True Friendship.

1.4K 12 9
                                    

True Friendship-Prologue.

Friendship? Oo, mahirap mawala ang taong tinuturing mo na tunay mo’ng kaibigan. Pero minsan, di natin maiiwasan na madevelop tayo sa kaibigan natin. Ang iba, pinipili na hindi na lang sabihin dahil sa takot na masira ang pagkakaibigan at ang samahan niyo.

Lalo naman ako, di’ba? I admit. Di ako tulad ng iba. Di ako karapat-dapat para sa’kanya. Dahil una sa lahat..

Bakla ako..

Wala sa’akin ang pagiging babae. Nagustuhan ko ang matagal ko ng kaibigan na ang turingan lamang namin ay mag-BRO. Pero ‘yun nga. May pusong babae ako. Di ko naiwasan na mahulog sa’kanya. Ang mokong naman, siyempre di ako kayang saluhin di’ba? Sino ba naman ako? Isa lamang ako’ng hamak na mamamayan na kabilang sa third sex.

Kaya ko ba’ng sabihin sa’kanya na gusto ko siya? Shet naman oh. Ang hirap mag-decide. Bakit ba kasi dumating siya sa buhay ko? Bakit ba kasi di ko pwedeng maging babae na lamang. Para naman masabi ko at walang problema ang pag-amin ko.

Mali man sa mata ng iba. Teka, tao din naman ako ah? May karapatan ako’ng magmahal. Kaya nga lang, sa lalaki, hindi sa babae. Tinuturing ko lamang na kaibigan ang mga babae. At nakakaramdam naman ako ng pagmamahal sa lalaki. Bakla nga ko, noh? Kaya obvious na ‘yun. *roll eyes.

Kahit bakla ako, tao din naman ako. Katulad niyo din. May kaibahan lang pero di abnormal o kaya naman ay alien. Tao ako. Ginawa din ako ng Diyos. Nabuhay din ako ng normal. At..

may lovelife din ako..

Ako si Retche-rey. Retche sa mata ng iba. Maging ang taong nagugustuhan ko. Che, para sa mga kaibigan ko. At Cheskah, sa tunay na pagkatao ko. =))))

Ito, ang kwento ng buhay ko.  Bakla man sa inyong paningin..MAGANDA PA RIN! :D

---

True Friendship. COMPLETED ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon