Prologue

7 1 0
                                    

SAKI's POV

*tok *tok *tok

Kasalukuyan akong naglalagay ng mga beads sa isa sa mga bago kong denisign na damit nang may kumatok sa pintuan.

"Pasok!" It was Kate, my secretary.

"Miss, mauuna na po ako sa inyo." paalam nito.

Napahinto ako sa pag kakabit dahil sa sinabi niya. "Huh? Bakit anong oras na ba?"

"Uhm," tumingin ito sa relong pambisig. "alas singko na po sa hapon," sagot nito. "but I can work over time if you want, miss." miss ang itawag nito sa'kin kasi ayaw kong may tumatawag sa'kin na ma'am, feeling ko matanda na 'ko.

I sighed at tumayo na sa sahig at nag stretching dahil kanina pa tanghali ako naglalagay ng beads sa floor length dress.

"'wag na Kate, okay lang ako. Uuwi na man ako mamaya eh. Tatapusin  ko lang tong paglalagay ng beads."Parang nagdadalawang isip pa ito. " Sige na, umuwi ka na." pang-uudyok ko pa dito. " Alam ko namang may naghihintay na sa'yo."

Meron kasing nobyo itong si Kate at kadarating lang nito dito sa France galing Pilipinas. Yes, isa sila sa LDR couples. 5 years din silang in LDR pero as you read it. they made it.

Nang dahil sa sinabi ko nito parang natauhan ito sa sinabi at namula pa. I smiled on what she acted.

"A-ahh, sige po Miss mauuna na po ako." Nahihiya nitong sabi.

"Sige. ingat ka pauwi. God bless." at tuluyan na itong lumabas sa opisina. Babalik na sana ako sa pagtrabaho nang bumalik ito.

"O bakit?"

"Miss, nakalimutan ko pong sabihin na tumawag po yong lola niyo kanina" parang sumalang ako sa ice bucket challenge sa pagbanggit nito kay grandma. Bakit kaya? Ano'ng nangyari? Kakatawag ko lang sa kanya nong isang linggo ah. Tinatawagan ko kasi ito mga dalawang beses sa isang buwan kaya nagtataka ako kung bakit ito tumawag at bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Tumikhim ako para kasing nakalunok ako ng dry ice. "Bakit daw tumawag? Ano'ng sabi?"

"Sabi po niya tumawag daw po kayo sakanya pagkatapos nyo pong basahin yong pinadala nyang sulat through e-mail daw."

Lalo pang kumabog ang dibdib ko sa sinabi nito dahil hindi yon nagpapadala ng sulat unless importante its either family matters or business. At wala kaming business together ni grandma kaya family matters iyon. Oh My!

"Miss?" pukaw sa'kin ni Kate. Nakita siguro ako nitong parang natatae o ano. "Okay lang po kayo? May nasabi po pa akong mali?" Kaya napa inhale-exhale nalang ako para ma relax at ngumiti sa kanya.

"Wala naman. Uhm, Babasahin ko nalang yon pagkatapos nito. Salamat and have a happy weekend nalang sa inyo ng boyfriend mo."

Nahihiya nalang itong ngumiti. "Kayo din po" at tuluyan na itong umalis.

Pinagpatuloy ko nalang yong pagkakabit ng mga beads sa damit at mga bandang alas 11 na ako natapos.

•Saki's Condo•

12:51 am na nang makauwi ako. Pagod akong humiga sa kama. Marami kasi akong ginagawa ngayon lalo na at malapit na ang first ever fashion week ng company namin. Kaya grabe ang preparations namin for the event at naging dahilan kung bakit hindi ko na nacheck ang mga e-mails. Speaking of e-mails, kailangan ko pa palang basahin yong e-mail ni grandma.

To: SakiG.demisfashionhouse@gmail.com
From: ameliagruwell@gmail.com

Saki,

Apo, I know that you are wondering right now on why I e-mailed you kahit pwede namang tawagan kita. Hindi ko kasi kayang sabihin sa'yo at sa magiging reaksyon kaya enimail ko nalang sayo.

Apo, I have cancer, sa colon and it's stage 4 and 5 months lang ang chance na buhay pa ako. I just found it out after I talked to you last two weeks ago. Kaya I am requesting you, no, I am begging you to come home apo, kahit naman sa natitirang 5 buwan ko dito sa mundo ay kasama kita, kayo ng kapatid mo. Magkasama tayong magkapamilya. Makita ko kayong magkapatid na magkasama at masaya.

Sana pamigyan mo 'ko kahit isang buwan lang na nandito ka kasama namin. Ito lang ang hinihiling ko sa'yo, sa inyo ng kapatid mo.

I Love You,
Grandma Amy

Napaluha ako sa email ni grandma. Hindi ko akalain na ganito na ang sitwasyon ni grandma.

Nagdadalwang isip tuloy ako kung uuwi ba ako o hindi. Kung uuwi ako, makakasama ko si grandma at maaalagaan ko sya ng personal pero makikita ko ang mga taong matagal ko nang pinagtataguan. Pero kung hindi naman ako uuwi, mamamatay ako sa pag aalala sa sitwasyon at kalagayan ni grandma dun sa Pilipinas at baka mumultuhin ako nun, ang lakas pa man mangosensya nun.

Ang hirap naman nito. Ano naman kaya ang gagawin ko. Lord! Please guide me!

-----------
What you think?
You can vote and comment

PLEASE
no foul words
no negative comments

M👑

Once One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon