when i opened my eyes, i saw bubbles and i smell strawberries, i miss this, i sat up only to find that i'm in my room already, butler James didnt wake me up again. maybe he's the one who turned the bubble maker on, i see bubbles, then it strucked me, the music box, matagal ko ng hindi binubuksan yan. i thought it was just a dream, hindi pala, totoo pala siya.
naalala ko na naman yun. bakit lagi ko na lang naalala. if i could just turn back time, if i could just see you smile again.darn, umiiyak na naman ako, gosh. darating pa kaya ang panahon na mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko? darating pa ba ang oras pagmaalala ko yun ay hindi na ako iiyak? nakakapagod din ang ganito, nakakapagod ding magisa.
tumayo ako sa kama at sinara ang music box ko, pinatay ko din ang bubble maker. siguro dapat simulan ko ng kalimutan to, pero alam kong hindi ko kaya, haay naku, naguguluhan na naman ako. ayokong magbasa, ayokong maamoy to. dali-dali akong nagsuklay at lumabas sa kwarto ko, dumiretso ako sa music room.
dito, dito ko muna gugugulin at ilalabas lahat ng nasa puso ko para naman maibsan to ng kahit konti. nagplay ako ng instrumental song tapos ay umupo ako sa may bintana at sinimulan kong magsulat. inabot ako ng 3 oras sa pagsusulat. matapos magsulat ay.nagpadala ako ng pagkain dito sa music room para makakain, tutal medyo maayos na ang mood ko, pagpasok ni yaya Saling ay napansin niya agad na galing ako sa pagiyak, marahan na lang siyang umiling at nilapag ang pagkain sa table ko.
wala akong narinig na kahit ano galing kay yaya,.alam kong alam nila na sa estado kong ito ay hindi nila ako makakausap,.lumabas na lang siya ng kwarto ko sanay na akong ganito.sinanay ko ang sarili kong ganito, ayoko ko ng maulit pa yun muli, sanay akong magisa, sanay na akong ako lang. mas mabuti to, para di ako masasaktan.ayoko ng umasa ayoko ng lumuha ng sobra, tama na ang minsan.
kumain ako,inubos ko ang pagkain na dala ni yaya, ayokong mapagalitan ni Abuelo, matapos kumain ay sinimulan ko namang magplay ng piano, ganun lang ang ginawa ko hanggang sa mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko, noong naramdaman kong wala na ang sakit ay bumalik ako sa kwarto ko at natulog. bukas another battle na naman.
when i woke up ay ginawa ko ulit ang aking usual routine, pagkabangon ay magaayos ng kama tapos ay maliligo, ngayong araw ay isusuot ko na ang uniform namin, isa itong deep blue na slacks at isang white short sleeve blouse na may mix ng white and deep blue hem, nasa left part naman ng blouse ang school seal at meron itong isang deep blue and white na magkahati ang kulay na tie. after ko magblow dry ng buhok ay isinout ko na ang uniform ko, naghairband lang ako ng blue na may parang lace na ribbon sa side, i just did let my brunette curled hair down.ngpowder at lipbalm lang ako tapos kinuha ko na ang aking white chekered sling bag na naready ko na ang laman. isinout ko na din ang aking glasses.
i went down to eat breakfast. as usual nauuna si Abuelo sa akin sa dining table. tahimik lang kaming kumain. i know Abuelo keeps looking at me from time to time pero he still did not say anything. after eating ay nagtoothbrush lang ako. nagmano kay Abuelo at umalis ng bahay.
Abuelo taught me na dapat ay punctual ako lagi. at since.nakasanayan ko na ay lagi akong maaga sa class. pagdating ko ng school ay hinanap ko na agad yung room ko, pumasok na ako at mukhang marami rami na din ang students. tinitingnan ako ng mga blockmates ko. siguro dahil bago lang ako dito. di ko na lang ulit pinansin.
umupo ako sa may bandang harap, ayokong maulit uli yung nangyari kahapon. after ng ilang minutes ay dumating na din yung prof. namin. she's quite young, as for my estimation, she's in her thirties, short hair, fair complexion, may dimples. cute would be a perfect word to describe her. habang nagdidiscuss siya ay bigla na lang nabukas ang pinto.
ang di ko maintindihan ay itong mga blockmates kong mga babae ay parang mga nakikiliti, todo pacute, yung iba naman palihim na tumitili. tiningnan ko yung nasa pinto.
BINABASA MO ANG
MY MYSTERIOUS HALF
Teen Fictionnagtiwala ka umasa ka, pero at the end of the day yung binitiwang pangako ay napako. nagmove on ka, mahirap, kinaya mo, pero ipinangako mong di na mauulit pa. nakakilala ng iba, muntik ka na namang umasa, buti na lang naging maagap ka. mas lalo mong...