapatid ko."oh saan mo ba gustong unang pumunta!gusto mo bang mag arcade muna o gusto mong mag shopping muna tayo!"wika pa nya,habang nananatiling nakatingin at nakangiti sa kapatid ko.tumingin muna sa akin si jerry at ng tumango ako ay saka lamang sya sumagot kay crissele.

"Ate ganda!ok lang po ba na maglaro po muna tayo!namimis ko na po kasing maglaro eh!"sagot ni jerry,na ikinalungkot ko at alam kong naramdaman ni crissele yon kaya agad niya akong tinignan na may simpatya,tumango nalang ako para hindi na siya magalala pa.

NGSB meet NBSB Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon