True Friendship- EPILOGUE..

257 2 5
                                    

Epilogue.

2 years after…

“Ready ka na ba?” Tanong sa’kin ni Alexa.

“Oo naman. 2 years na rin ang nakalipas. Miss na miss ko na sina Lee at Rox..” Sabi ko naman.

Ngumiti lang si Alexa at dumiretso na kami na Airport. Yep. babalik na kami ng Pilipinas. After 2 years na andito kami sa US.

*Flashback

“Kailangan niya ng isang operasyon. Pero masyado nama’ng mahal ‘yun. At sad to say na hindi kumpleto yung kagamitan rito sa’ting bansa. Sa US. May mairerekomenda ako sa’inyong doktor..”

“Pero, dok. Hindi ko po kaya ya’ng tustusan eh. Ganito na ba ‘to kalala?” Sabi ko naman.

“Bata ka pa lang, andyan na ya’ng sakit na ‘yan. Ngayon lang siya nagparamdam sa’yo.” Ay peste naman. Ang lakas-lakas ko kaya? Pero bakit ganito pala ako ngayon?? =___________=

“Tama na, Che! Aalis tayo. Sasamahan kita! Ako ng bahala sa lahat! Ako na. Okaaaay? Basta ma-operahan ka lang!” Sabi niya habang umiiyak.

“Alexa. Wag na. Nakakahiya..” Sabi ko naman habang napapaiyak na din.

“No, girl. Wag ka’ng mahiya.” Sabi ni Alexa.

“Tama siya, Che. Wag natin hayaan ‘yan. Tutulong din kami for you. Ha? Pagaling ka dun, Che..” Sabi ni Lee.

“Korek! Dito lang kami for yooou. Okay? Pagaling ka agad-agad. Babalikan mo kami dito ah?” At pagkasabi niya nun. Nagyakapan naman kami’ng apat.

Siguro nga. Lucky lang ako na maging friend sila. :”)

*End of Flashback

Kaya thankful ako ngayon kay Alexa. Tinulungan niya ko. Pati ng mga magulang niya. Siyempre sina Lee at Rox. Tumulong din. Haaaay. At eto nga. Tagumapay ang operasyon. Masigla na ko ulit. Walang sakit. :”) At handang harapin ulit ang mga naiwan ko’ng problema sa Pilipinas. :)

---

Wala rin ako’ng balita nun kina Jay-Ar at Gela. Huli lang ay noong nasa US na kami ni Alexa at nag-usap kami’ng magkakaibigan sa skype. Kinuwento nina Lee at Rox ang natuklasan nila. Tama nga ang hinala ko. Magkasama na sila Jay-Ar at Gela. Niloko nila ako. Eto’ng si Jay-Ar. Pinaasa lang ako. Hindi ko alam pero that time. Nagagalit ako. Bakit ganun? Bakit kailangan pa nila’ng itago ang lahat? Tanggap ko na naman diba? Pero. Pero bakit ganun pa rin yung ginawa nila?

Naaalala ko nanaman. Haaaaaay. :|

“Uy! Naiisip mo nanaman ba?” Sabi ni Alexa.

“Oo eh..” Sabi ko naman.

“Nako. Che. Wag mo na isipin, okay? 2 years ago na ‘yun. Kalimutan mo na.”

“Okay naman na, Alexa eh. Kaso di ko lang matanggap ‘yung ginawa nila sa’kin..”

“Che. Now is the right time for you to forgive. I know. Masakit nga ‘yun. Pero 2 years na oh? Hindi mo ba naisip na magpatawad? Che. Bestfriends mo sila. Tanggapin mo na lang, oke?”

Tama si Alexa. Kahit gano man kasakit ‘yun. Ang magpapa-free lang sa’kin sa sakit na ‘yun ay ang patawarin sila. Haaaaay. 2 years na rin ‘yun. Dapat nga naman talaga eh hilom na yung sugat na ‘yun.

---

“CHEEEEEE! ALEXAAAAAAAAA!” Sabay naming tiningan ni Alexa ang tumawag sa’amin. At nakita naming si Lee na todo kaway sa’min. Hahaha. Hindi pa rin nagbabago to’ng babaeng ‘to.

True Friendship. COMPLETED ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon