CHAPTER 2
Insecurities
Same Old. Same Old. It's been one week since that incident at hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang dahilan ng pagpunta nya doon. I'm not assuming or what, it's just that it's bothering me. Hindi ko man lang magawa ng maayos ang trabaho ko dahilan ng lalong galit ni Ms. Minchin.
"Bago pa lang, akala mo kung sino na." Pagtataray ni Maria, isa sa mga Tatlong bibe.
Here we go again...
Isang irap ang pinakawalan ko, wala akong oras makinig sa mga diskusyon nila tungkol sa akin. I closed my eyes and tried to concentrate.
Just forget about it. Hindi naman ikaw ang pinunta nya, so stop overreacting. There's a thing called coincidence, so wag ka assuming. Wag mo din isipin na pumogi sya, gumanda ang hubog---
Umiling-iling ako. What the hell?! This is making me insane. I hate myself. Bumalik na ulit ako sa trabaho at sinubukan ko nang magfocus sa abot ng makakaya ko.
---
Lunch break na at nagawa ko naman ng maayos ang dapat kong gawin. I let out a deep sigh. I wish I can take a half day pero hindi pa naman ako regular, nakakahiya kay Ms. Minchin.
Another 5 hours, at salamat at nakasurvive ako. I take a deep breath at sya namang gulat ko nang isang pamilyar na amoy ang lumukob sa sistema ko.
flashback
"Your scent... I hate it." Sabi ko nang maamoy ang pabango nya.
"Huh? You know, every girls are drooling over my scent. Tapos ikaw inaayawan mo?" He laughed, half-heartedly.
"Don't laugh like that. Ang panget mo." Sabi ko at eto na naman sya sa tawa nyang di mo maintindihan.
"Wow. Thank you for being the first person to tell me I'm ugly." Irap nito.
"Para kang babae." I laughed.
End of flachback.
Nang lingunin ko ang pinanggagalingan ng amoy, nakita ko ang lalaking ilang linggo na ring ginugulo ang sistema ko. A pain tugged in my chest, looking at his dark-cold eyes, I can feel that everything has changed. Hindi ko alam kung bakit sya pa ang mukhang galit sa aming dalawa. It should be me! Ako dapat... hindi sya.
Tumagal pa ang pagtititigan naming dalawa, it felt like forever. Hindi maintindihan kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa. Ngunit tumikhim sya at ibinaling sa iba ang paningin. Ibinaba ko na rin ang tingin ko't pinakatitigan ang sapatos ko na parang ito ang pinaka interesanteng bagay. I even notice the mild scratches, kailangan ko na sigurong i-shine ang mga ito.
"Hi." Siya ang unang nagsalita at tumikhim ulit.
"H-hello." I almost want to slap myself for faltering. Shit. This incident is awkward, I know. Argh.
"How are you?" He asked. Why isn't he stuttering like how I did?
"I'm doing great. You?" Whoo I made it. I didn't stutter! You hear that? I did not.
"I'm great as well." He smiled. "Uuwi ka na?"
"Yes, hinihintay ko lang kung sino sa mga kuya ko ang darating." Sagot ko.
"Would you mind if I drive you home?" Tanong nito.
"I'm sorry but I think they're on their way." Sabi ko.
"Okay, then. Maybe next time?" He asked.
There will be no next time, you jackass.
Sabi ko sa isip ko ngunit ngumiti na lamang ako at tinanguan sya. Ilang minuto lamang ay narinig ko ang isang busina at hindi na ako nagulat nang makita ko ang isang sasakyan ni Kuya Zeus.
BINABASA MO ANG
Faded
Science FictionHe promised to stay... She believed he would. He make her feel safe... She longed for his arms. BUT HE BROKE EVERYTHING AND HER HEART IS THE MOST FRAGILE THING. His love faded... She's left wasted.