Chapter 1

7 1 0
                                    

SAKI's POV

•2 weeks later•

In the end,  I have to go home. Tinapos ko muna ang fashion week sa Paris para wala na akong  alalahanin sa pag-uwi ko. I just want to be with my grandma and focus on her.

Andito ako ngayon sa airport ng Laguindingan. Gusto kong alagaan ang grandma kahit sa natitirang 5 buwan sa buhay nito which I neglected years ago. Kaya bumabawi ako kahit magkita pa kami ng mga taong iniiwasan ko ng limang taon.

Aaminin kong Lola's girl ako kahit nandyan ang parents ko, ang Grandma ko pa rin ang hinahanap ko. Kaya nong tinanggap ko ang trabaho sa Paris, ang lola ko ang pinakanalungkot dahil daw lalayo ako sa piling nya.

"Saki!"

Kakakuha ko lang ng mga bagahe ko nang may tumawag sa'kin. It was Kris, one of my best of friends mula pa pagkabata. Tinawagan ko sya na sunduin ako dito sa airport, hindi ko kasi sinunod si Grandma na tawagan sya after I read her e mail. Instead, I will surprise her. Kaya nandito si Kris.

"Kris!" masaya kong sigaw dito. We hugged and nagbeso. Tinignan ako nito na para bang isa sa mga specimen sa lab na kailangan e observe ng mabuti. Ngayon lang ulit kasi kami nagkita simula nung umalis ako ng walang paalam. Although we chat pero mostly text and email lang kaya siguro ganyan makatitig. Malaki ang nagbago sa'kin lalo na sa itsura ko.

"Wow" sabi nito kalaunan. "Look at you, you've change a lot."

" I know" sagot ko. "When you have the job that I have at sa lahat ng nangyari sa'kin magbabago talaga ang appearance nito."

"Woah, chill lang po." He said chuckling. "Kararating mo lang ng Pilipinas, ganyan na ang mga sinabi mo. Alam mo" kinuha nito ang ilang mga bagahe ko at umakbay sa'kin. " gutom lang 'yan." kung sabagay malapit ng maglunch. "Let's go, There's a restau nearby."

•Somewhere na Restau•

"So kumusta?"untag ni Kris sa'kin. Katatapos lang naming kumain ng pananghalian. Infairness, ang sarap ng pagkain lalo na't namiss ko ang pagkaing pamPilipino talaga ang lasa kaya napasarap ang pagkain ko.

"Ito, okay lang. Lalo lang gumanda kahit medyo pagod at may jetlag pa." Pagbibiro ko dito.

"Sam, seryoso ako. Kumusta ka na? Nakatulong ba yong paglayo mo?"

I sighed nong nasiguro kong seryoso ito sa tanong nito. "First of all, Dapat Saki lang ang tawag mo sakin kasi maraming nakakilala sa akin pangalang 'yon. Understand?" tumatango tango lang ito.

"Okay let me refresh my statement" Napatawa ako sa sinabi nito. Bumuntong hininga ito at tinignan ako ng maigi. " Saki, kumusta ka na? Nakatulong ba yong paglayo mo?"

"Well, oo nakatulong sya" maikli kong sagot.

"Paano nakatulong?" tanong pa nito.

"Alam mo. tinawagan kita para sunduin ako sa airport at tulungan akong isurprise si Grandma." pag-iiba ko sa usapan. "Hindi para tanongin mo 'ko sa mga tanong na INIIWASAN kong MARINIG." diniinan ko talaga ang pagkakasabi ng mga salitang 'yon. "Hindi sila ang dahilan kung bakit umuwi ako kundi si Grandma." naiinis kong sagot.

"Calm down." Pag aalo nito sa'kin. "Huwag kang highblood. So, ano ang plano mong gawin para sa surprise ng Grandma mo?"

On our way kasi to the restaurant sinabi ko sa kanya na plano kong surpresahin si Grandma pagdating namin sa bahay nya.

"Gusto kong tawagan mo si Nanay Maria at kumustahin.Tanungin mo sya kung nasa bahay ba si Grandma, kung may kasama ba sila o wala tapos sabihin mo, bibisita ka."

"Okay pero hindi ba sila magtataka na bigla ko nalang tatawagan at bibisitahin si Grandma after years?"

"Don't worry. Hindi naman yon magtataka unlike kung si Grandma ang tatawagan mo mismo."

"Sino?"

"Si Nanay Maria" tumatango tango lang ito.

"Tapos?" sabi nya habang tinatype ang number ni Bahay.

"Sabihin mo sa kanya na bibisita ka sa bahay ngayon pero hindi nya sasabihin kay Grandma na bibisita ka. Dapat hindi nya malaman na kasama mo 'ko."

"Ayan na, nagriring na. Hello?"

"Hello, Sino 'to?" rinig kong sabi sa kabila ng linya. Pinaloudspeaker kasi para marinig ang usapan nila.

"Si Kristoff po' to. Andyan po ba si Nanay Maria?"

"Aie Kristoff, ikaw pala yan. Si Nanay Maria mo to. Napatawag ka? Ang tagal mo ng hindi nakabisita dito sa mansion."

"Oo nga po. Naging busy lang pero ngayon po bibisitahin ko kayo dyan. Kaya napatawag po ako kasi gusto kong itanong kung nandyan po ba si Grandma."

"Aie talaga?! Andito si Donya Amy  namamahinga na. Tanghali na kasi kailangan na nyang matulog. Anong oras ka ba bibisita?"

"Hindi ko po alam basta andito pa kam.. ah este ako sa Laguindingan. Pero didiretso na po ako dyan pagkatapos at tsaka 'wag nyo pong sabihin kay Grandma na bibisita ako gusto ko po syang surpresahin" muntikan pang madulas ang loko.

"Aie ganon ba? O sige kung yan ang gusto mo." mabuti nalang hindi nakahalata si Nanay pag nagkataon walang surpresang magaganap, ang magaganap alam na ni Grandma and Grandma will prepare foods yo celebrate. Ganyan sila si Grandma pag masaya kailangan may saya.

"Salamat po. See you later po" at binaba na nya ang tawag. "Hoh!" bulalas ni Kris at pinahiran ang noo gamit ang palad nito para namang may pawis ang loko e meron namang aircon tong restau. "Muntikan na tayo dun ah. So ano na ang sunod nating gawin."

"Talagang muntikan na!" diin kong sabi. Mabuti nalang hindi nakahalata si Nanay. Kung makapahid para hindi sanay magsinungaling." I teased.

"Talagang hindi!" pikon nyang sabi.

"Sus pikon agad? Tara na nga at puntahan na natin sila." tinawag na namin yong waiter for our bill and He paid it. Nauna na akong lumabas para pumunta sa exchange money center na nasa tapat lang ng restau to swap my cash to Philippine peso. Pagkatapos ko makapagchange ng money ay pununta na kami sa bahay ni Grandma.

On our way napaisip ako what if magkita kami don o sya? What will I do then? Ugh sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip dagdag pa na wala pang tulog. Lord! Please help me!

-----------
What you think?
You can vote and comment

PLEASE
no foul words
no negative comments

M👑

Once One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon