FANBOY

30 3 1
                                    


Once a fanboy, will always be a fanboy.

- Z.L





YOUTUBE

Isang application kong saan maari kang manuod ng iba't-ibang klase ng videos o kahit ang iyong paboritong pelikula pa. Dito mo din mapapanuod ang mga trending na videos. Talagang hindi ka mahuhuli!

At sa youtube may mga tinatawag na vloggers na kong saan gumagawa sila ng kanilang youtube channel at dun mag po-post o mag u-upload ng mga videos o vlogs. Ang pag gawa ng youtube channel ay para sa lahat, syempre hindi papa-huli ang ating mga ka-filipino.

Dahil mahilig ako manuod ng mga videos o vlogs ng sikat na filipino youtubers, hindi nagtagal naging fan din ako. Oo, fan as in FAN yung nag i-idolize, fandom mga ganun. Kong may fangirl syempre may fanboy at isa na ako dun. Opo, tama kayo ng basa mga pips, hindi kayo naduling o malabo ang mata. Mukhang pambabae ang pangalan ko pero lalaki po ako. Pure man mga pips!

Ang mga sikat, iniidolo at sinusubaybayan kong mga filipino youtubers ay si Kuya Matt ng Adobers Studio, Cong TV, Pamela Swing, ang aking mi na si Riva at ang magkapatid na si Princess and Nicole maaring hindi pa ganun ka sobrang sikat si Princess and Nicole pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na sila kilala. Sa katunayan nga admin ako sa groupchat ni Princess and Nicole at tinatawag itong #PANmily

Hinding-hindi ko makakalimutan ang unang beses kong mapanuod ang video ng magkapatid na yun. Pagkatapos ko panuorin ang vlog ni riva nag scroll down ako at may mga videos dun na may nakalagay na "Recommended for you" clinick ko yung Princess and Nicole. Skin Care Routine Video, nagtataka pa ako nun bakit mag isa lang siya, eh Princess and Nicole nga yung pangalan ng yt channel.

Habang nanunuod hindi ko namalayan na nag e-enjoy na pala ako. Simple pero maganda, ang tamis pa ng ngiti at dahil nag e-enjoy ako binisita ko ang yt channel ni Princess and Nicole at isa-isa pinanuod ang mga videos nila. Napangiti nalang ako, ang cute nila magkapatid. Nalaman ko din na princess ang pangalan nung babae na nagpakita ng kanyang skin care routine.

Princess...

Hindi nagtagal nag fandom na ako kay Princess and Nicole. Kinapalan ko na ang mukha ko para i-message sila at gumawa ng group para sa mga fans nila at isa na ako dun. Nakakatuwa lang kasi hindi na sila nag-isip pa pumayag agad sila.

Bukod sa maganda sila, napaka mabait, sweet at humble pa. Kalog din sila hahaha.


Lahat ng events na nandun sila, pinupuntahan ko. Kahit malayo pa ako. Gumagawa talaga ako ng paraan para makita, makapag pa-picture, makasama o mayakap sila. Minsan napapa-sama pa ako sa vlog nila, exposure mga pips yay. Sabi ng mga nakaka-kilala sakin #fanboygoals daw ako. Well, worth it.

Mag-iisang taon na akong nag fa-fanboy sa mag kapatid, mga pips super worth it! Naging malapit na ako sa mag kapatid. Solid ako sakanila, SUPER SOLID.

Dumadating din sa puntong pag hindi pa sila nag u-upload ng video, binabalikan kong panuorin yung mga na upload na nilang videos. Nakaka-goodvibes eh lalo na pag nag flash na sa screen ang matamis na ngiti niya.

Siguro naguguluhan na kayo eh 'no? Marahil sa tingin niyo para akong timang na nagkwe-kwento.

Uy! Nasabi mo na ba 'to, habang binabasa mo ito---

"Kuys, wala naman sense pinagsasabi mo. fwe!"

Aminin! Hahaha joke lang mga pips.

May hindi ako mapaliwanag, itong nararamdaman ko.

FANBOY (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon