Chapter 42:Where are you?

2K 182 13
                                    

Chapter 42:Where are you?
~💖~

Mild's POV

Drei where are you?! Kanina pa ako naghihintay dito sa restaurant.

This was supposed to be a special day, why?? Because It's my Birthday!

Kanina ko pa sya tinext pero hindi sya nag rereply.

Kahit ngayong araw lang Drei, masamahan mo man lang ako sa mahalagang araw na 'to.

It's almost 7:30 in the night, mula pagkagising ko, hindi ko na sya naabutan, ni hindi nya man lang ako binati bago sya umalis o kahit letter o gift wala akong natanggap.

Ano pa nga bang pinagkakaabalahan nya? Eh di yung pamilya nya at ako naman si dakilang MISTRESS na istorbo sa kanila. Ako, na humihingi ng kaunting oras at atensyon sa DAKILANG ASAWA ko!

Martyr pa rin ang peg ko, ako na nga ang naghanda para sa sarili kong birthday dahil wala naman akong ibang maaasahan, i don't expect surprises dahil ngayon pa lang sobrang surprise na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

Di ko akalain  na nakayanan ko ang maging ganito. Siguro ang saya nila ngayon.

Hindi nya naman siguro nakalimutan ang araw na'to.

It's already 8, until 9 PM still waiting pa rin ako.

"Ahm, excuse me mam, but we need to close, balik na lang po kayo sa ibang araw." Sabi nung waiter sakin.

"Ah ok, thank you." Sabi ko at umalis na ako.

Wala na, sayang ang pina reserve ko. Sayang lahat ng efforts ko para sa sarili kong birthday.

Habang naglalakad ako ay tumutulo ang mga luha ko, di ko na napigilan at nilabas ko na ang sakit na nararamdaman ko.

Masyado na syang nag i-enjoy at busy sa anak nya at kay Sydney. Nakalimutan mo ata na may asawa ka.

Mukhang hindi na ako mahalaga sa kanya, kaya hindi nya maalala ang araw na 'to.

Hayy.. Ba't ang malas ko naman wala ng sasakyan na dumadaan. Akala ko kasi na darating sya at may sasakyan sya na sana ay pwede naming sakyan pauwi.

Sabagay anong oras na ba? Masyado ng late para may dumating pang sasakyan.

No choice ako kundi ang maglakad, i walk slowly at nagmumuni-muni. But at the same time ay natatakot ako dahil mag isa akong naglalakad.

Maya-maya ay may humablot sa bag ko.

"Teka, ang bag ko ibalik mo!" Sigaw ko sa magnanakaw at hinabol ko sya.

At the end, wala na nakuha nya na lahat at ang itsura ko ay parang narape o parang pulubi, basta hindi ko na maintindihan ang itsura ko ngayon.

Napaka swerte ko talaga noh?

Unang-una, hindi sumipot ang asawa ko.

Pangalawa, walang sasakyan kaya naglakad ako para maka uwi.

At pangatlo, nanakawan ako.

At huli naman ay ang nakaka awang itsura ko. Huhu.

Grabe happy birthday talaga sakin! This is the day that i won't forget. Whoo! Grabe talaga, ang saya ko.

Best birthday ever! Sa sobrang saya ko grabe baka hindi na ako makatulog nito.

Nakarating na ako ng bahay at naabutan ko ang magaling kong asawa na nanunuod ng TV.

Wow, kaya  pala hindi nya ako sinipot. Grabe nakaka touch sobra! Gusto ko ng maiyak!! Sa sobrang sakit ng nararamdaman  ko.

"Nae Sa-rang, saan ka galing at ba't ganyan ang hitsura mo at gabing gabi ka na nakauwi!" Tanong nya.

WOW naman talaga wala na akong masabi sa mga sinabi nya. Ang galing talaga! Promise di ko na kaya!

Umakyat na ako ng kwarto at di ko sya pinansin. Pumatak na ang mga luha ko at nagkulong ako sa kwarto ko.

Naghilamos ako at nagpalit ng damit.

Hindi nya talaga naalala ang araw na 'to.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit kong makatulog agad .

Please sana masamang panaginip na lang ang lahat ng 'to. Sana pagkagising ko ay bumalik na sa dati ang lahat.

~•~

Nagising ako ng matamaan ng sinag ng araw ang mukha ko.

Minulat ko ang mata ko at una kong hinanap ay si Drei, kahit na masama ang loob ko sa kanya,  hindi ko pa rin sya Matiis. Martyr nga di ba? Eh di panindigan ko na.

Bumaba na ako at tumungo ng kusina at hinanap ko si Drei. Pero bigo nanaman ako, wala na naman sya at naiwan nanaman ako mag isa.

Hindi nya talaga naalala ang birthday ko.It's okay, tanggap ko na na invisible na ako sa mga mata nya.

Wala na akong say say at wala na rin akong halaga sa kanya.

Pero hindi pa rin ako magbabago, mahal ko pa rin sya.

But at the same time, namimiss ko ang dating ako. Malaya, masaya.

Life sucks! Love is Shit! And pretending that everything is okay, is worst!

Pumunta na ako ng kwarto ko pagkatapos kong kumain at maligo at Nagbihis ako dahil pupunta ako ng mall para libangin ang sarili ko.

I wear my simple dress, simula ng ikasal ako ay nag pang disente na ang mga damit na ang mga sinusuot ko at Hindi naman  ako lumalabas ng bahay. kaya nakakulong lang ako sa bahay na'to.

Para akong bilanggo, Hindi lang sa bahay, Kundi pati sa pag ibig ni Drei. Choss!
Haha. Corny much. But that's okay at least I show my love without any regrets.

Bumaba na ako at lumabas ng bahay. And I check myself in the mirror, Mukha akong lusyang dahil sa stress.

Nag antay ako ng taxi at sumakay na ako papunta ng Mall.

Pagkarating ko ay pumunta agad ako sa Salon, naisip ko kasing i treat ang sarili ko.

Nag pa ayos ako ng buhok ko pina hot oil ko lang naman at nag pa spa na rin ako.

After that habang naglalakad ako ay may nakabangga ako.

~💖~

A/N: Sorry for the TYPOS guys!!!

Vote🌟 + Comment💬 = Happiness & UD!!!

Follow me here in Watty and Belle Montero WP on FB for more updates.

-belle_iswak4ever


My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon