Love & Friendship

108 2 0
                                    

A/N: Sorry for the wrong grammars, spellings, etc. If you're a perfectionist, wag nyo na lamang pong basahin. Maraming pong salamat! :*

*************

2 days nalang. Pasukan na naman T_T

May pasok na sa lunes. Waaaaahhhh. Kinakabahan tuloy ako. Hmmmm... Sino kaya ang mga magiging kaklase ko? Sana yung medyo hindi mga boring. Yung mga may konting kakulitan din naman. Hindi naman kasi mae-enjoy ang life kung masyadong seryoso sa pag-aaral diba? Mouahahaha. Kaya ako, ine-enjoy ko ang buhay ko kasama ang aking apat na mga baliw na kaibigan. *U*

Sila ay sina Jessica, Gaille, Myka, at Kesh. ang harooooot nilaaaa. Napakaingay pa. Tssss. Hindi yata nagmana saken? Mouahahahaha! Actually, maswerte ako sa mga kaibigan ko. Lahat sila mahal na mahal ko. Ayiiieeehh *O* Hahaha. Lahat sila, maiingay, madaldal, lakas mangtrip. In short, mga BALIWWWWW. T_T

Kung hindi nyo naitatanong, palatawa talaga ako.(Hindi ba halata? XD) Kami ng mga barkada ko actually. Lahat kami matatalino. Hihihi. Proud ako sakanila kasi nagmana sila saakin! *U* at mababait din kami! *O* Mga angel kasi kami 0:)

Saturday na ngayon at sa monday na ang pasukan. Hayyy. Hindi ko sila namimiss. Parati kasi kaming nagkikita. Kahit summer, lakwatsa parin kami. Hohoho. Ang bait talaga namin noh? Oo, alam ko yun. *^0^* Magkikita nga kami ulit ngayon eh. Whooot Whooot~

Pupunta kaming SM ngayon. Gala lang. Maglalaro nanaman kami ng Truth or Dare. Hahahahaha. Masaya yun. Ang gandang laro. xD yan ang gustong gusto naming laruin ng mga baliw kong kaibigan. E kahit naman madalas akong napapahamak dyan, may kapalit naman. Shikret muna. Hahaha. Ang saya saya! ~

Hinahanap ko na sila ngayon nang biglang nagring ang phone ko. *Doom Dada Di Da, Da Doom DaDa Di Da, Da Doom*

Ang cute ng ringtone ko noh? "Doom Dada" by T.O.P ng Bigbang. Hohoho. kaming magkakaibigan, ganyan ang ringtone. Hilig kami sa mga Kpop eh. Lalo na sa Bigbang. Ampopogiiii nilaaaa. *O* Mouahahaha! Ang cute namin noh? este ng ringtone. XD.

Maya-maya, sinagot ko na ang phone. "Oyy bruha, san kana? kanina kapa namin hinihintay! bilisan mo may mga fafaru dito! biliiiiiisssss! Kyaaaaahhh~!" saka binaba ang phone.

Hayyy nako Kesh. Basta mga pogi talaga, masyado kang mabilis. Tsk. Hohoho. Okay, papunta na ako dyan. Hintayin nyo'ko. at pagkatapos ay kumaripas ng takbo. (Darna mode xD)

Andito na kami ngayon sa aming paboritong tambayan sa mall. sa National Book Store. Mahilig kasi kaming magbasa ng mga books. Hihihi. At andito nga yung mga gwapong sinasabi ni Kesh.

Mukhang grupo yata silang lima. Ang gagwapo nga nila, Gahhd. Hmmmm. Pero yung isa ang mas kumuha ng aking atensyon. Ang gwapo nya. Ang hot nya. Ang gwapo gwapo nya, saka ang gwapo nya. Teka, nasabi ko na bang gwapo sya? Pero ang gwapo talaga nya eh. XD. Mukhang anghel. *U*

Matangkad, maputi, medyo mahaba at black ang buhok, mala-anghel ang kanyang mukha, ang kinis ng balat nya. Mukhang tatalunin nya pa yata ako eh. Pero che! Mas makinis at maputi ako sakanya noh!

Gwapo nga siya. *O* pero hindi ko sya crush ah! Namamangha lang ako dahil talo pa nila ang ibang babae sa kinis at puti ng balat nila. Magkasing kulay yata kami eh. Tsss. Mukha silang mabait na masasama. >3< mukhang mga basagulero pero-- Ehh! ano ba tong iniisip ko. erase, erase.

Pagkatapos naming bumili ng mga libro ay kumain muna kami sa Mcdo. Mehehe. Nagugutom narin akooo. Hindi ako kumain kanina pag alis ko eh. Pinapadali kasi nila ako, Hayyy. Mga kaibigan ko talaga. TuT.

Pagkatapos naming umorder ay pumunta na kami sa isang bakanteng table para kumain.

Hayan na naman sila. Maglalaro naman ng Truth or Dare. Di talaga nagsasawa ang mga 'to. Mga buang na yata eh. kahit madalas ako yung napapahamak sa larong yan, Sige lang, naiintindihan ko naman sila eh. Inborn na yata yang pagkabaliw nila. Susuportahan ko nalang dahil pare-pareho naman kaming lahat eh. Pero kahit ganon, masayang-masaya kami sa mga ginagawa namin. Sila ang mga kasama ko sa oras na ako'y masaya, malungkot, umiiyak, at iba pa. Sila ang mga sinasabihan ko ng mga problema ko. Hahaha. kahit ganun ang mga yun, maasahan din naman sila sa ibang bagay. ^___^

Love & FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon