Chapter 1

43 1 0
                                    

After 6 years..

"Mama!!" sigaw ng isang batang lalaki.

"Oo. Eto na! Malapit na!" 

Ngayong araw kasi ang unang pasok sa school ng anak ni Mads na si Noah. Dahil sa sobrang excited nito, sobrang aga rin nitong nagising. Kaya't nagmamadali ang lahat para sa kanya.

"Anak.. hindi ba masyadong maaga naman tayo nito? Wala pang 7:30 oh. 8 pa ang pasok natin"

"Di po ba mas maganda yun kesa malate tayo?" inosenteng sabi nito.

"Oo nga naman. Sige. Manang?! Tara na. Alis na tayo"

Anim na taon na rin ang nakakalipas at maayos naman na ang lahat. Kahit medyo mahirap ay nakayanan pa rin niya dahil sa mga taong palaging handang tumulong sa kanya.. ang tinuturing pangalawang pamilya niya at mga kaibigan. Wala rin naman siyang malapit na kamag-anak na pwede niyang maasahan. Malaking tulong din na may kaya sila sa buhay bago pa man mawala ang kanyang mga magulang kaya't may mga naipamanang property sa pangalan niya. Yung dating bahay nila na ibinenta niya na kila Cha, dalawang rental house sa tabi ng bahay nito, isang two-storey commercial building at condo na tinitirhan nila ngayon. At mag-iisang taon na rin siyang nagtatrabaho sa isang hotel bilang isang hotelier. Pero hindi pa rin maiiwasan ang mga taong may sasabihing hindi maganda tungkol sa kanya. Kesyo kamamatay pa lang ng magulang niya ay nabuntis siya agad, kesyo ganyan, ganito. Wala silang alam sa totoong nangyari at wala rin siyang pakialam sa lahat ng ito hangga't naitataguyod niya ng maayos at sa mabuting paraan ang kanyang anak ay okay na siya. 

"Anak, pakabait ha? Behave ka lang. Gusto ko pag-uwi ko, marami kang maikekwento sa akin ne?"

"Opo, Mama. Alis na po kame" akmang lalabas na ito ng kotse ng pigilan niya ito.

"Hindi mo ba mamimiss si Mama?" 

"Ma!!"

Natawa siya. "Sige na nga. Don't forget.." turo niya sa pisngi.

"I love you, Mama. Bye po" humalik ito sa pisngi sabay alis.

"I love you too, anak! Manang, ingat kayo ha!" sigaw nito sa dalawang naglalakad paalis.

"Sige, hija. Ikaw din" sagot ng matanda at tumungo na siya sa trabaho.

Pagkarating niya sa hotel.. "Mads? Napa-aga ka ata ngayon ah?" puna sa kanya ng isang katrabaho na kakarating lang rin.

"E kasi first day of school ngayon ni Noah kaya iyon double time kami ni Manang. Mukhang magiging araw-araw na nga ito" napapakamot sa ulong sabi niya.

"Hahahaha! Iyang anak mo pa ata ang gigising sayo sa umaga"

"Sabi mo pa"

Alam naman ng mga malalapit na kasama niya sa hotel na may anak siya. Nagpapasalamat siya na hindi siya agad hinusgahan ng mga ito. Ilan pa sa kanila ay naging kaclose na ng anak niya dahil sa tuwing dumadalaw ito kapag hindi oras ng trabaho, nakikipag-usap ito sa mga katrabaho at tuwang-tuwa naman ang mga ito sa anak niya . At iyong mga nakakaalam ay nagugulat na lamang. Hindi raw talaga kasi halata. 

"Pero ready ka na ba?"

"Saan?"

"Magiging busy nanaman tayo mamaya. May biglaang pa-welcome home dinner party si Madame"

"Para kanino? E diba last month pa nandito si Maam Olive?"

"Hindi mo ba alam na may isa pang anak si Madame?"

"Hindi e. Si Maam Olive pa lang ang nakikita ko"

"Every 2 years lang kasi siya umuuwi dito. From what i've heard.. kakagaling niya lang sa Morocco. At biglaan ang uwi niya dito ngayon"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Night MistakeWhere stories live. Discover now