A One-Shot Story
It was summer when I first met you. Everything was so perfect. Almost.
- - -
Naglalakad ako sa dating lugar kung saan ko s'ya unang nakilala. Kung saan kami naging magkaibigan at kung saan ko unang naramdamang tumibok ng malakas ang puso ko.
"Pag lumaki na tayo Lance sana ikaw ang mapangasawa ko"
"Lance, gusto ko ikaw ang mag pu-propose sa'kin ha?"
"Dapat bubuo tayo ng totoo saka masayang pamilya."
Napatulala ako sa kawalan ng unti-unting bumalik ang mga ala-ala nating dalawa. Mga ala-alang mananatili nalang sa nakaraan. Anong nangyari sa'ting dalawa? We we're so perfect back then. What happened to us?
15 years ago, I was 8 while you're just 6 years old back then when we first met. Everything was so perfect.
Until, I made a biggest mistake in my life when I introduced you to him. Pagkakamaling alam kong naging kasiyahan mo.
"Will you marry me?" He asked.
Agad kang tumango habang patuloy na umaagos ang luha mo saka ipinasok sa daliri mo ang isang kumikinang na singsing.
Bagay na hinding-hindi ko makakalimutan. Araw kung saan tuluyang nagiba ang mundo ko.
Alam kong dapat maging masaya ko para sa inyo. Para sa'yo. Pero ano nga bang magagawa ko? Kahit anong pilit ko ay ito pa rin ang nararamdaman ko.
"Lance! Mali-late ka na sa kasal. Dalian mo!" napalingon ako kay tito Cris kaya agad akong lumakad papunta sa kotse ko at pinaharurot ito sa simbahan.
Inilibot ko ang tingin sa loob. Mga magagandang dekorasyon at masasayang muka ng mga tao ang sumalubong sa'kin.
"Bro!" bati sa'kin ng Ranz nang makalapit ako sakanya.
"Congrats." I smiled.
Napalingon ang lahat ng biglang bumukas ang pintuan ng simbahan at iniluwa ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.
Pinagmamasdan ko lang ang babaeng mahal ko habang nakasuot ng puting gown at naglalakad papuntang altar.
Hindi pa rin nawawala ang maganda n'yang ngiti kahit na patuloy na umaagos ang luha n'ya dulot ng sobrang kaligayahan.
Nakangiti lang s'ya sa mga tao hanggang mapadako ang mata n'ya sa'kin. Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko at ngumiti sakanya.
Masaya ko.
Masaya ko para sa'yo Kath dahil alam kong magiging masaya ka sa piling ng lalaking mahal mo. Mahal mo nang higit pa sa kaibigan na kaya mo lang ibigay sa akin.
"Okay naman tayo diba, Lance? No cool-offs, no commitment, no break-ups, no label. 'Cause we're bestfriends."
Nakangiti ka pa habang binabanggit ang bagay na 'yan. Without knowing that my heart is already breaking into pieces dahil alam kong hanggang doon lang. Hanggang doon lang tayo.
I don't blame you. I can't. It's just... I can't help myself from falling for you.
Agad lumipat ang tingin mo sa katabi kong si Ranz. My twin brother. Parang piniga ang puso ko nang makita kong iniabot ka na ng papa mo sa kapatid ko at sabay kayong humarap sa altar para mangako ng habang buhay na pagmamahalan.
Kung pwede lang. Kung pwede lang na ako na lang sana.
Ako dapat 'yon. Ako ang nauna mong nakilala kaysa sa kambal ko pero bakit sakanya ka nahulog?
Tanggap ko naman, e. Tanggap ko nang kaya kong isakripisyo ang lahat wag ka lang mawala sa'kin. Pero ano pa nga bang magagawa ko?
Sadya talagang may mga bagay na nakatadhanang dumating sayo pero hindi mananatili. But atleast, I'm still thank God for letting you came into my life.
Sino nga ba namang mag-aakalang ang babaeng halos hawak ko na ay nakuha pa ng iba.
Nagpalakpakan ang mga tao nang sabihin na ni father ang mga salitang tuluyang pumutol sa pag-asa ko.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Lalo
ng lumakas ang palakpakan ng mga tao ng maghiwalay ang mga labi n'yo at sabay na humarap sa'min.Pinunasan ko ang walang humpay na luhang umaagos sa mata ko saka ngumiti at pumapalakpak.
Pipilitin ko. Pipilitin kong maging masaya para sa inyo. Para sa'yo.
I can now finally let you go. My light. My soul. My love. My everything. I love you. Today and always... My one that got away...
(c) MariyaLigaya-
All Rights Reserved 2014Ligaya's Note: Inspired by the song "The one that got away". Thank you for reading guys. Hope you like this one-shot. Please check my other stories too. Thank you.
Vote and Comment ❤
Lovelots ♡
Dedicated to author Serialsleeper. Inspired ako sa mga stories mo. ❤
BINABASA MO ANG
The One That Got Away [ One | Shot ]
RomanceA One-Shot Story... cr. Ara Datul (Book Cover)