Location : unknown
Time : 8 : 30 am- Stephanie Escorpizo's Pov -
*Birds whistling*
Hmm.
Kailan pa nagkaroon ng ibon sa bahay?
Nakangiti akong nag-unat at dinamdam ang sarap ng umaga.
Dahan-dahang nagmulat ng mata.
Wow
Nanaginip ba ako?
Para akong nasa paraiso.
Pinatong ko ang aking ulo sa aking mga braso.
Pinapaligiran ako ng kulay dilaw.
Ang mga dahon at puno.
Ang asul na kalangitan.
Ang pagsilip ng araw sa likod ng mga ulap.
Ang himig ng mga ibon.
Ang payapang kapaligiran.
Ang preskong ihip ng hangin.
Napaka aliwalas.
Sandali, tatawa muna ako.
HAHAHAHA.
Kung ganyan sana ako lagi sa filipino subject namin edi ang taas ng grades ko.
Biglang humangin at nakaramdam ako ng lamig.
Nakita ko ang unti unting pag galaw ng mga dahon sa puno at ang paglipad ng mga ibon sa taas nito.
Teka, pwede pala ang ganito sa panaginip? Ang galing naman.
Napatingin ako sa bandang tagiliran at naroon ang back pack ko.
Napa upo ako at hinila ito.
Seryoso? Pati ba naman ikaw ay sumasama sa panaginip ko ha?
Nandito yung cellphone ko a. Pwede kaya akong magselfie sa panaginip? Para naman magkaroon ako ng remembrance sa paraisong napuntahan ko.
Try ko nga!
Excited ko itong binuksa-- damit?
Sa pagkaka alala ko, notebooks ang laman ng bag ko.
Damit.....
Huta, bakit damit?
"Hayp!"
Napatayo ako ng hindi oras. Hinawakan ko ang puno at naramdaman ko kung gaano ito katigas. Puno nga.
Pwede mo bang maramdaman ang mga nasa panaginip mo?
Inabot ko pa ang mga sanga at dahon para kumpirmahin kung nahahawakan ko ba talaga sila.
At oo nga! Naramdaman ko iyon sa dalawang palad ko.
Naguguluhan man ay iniikot ko ang aking paningin sa paligid.
Puno....
Puno...
Puno...
Puro puno lang ang nakikita ko!
Nagsimula na akong pagpawisan at mas ramdam ko na ang kalabog sa aking dibdib.
May mali dito. Hindi na ito panaginip.
Sinampal at kinurot ko na rin ang aking sarili ngunit walang nagbago.
Anong nangyayari?
Inikot ko ang lugar at pinagsisigaw ang pangalan ni kuya. Pati sila mama at papa.
"Maaaaaa!"
Nakakatawang isipin pero kaunti nalang ay tutulo na ang luha ko.
"Kuya Sean!"
Wala akong makitang anino ng kahit sino.
Kahit yung aso manlang namin o si kokey, yung lalaking tambay sa kantong nangungulit sa akin araw araw.
Eh kung tanungin ko kaya itong ibon?
Hays.
The forest seems strange.
Oh shems! Pag pala kinakabahan mapapa english ka nalang.
Kung kanina'y napaka payapa ng aking pakiramdam, ngayon, feeling ko ay nasa isang horror movie ako.
Ikaw ba naman ang mapunta sa magandang lugar pero wala ka namang kasama at hindi mo pa alam kung saan iyon!
Oh Lord, help me.
"Kuya seaaaa-- aray! Ano yun?"
Para akong kinagat ng isang daang langgam at tinurukan ng sampung injection!
Hayp na gagamba!
Ang sakit! Tumakbo kana, 'wag kang magpapa huli sa akin.
Hindi ako takot sa gagamba kaso kasing laki na'to ng dalawang palad ko.
Huta, amazing!
Eh ano naman, akala mo matatakot ako sayo? Matapos mong dagdagan ang malas sa buhay ko.
Kinuha ko yun at saka inapak apakan.
Ano, lalaban ka pa?Ngunit muli kong napagtantong nag iisa ako.
Napa upo ako sa lupang punong puno ng mga dilaw na dahon. Ang ganda, ang sarap magselfie.
Yung gagamba kasi, mas malala pa sa tarantula. Ngayon lang ako naka kita ng gagambang ganoon a?
At tsaka walang ganito sa pinas, pre.
Tumayo ako ulit kahit dumudugo ang paa ko.
Ang malas naman. Gutom na gutom na nga yung tao, kakagatin pa ng gagamba.
Ganun ba ako kasarap?
Charot!
Napahawak ako sa aking tiyan. Bigla akong nakaramdam ng panghihina.
Nahihilo ako.
Umiikot ang paligid.
Lumalabo ang aking paningin.
At......
Teka bakit may stars sa ulo ko?
"Aray!"
"Holy sh--"
at muli kong naramdaman ang pagbagsak ng aking pwet sa lupa.
Huta, ilang malas ba ang nakuha ko ngayong araw?
Siiino--
"Hayp! Sino ka?"
"Crap! Who are you?"
Mukha siyang multo! Huwag na huwag lang 'tong tatabi sa akin at magmumukha akong espalto.
Teka...
Lalong nanlabo ang aking paningin.
Nagdidilim.
Ang dilaw ay natatakpan ng itim.
Asul.
Asul na mga mata ang huli kong nakita bago ako....
Δ a u t h o r ' s n o t e
Alam kong nakakatamad magbasa neto pero, kung nakarating ka sa dulo, SALAMAT!
Ps. Suggestions, criticisms, ek ek at kung ano ano, lapag sa comment box.
Mwa.
BINABASA MO ANG
Into The Woods
Historical FictionI am lost. So loooost. Mentally. Emotionally. Physically. Oo! Physically! Literal akong nawawala! Natulog ako sa isang silid na may ilaw, bintana, kabinet at komportableng kama tapos magigising ako sa gubat? SA GUBAT! SA ENCHANTED FOREST! Katabi...