Kabanata 3

1.2K 69 0
                                    

KABANATA 3
#AesonTuelva

"Aray! Hindi mo naman ako kailangang ibagsak!" Ang sakit sa pwet! Ni hindi man lang kasi nang inform na ibababa niya na ako. Basta pagkapasok namin dito sa isang sirang Mall eh binagsak na lang ako bigla sa sahig! Nasaan ang manners mo kuya? Naturingan pa man din na sikat na artista! Naku! Kung alam lang ng mga fans mo na ganyan pala ang tunay mong ugali!

Umupo din siya sa sahig pero medyo malayo sa akin. Nakasandal siya sa wall at mabuti na lang nasisinagan ng buwan ang pwesto niya. Nakikita ko ngayon ang kagwapuhan niya bes! Ang swerte ko kasama ko siya ngayon! Kahit na hindi naman pala gentleman itong lalaking ito, hindi ko pa rin maiwasan na humanga! Ang tangos ng ilong niya. Ang kinis ng mukha at kahit namumuti na sa alikabok ang itim niyang pantalon, nadadala pa rin ng perfect hips and legs niya! 'Yung itim naman niyang sapatos worn out na, pero malaki ang size bes! Dakota Harrison Plaza! May mga bahid din ng dumi ang inner shirt niya na hindi ko malaman ang kulay kung dirty white ba o puti lang na nadumihan? Anyways gusto ko pa sanang i-appreciate ang Greek God na kasama ko ngayon pero sobra na akong nilalamig! Kanina medyo-medyo lang, kasi nakababa ako sa likuran niya at ramdam ko ang init ng katawan niya, pero ngayon tagusan hanggang bones ang lamig bes!

Niyakap ko na lang ang sarili ko. Kung pwede ko lang siyang yakapin eh, nagawa ko na sana! Kaya lang takot ako! Baka sampahan niya ako ng kaso! Sexual Assault 'yun!

Napansin ko na lang na tumayo na siya at may kung ano-anong kinuha sa labas. Pero sandali lang ay bumalik na siya at may dala-dalang mga lumang kahoy. Hindi ko alam kung papaano niya nagawang sindihan ng apoy ang mga kahoy na 'yon. Basta inappreciate ko na lang ang apoy at lumapit dito, dahil sa sobrang lamig na lamig na talaga ako!

"May handkerchief ka ba d'yan or kahit na anong first-aid kit? Baka kasi maimpeksiyon na ako eh!" I said while pouting. Ang sakit na talaga ng paa ko!

"Bakit hindi ka pumiraso d'yan sa damit mo? Tutal mahaba naman at sayad na sa lupa." Naiirita niyang sagot sa akin.

Sabi ko nga! Eto na nga eh gagawin ko na. Ang arte talaga! Pasalamat ka fan mo ako at kapag sinabing fan, kami 'yung mga tipo ng tao na kahit saktan mo o pakitaan mo ng mali ay hahangaan ka pa rin, dahil alam namin na may dahilan ang lahat ng kilos mo. May chance ka pa para magbago at kapag nangyari 'yun ay mas mamahalin ka pa namin.

Kahit na labag sa kalooban ko ay pumiraso ako ng tela sa laylayan ng precious green gown ko. Tegi ako nito kay Chandra for sure! Naaalala ko pa ang huling bilin niya sa akin. 'Hoy bakla! Ingatan mo 'yang gown ko! Quality control 'yan! Makimils pa 'yan kesa sa life mo!'

Sorry Chandra! Tatanggapin ko ng buong puso ang sabunot mo kapag nagkita na ulit tayo.

Itinali ko 'yun ng mahigpit sa kaliwang paa ko at napansin kong nakatitig sa akin si Aeson. Napalunok tuloy ako ng laway at nararamdaman ko na ngayon ang gutom. Ang ingay ng tiyan ko promise! Hindi ko sure kung naririnig niya kase nasa kabilang part naman siya ng bonfire.

Kasalanan mo lahat ito Chandra! Gutom na gutom na ako! Ang sabi mo sakin after pageant pakakainin mo ako ng kahit na anong gusto ko! Eat all you can ka pang nalalaman dyan!

Tinanggal ko sa ulo ko ang korona. Medyo nangangalay na kasi ang leeg ko sa bigat. Makakain ba ito?

"Oh." Nagulat na lang ako nang nasa tabi ko na pala si Aeson. Inaabot niya sa akin ang isang de lata na bukas na. Corned beef yata ang laman.

Kinuha ko ito at nagpasalamat sa kanya. Kaya lang walang kutsara!

"Spoon?" I asked him.

"Anong spoon?" Para bang ngayon niya lang narinig sa buong buhay niya ang salitang spoon.

2550 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon