CHAPTER 1

1.4K 45 6
                                    

ROBI

Wow...

Ang tanging laman ng isip nya nang matanaw nya ang bungad ng Trenton International Academy.

Labas pa lang yan ah? ano pa kaya pag nasa loob na ako baka himatayin ako sa pagkamangha.

Kung tutuusin ang swerte nya sa pagkakapasok sa school nato kasi sa dinami rami ng nagapply na mas qualified at mas may experience sa kanya sya ang napili at pinagkatiwalaan sa posisyong inapplayan. - Sya? na isang fresh graduate at itsurang uhuging bata. - Kaya naman sa sobrang laki ng pasasalamat nya pinakain nya ang buong barangay nila ng... tigpipisong chipi-chipi!

Woi kala nyo ah! Mahigit sa 400 ang populasyon ng barangay namin, kaya waldas ang pinakiingatan kong ipon na Php 500. Isang buwan ko din kaya pinagipunan yun >__<

Ang laki at lawak naman ng eskwelahang ito.

Ang naisip nya habang papasok sya sa side gate katabi ng mas malaking gate na labas masok na  dinadaanan ng mga magagara't bagong sasakyan iilan lamang sila ang naglalakad at pumapasok sa mas maliit na gate.

Nang madaanan ko yung guard house, ang higpit ng security details grabe, kapkap dito kapkap doon yung maliit kong backpack wasak! sa kakakapkap nila ng bawat kasuluksulukan. Pati ang bagong gupit at maayos na pagkakasuklay kong buhok hindi pinalampas at kinapkapan. Pati pala kuto considered na lethal weapon sa school nato. - Woi wala ako nun ah!

"Excuse me po sir!"

Habol sakin nung guard nang naglalakad na ako papasok sa loob, hindi pa pala sya tapos. - Excited ako eh, bakit ba?

Bakit manong? Kulang pa po ba yung kapkapan session natin kanina pati kasingit-singitan ko gusto nyong kapkapan?

"Ikaw ba si Mr. de Dios?"

Tanong sakin ni manong guard at tiningnan sya na parang nagdududa.

Naman oh.

Nabasa naman nya kanina tong silver name plate ko kung saan nakalagay ang pangalan at posisyon ko ah - Dukutin ko kaya eyeballs nyeto.

"Oo ako nga po yun manong."

Sabi ko sabay pinkita ko dito yung name plate na nakalagay sa breast pocket ng teachers' uniform na suot ko nakasulat dito ang,

Mr. Rubiko Lee de Dios

Advance Physics Teacher

Science Department
TRENTON INTERNATIONAL ACADEMY

"Ah, eheheh pasensya na po kayo sir, hindi kasi kayo mukhang teacher mas mukha kasi kayong -"

Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil sa sama ng tinging pinupukol ko sa kanya.

Oo alam ko! mukha akong kinder na naligaw sa high school! Hmp.

Ngingiti-ngiti nalang ito parang di naaapektuhan sa talim ng mga titig ko.

"Bakit po pala nyo ako tinawag?" ang seryoso kong tanong.

"Ah, tumawag kasi si Mr. Crowe ang magtutour sa inyo sa buong campus, hintayin nyo nalang daw sya sa student lounge at parating na daw sya."

Crowe? unang pumasok sa isipan ko yung isang sikat na basketball athlete, pero imposible ano naman gagawin nun dito baka kamaganak lang siguro nya yung magtutour sakin.

"Sige, salamat."

Ngumiti ako dito ng tipid at nagsimula nang hanapin ang student lounge. Hindi naman ako nahirapang maghanap dahil pagtalikod ko kaharap ko na agad yung student lounge, pumasok na ako at naghanap ng mauupuan wala nang tao sa loob ng lounge dahil kasisimula lang kasi nang first period.

To Sir, With Love [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon