Ixiah Josue
"Mom anong ginagawa mo?" Hindi manlang sumagot si Mom at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa. Umiilaw ilaw kasi ang kamay ni Mom tapos may iniimik siyang kung ano ano. Pumunta kasi kami dito sa office niya at may secret room pala dito, well di naman talaga ako pumapasok dito kaya hindi na ako nagtataka kung bakit diko to alam.
Maya maya ay tumigil si Mom at biglang may lumabas na isang portal. Whoa!
"Let's go my Son." Pagsasalita niya sabay hila sakin papasok sa loob ng portal.
Napamulat nalang ako ng maramdamang tumigil na kami. Nagulat ako sa mga nakikita ko pero hindi ko ito pinahalata.
"We're here." Pagsasalita ni Mom sabay ngiti sa akin.
Nagsimula na kaming maglakad ni Mom. Binabaybay namin ang isang gubat. Pero hindi lang kami ang naririto dahil may mga iba ring katulad namin ang nasa paligid.
Nagba bow naman sa amin ang kung sino mang makasalubong namin. Mukang totoo ngang prinsesa si Mom, Prinsesa ng Ice Kingdom. Ayon sa kwento niya apat silang magkakapatid pero nang mamatay ang mga magulang nila ay tinanggihan nilang tatlo ang trono, yung bunso lang niyang kapatid ang tumanggap rito kaya nanatiling prinsesa si Mom.
Maya maya pa ay nakalabas na kami ng gubat at may sumalubong sa amin na isang maliit na lalaki na may matulis na tenga or should I say a dwarf.
"Princess Miranda of Ice Kingdom." Nagbigay ito ng isang ngiti at nag bow sa harapan namin.
"Mukang napaghandaan mo ang pag dating ko Miracculo." Sagot ni Mom sa dwarf na tinawag niyang Miracculo.
"Syempre naman po, Your Highness. Isa iyon sa aking trabaho. Maiba ako, sino naman itong binatang kasama mo?"
"Prince Ixiah Josue, ang pangalawang anak ng kapatid kong si Queen Izabelle."
What? Agad akong tumingin kay Mom at binigyan siya ng HUH? look. Tiningnan niya lang din ako at parang sinasabing sumakay nalang ako. Ano pa bang magagawa ko?
"I didn't know na may pangalawa palang anak si Queen Izabelle, anyway it's such an honor to meet you Prince Ixiah Josue of Ice Kingdom. Ako nga po pala si Miracculo, ang leader ng mga Ice Dwarfs." Mahabang litanya nito at saka nag bow sa akin.
"Miracculo, maari mo ba kaming ikuha ng masasakyan papunta sa kaharian ng Ice Kingdom?"
"Masusunod po mahal na Prinsesa."
Mabilis namang umalis si Miracculo. Kinuha ko naman ang pagkakataong yun para magtanong kay Mom.
"Second son of Queen Izabelle huh? Bakit di mo sinabing I'm your son?"
"I will explain it to you later, just calm down okay?"
"Para namang may magagawa pa ako." Bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka ba Ixiah Josue?"
"None."
Maya maya pa ay dumating na si Miracculo na nakasakay sa isang karwahe na gawa sa yelo.
"Mahal na Prinsesa narito na po ang inyong masasakyan." Ani Miracculo.
"Maraming salamat."
Nag bow lang siya bilang tugon. Nauna na akong sumakay sa karwahe. Inaasahan kong malamig ang upuan ngunit nabigla ako dahil tama lang ang temperatura nito at ang lambot pa.
Nang makasakay na si Mom ay umandar ng kusa ang karwahe kahit walang nagmamaneho nito. Nakakamangha talaga ang mga bagay dito.
Hindi naman ako nagsasalita sa buong biyahe at nakatingin lang sa labas. Narinig ko na ang iba sa mga nakikita ko noong bata pa ako pero hindi ko parin maiwasang mamangha.
BINABASA MO ANG
Elemental Magic: The Savior
FantasyMy journey in the World of Elemental Magic is more exciting than dealing with a bunch of spoiled brats in a place called school in normal world. Wanna join my trip? So come and read my story.