Prologue

11 2 0
                                    


Ixiah Josue Wilkinson

"Son, bakit hindi ka na naman pumasok?" Bungad agad ni Mom ng pumasok siya sa kwarto ko.

"Mom sinabi ko naman sayo diba. I hate morning shift, I hate my classmates and I hate everything about school."

"Josue naman, dapat tinututukan mo ang studies mo habang nandito pa tayo sa mundo ng..."

"Huh?"

"I mean habang nandito pa tayo sa lupa at hanggang hindi pa binabawi ng panginoon ang buhay na ipinahiram niya, hangga't maaari mag aral ka. Para may marating ka sa buhay."

"Okay." Maikli kong tugon at nagtaklob ng kumot. Kahit ano pang sabihin ni Mom ayaw kong pumasok. It's not because I hate studying, I love studying but not in school. School is a place with a bunch of spoiled brats.

Narinig ko namang nagsarado ang pinto. Mukang lumabas na si Mom. Isinalpak ko nalang sa aking tenga ang headset at nag play ng music. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil hindi ako makahinga ng maayos. Argh! Sipon, may sipon ako. Bumangon na ako sa aking higaan at naupo sa gilid ng aking kama. Napatingin ako sa aking table at may nakalagay na pagkain, sinilip ko rin ang aking orasan.

11:12 PM na pala napahaba ang tulog ko. Kinuha ko ang nakapatong na pagkain at naglakad palabas ng kwarto. Mas gusto kong kainin to sa dining room kesa dito sa kwarto.

Inilapag ko ang pagkain sa lamesa, naupo ako at nagsimulang kumain. Purwisyo naman tong sipon na to, sumisinghot singhot kasi ako habang kumakain.

"Josue bakit ngayon ka palang kumakain?"

"Manang Helena kayo pala, kakagising ko palang po eh."

"Ah ganun ba! May kailangan ka ba? Baka gusto mong magpatimpla ng milk or coffee?"

Umiling lang ako bilang tugon. Nagbitaw lang si Manang Helena ng isang buntong hininga at naglakad papuntang kitchen.

Nang matapos na akong kumain ay dumiretso muna ako sa storage room para kumuha ng tissue. Ito kasing sipon na ito eh napaka pahamak. Pagkakuha ko ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Nang makarating ako sa kwarto ay uminom lang ako ng gamot at nahiga sa aking kama.

Bahing ako ng bahing at singa ng singa. Halos maubos ko na nga yung tissue na kinuha ko eh. At hindi rin ako makatulog dahil sa sipon ko.

Nakaramdam naman ako ng pagkalamig kaya pinatay ko nayung aircon sa kwarto ko. Pero hindi parin nabawasan yung panlalamig ko. Binuksan ko na yung heater pero hindi parin nababawasan yung lamig na nararamdaman ko. Ano ba tong nangyayari sakin?

Pinilit kong abutin yung phone ko para tawagan sana si Mom, pero nakaramdam ako ng pagkahilo at hindi ko na namalayan ang mga kasunod na nangyari.

Nagising ako ng may marinig akong sigaw.

"What happen?" Tanong ko habang kinukusot parin ang aking mata. Hindi pa masyadong malinaw ang aking paningin kaya hindi ko maaninag masyado kung anong nangyari.

Nanlaki ang mga mata ko ng unti unti ko ng makita kung ano ang nangyari. Balot na balot sa yelo ang aking kwarto. Pero ang nakakapagtaka lang eh hindi ako nakakaramdam ng lamig, eh samantalang kagabi ay lamig na lamig ako.

Napalingon naman ako sa may gawing pinto at nakitang nakahandusay ang isa naming maid. Dali dali akong lumapit sa kanya, ang lamig ng katawan niya.

"Mom!" Pagsigaw ko.

Binuhat ko naman yung maid namin at inilabas sa kwarto.

Nagmamadaling lumapit sakin si Mom kasama si Manang Helena.

"Helena, dalhin mo si Josue sa kwarto ko."

"Anong nangyayari Mom?" Naguguluhan na ako.

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya sumama na ako kay Manang Helena.

Iniwan namin si Mom at yung maid at pumunta sa kwarto ni Mom. Nang makarating kami ay umupo ako sa couch sa loob ng kwarto ni Mom samantalang si Manang ay nanatiling nakatayo.

"Manang Helena, may alam ka ba tungkol sa mga nangyayari?"

"Hayaan mo nalang na ang nanay mo ang magpaliwanag ng lahat."

Napatulala lang ako. Sobrang naguguluhan na ako. Ano ba talagang nangyayari?

Maya maya pa ay bumukas ang pinto at iiniluwa nito si Mom.

"Mom!"

Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa kanyang cabinet. May kinuha ito at saka pumunta sa amin.

"Helena ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Ikaw na ang bahala sa maid at iba pang empleyado."

"Sige ako ang bahala sa lahat."

"Mom? Aalis po tayo?"

"Oo anak, pupunta tayo sa lugar kung saan tayo nabibilang."

Naguluhan naman ako sa sinabi ni Mom.

"Lugar kung saan tayo nabibilang?"

"Yes my son. Pupunta tayo sa mundo ng Elemental magic, to be exact sa Ice kingdom."

Elemental magic? Ice kingdom? Pamilyar yun sakin ah.

"Pero diba Mom it's just a fictional story you told me when I was a child?"

"No my son, It's not a fictional story, it is our story."

Unti unting nag flashback sakin lahat ng mga kinwento sakin ni Mom noon. Dali dali kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang date.

How come I forgot my birthday? Yea it's my birthday today and based on the story my Mom told me before, ang mga katulad daw namin ay may kakaibang kapangyarihan at tinatawag yong elemental magic. Lumalabas ito sa ika-18 kaarawan namin. Nasabi rin ni Mom na ang elemental magic namin ay Ice and we belong in Ice Kingdom. Kaya pala pangalan ko at pangalan niya ang ginagamit niya noong nagkekwento siya sakin dahil kami pala talaga yun. Nagsink in na sa akin lahat at nakahinga na ako ng maluwag.

This is exciting, more exciting than studying in a place with a bunch of spoiled brats.    

Elemental Magic: The SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon