MENTAL HOSPITAL
MAY 24 ****
10:32 PMBusy ang lahat nung gabing yun
Nagawa na nila ang mga dapat gawin ngunit may isang babae ang di mapakali sakanyang kwarto. Nais niyang makaalis sa lugar na iyon.Nabalik siya sa pagiisip niya nung pumasok ang nurse na nag-aalaga sakanya.
"Time to take your medicine"
Umayos ng upo ang babae para uminom ng gamot ng malaglag ang gamot na hawak ng nurse. Habang kinukuha ng nurse sa ilalim ng kama ang gamot na nahulog ay mabilis niyang kinuha ang injection na pang patulog na ipinatong ng nurse sa ibabaw ng lamesa. Bago pa man makatayo ang nurse ay agad niyang itinusok ito sa nurse. Hindi man lang ito nakapagsalita dahil agad itong bumagsak sa sahig.
Agad naman niyang hinigit ang nurse papunta ng banyo. Hinubaran niya ito ng suot at ipinalit sa suot niyang bistida.
Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa may pintuan palabas ng ospital na kanyang kinaroroonan.
Agad din namang tumunog ang alarm sa kanyang kwarto. Napatingin siya sa kwartong kanyang pinanggalingan at saka tumakbo palabas ng ospital.
"Harley Medina! Room 201!"
Nang makalayo na ang babae ay tumigil siya sa gitna ng gubat at galit ang namuhay aa loob loob nito.
"HUMANDA KAYONG LAHAT! BABALIKAN KO KAYO."
----------------------------------------------------------------------------------------------------
I didn't throw the party. She did.
She didn't kill everyone. I did.Though.... I'm not the one who throw the party..... I WANT TO WELCOME YOU, DEAR READERS. WELCOME TO THE PARTY OF DEATH.
--K I L L E R

BINABASA MO ANG
THE PARTY OF DEATH
Mystery / ThrillerParty. Alam nating masaya tuwing may party. Loud musics. Alcohol. Cigarettes. Lahat na. Pero hindi mo alam... sa oras na umalis ka ay buhay mo ang kapalit. PUPUNTA KA BA O HINDI?