Prologue

45 0 0
                                    

"So what's the result, Cha?" tanong ni Mads sa kaibigan. 

Hindi alam ni Cha kung anong magiging reaksyon ng kaibigan niya kapag nalaman na nito ang resulta sa pangatlong subok ng test kit.

Nag-aalalang tinitigan niya ito at sinabi ang pinakahihintay. "Positive, Mads. You're pregnant." 

At parang gumuhong lupa ang mundo ni Mads. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Malungkot, magalit, maawa, matuwa. Gulong-gulo na ang kanyang isipan. Para bang hindi matapos-tapos ang mga problema sa buhay niya. Isang buwan pa lang ang nakararaan ng mamatay ang kanyang mga magulang tapos ngayon, may panibagong problema nanaman. Buntis siya. Paanong nangyari yun? Hindi literal pero.. hindi niya talaga maalala ang buong pangyayari. Basta ang natatandaan niya lamang ay nalasing siya at nagising na lang na may katabing lalaki at umalis na. 

"I'm so sorry, Mads. It's all my fault. I shouldn't have brought you there with me" biglang bulalas na iyak ng kaibigan niya.

At doon lamang bumalik ang kanyang diwa. "No. Don't blame yourself. It's my fault. Wala ako sa sarili that time. You just want me to forget my problems even just for a night. So.. thank you" matamlay na sabi niya.

"But.. this happened! That happened!" sabay turo sa kanyang tiyan. "And I'm so soooo sorry" niyakap siya nito at tinugon niya lamang ito ng ngiti.

"Ano nang plano mo ngayon? Ngayong.. may baby ka na?"

"I don't know" simpleng sagot niya.

"But please.. don't you ever tell me that you'll abort that baby ha!!"

"Takot ko lang sa karma" tatawa-tawang sabi niya.

"Good. Mads.. please listen to me. You know that I'm always here for you. We'll be always here for you.. no matter what they say and wherever this will take" naiiyak nitong sabi.

"Thank you so much, Cha. I don't know what will I do without you. Kayo nila Tita. Wala naman talaga akong pakialam sa sasabihin nila. Kahit nung wala na sila Mama at Papa.. may sinasabi pa rin sila. But still thankful pa rin ako kasi nandyan kayo. Hindi nyo ko iniwan"

"For you, Mads. Alam mo namang malaki ang utang na loob ng family ko sa mga magulang mo. But it's not the main reason.. it's because you're my bestfriend"

"Thank you until the level reach heavens" hinigpitan niya ang yakap dito. "Tama na nga ang drama baka mastress ako nyan"

"Stress stress. Sus! Magkaka-baby ka lang, gumaganyan ka na! Hahahaha! Just kidding. Pero seryoso.. anong plano mo?" 

"For now.. pacheck-up muna? Then sunod-sunod na yun"

"How about.. buying baby stuffs? Boy or girl? Blue or pink? Wah. That would be so exciting!"

"Bakit parang mas excited ka pa kesa sa akin? Hindi pa nga natin alam kung ilang weeks tong baby e" At nagtawanan sila na para bang walang pinoproblema kanina.

"Wait. Think about it, Mads"

"What?"

"Iyang biglaang pagkakaroon mo ng baby after mawala nila Tita"

"Ha? What do you mean?"

"Malay mo.. wish pala nila Tita na sana kahit wala na sila, maging masaya ka pa rin at iyang baby ang pinadala ni Lord para makasama mo at hindi mo sila masyadong ma-miss"

"I will always miss them. At ika nga 'Everything happens for a reason' so be it. Nandito na to eh. Wala na akong magagawa"

"Last na to, Mads. Hindi mo ba talaga nakita yung mukha ng lalaking naka..ano..sayo.. you know. Gwapo ba? Baka naman shonget? Wag naman sana" nag-aalangang tanong nito. 

"Di naman siguro" 

Napaisip din siya sa huling tanong ng kaibigan. Ano nga bang itsura nito? Ang mas malaking tanong ay.. Sino nga ba iyon? Likod lang naman ang nakita niya. Maputi. Iyon lang. Bahala na nga. Basta ang mahalaga para sa kanya ay ang buhay nila ng magiging baby niya.

One Night MistakeWhere stories live. Discover now