Chapter 1

47 2 0
                                    

Chapter 1

Why don't you love me? 

Touch me, tell me I'm your everything 

The air you breathe 

And why don't you love me, baby? 

Open up your heart tonight 

'cause I could be all that you need 

Oh 

Why don't you love me? 

Ba't ang kantang 'to pa? Argh! 

"Kuya Zach! Ang gwapo mo!" 

Ano ba naman 'tong mga babaeng ito, sakit sa tenga ang mga sigaw. Basta ako, si Bret lang talaga ang punta ko dito. 

"Sorry. Excuse me. Sorry po. Ah!" 

Muntik na akong matapilok nun ah. Grabe naman kasi tong mga babae kung makatulak. 

"Okay ka lang ba?" 

Itinaas ko ang tingin ko. Woah. Ang. Ganda. Niya. Ba't may diyosang kumakausap sa akin ngayon? 

Tumango-tango lang ako. Ewan ko ba kung bukas ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. Nakakahiya yata 'yun ah. 

"O-Okay lang ako. Salamat." Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya. Okay. Ang ganda niya talaga. 

"Mabuti naman. Grabe naman kasi sila kung makatulak." bigla niyang inilahad ang palad niya, "By the way, ako nga pala si Rhian." 

Nagdadalawang-isip ako kung ilalahad ko ba din ang palad ko o luluhod sa harapan ng isang diyosa. Hay. Baka iisipin niyang isa akong taong wala sa tamang pag-iisip kung gagawin ko 'yun. 

Tinanggap ko ang kamay niya, sabay bigay sa pangalan ko. "Jamie." 

"So, fan ka?" 

"Huh? Fan saan?" 

"Sa kanila." itinaas niya ang hintuturo niya at itinuro ang banda. 

"Sa kanila? Hindi. Kaibigan ko ang isa sa miyembro nila. 'Yung gitarista." itinuro ko sa kanya si Bret. "Pero, gusto ko rin naman ang mga kanta nila." Hindi rin nga pala ako tumatawag kay Bret ng kuya. Eh mas matanda lang naman siya sa akin ng dalawang taon, kaya hindi nalang. At dahil na rin iyon sa ka-close namin. 

Pagtingin ko sa kanya, nakatulala siya sa akin habang naka-nganga. Huh? Ba't ganun? 

"K-Kaibigan mo s-si kuya Bret?" gulat na tanong niya sa akin. 

"Oo. Best friend ko simula noong bata pa kami. Bakit?" 

"Oh. My. Gosh." 

Teka lang... parang alam ko na 'to eh. 

"May gusto ka sa kanya noh?" tanong ko sa kanya, na ikinagulat naman niya. 

"Ah, a-ano kasi." umiling-iling lang siya, habang nilalaro ang kamay niya. "O-Oo." 

Sana hindi ko nalang 'yun tinanong sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanyang sagot. Normal naman kasi eto eh, pero kung manggagaling na sa isang mala-diyosa-ang-ganda na babae, nakakagulat talaga. 

At masakit. 

Gusto ko si Bret. I know. Cliche much na 'to. Ito na kasi 'yung part kung saan sa mag-best friends na babae at lalaki ay may isa sa kanila na magkakagusto sa isa. At ang masaklap, ako pa 'yun. Hindi ko nga lang alam kung may gusto rin ba si Bret sa akin o wala. Pwede rin naman 'yun, di ba? 

"Ah, sige. Alis na ako." kinuha niya ang cellphone niya at inilahad sa akin, "Hihingi rin sana ako ng number mo. If okay lang sa'yo." sabi niya sa akin habang nakangiti. 

"Sige." Binigay niya sa akin ang cellphone niya, habang kinukuha ko muna mula sa bulsa ko ang cellphone ko. Nang makuha ko na, binigay ko kaagad sa kanya. Tinype ko kaagad ang number ko sa cp niya. 

"Okay. So, kita tayo bukas. I'll text you later." sabi niya sa akin at umalis na. 

Hahay. Ako ang kawawa sa love story'ng ito. 

Nonexistent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon