Chapter 2

22 1 0
                                    

Chapter 2

Umalis na si Rhian, habang ako, nandito pa rin sa gymnasium at nanood pa. Support din sa best friend ko (support daw). Eh kasi naman, support rin din naman siya sa akin noon sa elementary kapag may volleyball tournament ako, so I'm just returning the favor.

Oo nga pala! Hindi ko natanong kay Rhian kung freshie din ba siya. Oh well, bukas nalang, pagkita namin.

"Thank you!" sigaw ng vocalist nila, "Last song po ito. Para sa magandang binibini na nakita ko kahapon. Ewan ko kung nandito ka, pero sana magustuhan mo ito."

Nasa tabi ng vocalist si Bret. Sana lumingon siya dito. Pretty please. 'Yan! Tumingin siya!

Nginitian ko siya. Nginitian niya rin naman ako. Best friend, you just gave me butterflies in my stomach with that smile. Hayy.

"Kyaa! Nakatingin si Zach dito, girls! Naka-smile pa! Ako kaya 'yung magandang binibini na tinutukoy niya? Waah!"

Haha. It's not wrong to have fantasies once in a while. Ang evil ko yata.

Nandito ako sa backstage ngayon, hinahanap si Bret para ma-greet siya.

Sa'n ba nakatago 'yung lalaking iyon at hindi ko makita?

Hayun! Sa likod ni kuya Zach. Timing rin kasi lumingon siya. Kinawayan ko kaagad siya.

"Bret!" sigaw ko habang papunta sa kanya.

"Uy, James!"

"Anong James?! Anong James ha?!" sabi ko sa kanya habang sinusundot ko ang tagiliran niya.

"Wag! Ay! Tigil! Ahaha!"

"Para kang bading niyan, Brettina!" sabi ko sabay hagalpak ng tawa.

"Huwag mo akong matawag-tawag na Brettina!" sagot niya habang nanlilisik ang mga mata niya, pero wa epek sa akin. Haha. "Tama na nga 'yan. Punta tayo sa canteen."

"Marami bang pagkain dun?"

"Kababae mo, lakas mo kumain." sabi niya habang nakasimangot, "Hindi ka na magkaka-boyfriend niyan."

Hindi naman ganun kaimportante sa akin ang magka-boyfriend. Pero kung pwede, ikaw sana.

"Anong boyfriend? Bata pa ako noh. Bawal pa 'yang boyfriend-boyfriend sa akin noh."

"Sabihin mo lang kung kailan pwede na."

Napatigil ako sa paglalakad.

Ano daw? Sabihin ko lang sa kanya kung pwede na? Bakit? Para ba...

"Huy, Jamie. Anong nangyari sa'yo?" Bumalik ako sa realidad. "Sabi ko, sabihin mo lang kung kailan pwede na. May irereto ako sa'yo."

Aray. May irereto lang daw siya. Hindi ba pwedeng ireto nalang niya ang sarili niya sa akin?

"Hindi ko kailangan 'yang mga irereto mo. Makakahanap rin ako noh." Binehlatan ko siya. "Ito na ba ang canteen?"

"Yup. Malaki noh?" Oo nga. Malaki. Marami din ba kayang pagkain? Hehe.

Dali-dali akong pumasok at pumila para bumili. Hmm. Andami nga.

"Isa pong leche flan, spaghetti, burger, fries, at mango juice." sabi ko sa tindera pagkarating ko sa tapat niya.

Pagkatapos kong magbayad, umalis na ako sa pila at hinanap si Bret. Asan kaya siya?

"Aynaku. Bumili pa ako ng marami, hindi ko pala kayang mabitbit lahat. Wala pa naman silang tray kapag hindi lunchtime." Ba't hindi ko naisip 'yun? Ayay.

Zach's POV

Nalilito pa rin ako. James nga ba talaga ang pangalan niya? Di ba panlalaki 'yun?

{What happened a while ago, in Zach's POV}

Habang kumakanta ako ng Why Don't You Love Me, nakita ko na siya. Ang babaeng nakita ko kahapon. Ewan ko kung transferee siya dito o isang freshman, basta kahapon ko lang siya nakita.

"Kuya Zach! Ang gwapo mo!" narinig kong sigaw ng mga fangirls ko. Tiningnan ko siya kung kasali ba siya sa mga sumigaw, pero hindi.

Pagkatapos ng kanta, last song na pala.

"Last song po ito. Para sa magandang binibini na nakita ko kahapon. Ewan ko kung nandito ka, pero sana magustuhan mo ito." sabi ko, pero alam ko namang nandito siya, para mas mysterious.

Sinimulan na ni Bret ang kanta

You got that smile

You got it all

I know I'm right, you think I'm dead wrong

You've got that face

You've got that laugh

I know your shy and girl I like that

Kahit na hindi naman lahat ng nasa lyrics ay naglalarawan sa kanya, 'yung thought naman ang nandun.

Can't find a mirror to see what I see in you

But I will follow you until you see it too

I know I can't help but love everything you do

But you can say that

And girl I like that

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta. Ewan ko kung imahinasyon ko lang ba 'yun o sadyang nakangiti siya sa akin. Kahit na hindi ko alam kung sa akin siya nakangiti o hindi, nginitian ko rin siya.

[Sa backstage...]

"Zach! Nagyaya si Dylan na sa bahay daw nila tayo kakain." sabi ni Bret. Libreng pagkain mamaya? Sige!

"Anong oras mamaya?"

"Magkita lang daw tayo sa gate mga alas singko."

"Sige." Tumalikod na ako. Aalis na sana ako, nang nakita ko siya. Ba't kaya siya nandito?

Teka, tama ba 'tong nakikita ko? Kumakaway ba siya sa akin? Kakaway rin ba ako?

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko.

"Bret!"

Ibinaba ko kaagad ang kamay ko. Si Bret pala. Kaano-ano kaya niya si Bret? Boyfriend niya?

"Uy, James!" rinig kong sabi ni Bret.

"Anong James?! Anong James ha?!"

"Wag! Ay! Tigil! Ahaha!"

"Huwag mo akong matawag-tawag na Brettina! Tama na nga 'yan. Punta tayo sa canteen."

Paalis na yata sila. Susundan ko ba? Para yata akong stalker niyan.

"Marami bang pagkain dun?" narinig kong sabi ni James (Iyan 'yung tawag ni Bret sa kanya eh. Hindi ko rin naman alam kung ano ang pangalan niya). Napatawa ako ng mahina sa sarili ko. 'Yan din 'yung una kong tinanong sa mga kaklase ko noong bago pa ako dito nang niyaya nila ako sa canteen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nonexistent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon