PROLOGUE
“When you look into your mother’s eyes, you know that is the purest love you can find"
-Mitch Albom
********
“P*TA!!... ANG PANGIT NIYAN AH!”
Ayon sa kwento ni mama, yan ang sabi ng tatay ko nang una niya ko ng makita. Sanggol pa lang ako nun. Kaya anong alam ko? Hindi ko pa siya naiintindihan.
Pero ngayong 17 taon na kong nabubuhay, iba na ang dating sa ‘kin ng mga salitang yon.
Limang salita.
Limang salita lang.
Hindi ko inakala na ang limang salita ay kayang dumurog ng puso ko at sumira sa tiwala ko sa sarili.
Kung ipinanganak ba kong maganda, hindi kami iiwanan ni papa? Kung ipinanganak ba kong maganda, hindi na siya maglalasing? Hindi na niya sasaktan si mama?
Pero wala. Wala namang koneksyon yon. Ganito ako. At nangyari na ang lahat. Isang taon na pala ang nakalipas nang iwanan niya kami. Hindi ko alam kung bakit siya umalis. Sabi ni mama, may iba na raw siyang mahal.
Oo, may mga panahon na nasaktan ako, umiyak at nagalit. Inisip kong gumuho na ang buhay namin.
Gusto kong sumuko.
Mahirap yung magtiis ka ng ilang taon para sa taong mahalaga sa ‘yo pero sa huli, iiwan ka rin. Dahil kapag nagpakamartyr ka, ikaw rin ang lalabas na talo.
But nakalipas na yon.
Mahal ko si papa.
At kung mahal mo ang isang tao, hindi ka na maghihintay ng sorry. Dahil sa puso mo matagal mo na siyang pinatawad. Mahal mo eh.
Araw araw pinagdarasal ko na sana masaya siya, na sana nabubuhay siya ng maayos at sana hindi niya ko makalimutan.
Nakaya ko naman ang sakit. Kuntento na kong katuwang sa buhay si mama at ang Diyos….
(Now Playing: Note to God by Jojo)
If I wrote a note to God
I would speak what's in my soul
I'd ask for all the hate to be swept away
For love to overflow.
If I wrote a note to God
I'd pour my heart out on each page
I'd ask for war to end
And for peace to mend this world.
I'd say, I'd say, I'd say
Give us the strength to make it through
Help us find love 'cause love is overdue
And it seems like so much is goin' wrong
On this road we're on.
Nagpalakpakan ang mga tao sa simbahan. Pagkababa namin sa platform. Nilapitan ako ni sister Jamie.
“Heaven! Napakagaling mo talagang kumanta. Tuwing kumakanta ang choir, yung solo mo ang inaabangan ko.”-Sister Jamie.
“Salamat po!”-Ako
“Naks! Bagay talaga sa ‘yo pangalan mo. Dahil kapag kumakanta ka, parang nasa langit kami! Haha!” Sabi ni Querbin, kasama rin siya sa choir.
“Yun oh! Nambola pa. Salamat.”-Ako
“Hahaha. Di ako nambola. Sana talaga naging boses ka na lang.”-Querbin
“Alam ko yun noh. Pikit ka na lang pag kumakanta ko.”-Ako
Kahit pa lalaki siya, hindi siya nahihiya na makipagbiruan sa ken. Syempre..Matagal na kasi kaming magkaibigan.
“Sige alis na ko.”-Ako
Papalabas na ko ng simbahan nang may narinig ako….
“F*CK!! I DON'T CARE IF WE'RE IN A CHURCH!! IF YOU RELLY WANT TO.. GO AHEAD! DO IT YOURSELF! JUST LEAVE ME OUT OF IT!! BECAUSE NEVER IN MY GODDAMN LIFE WILL YOU SEE ME TALK TO PRIEST!!
"YOU KNOW WHAT, I'M SICK AND TIRED OF YOU ALWAYS TELLING ME WHAT TO DO! IT'S ABOUT TIME I LEAVE. CONGRATULATIONS... YOU WON'T SEE ME. EVER!” Umalis na yung lalaki.
Mukhang kaedad ko lang siya tapos sinisigawan niya yung nanay niya.
Lumapit ako dahil nakita kong umiiyak na yung babae.
“Ok lang ho ba kayo?-Ako
“Pasensiya na hija, nakita mo pa. Pinilit ko kasing pumunta dito ang anak ko. Hindi siya nakikinig sa ‘kin. Akala ko pag pinapunta ko siya dito matutulungan siya ni father na ma-realize ang mga pagkakamali niya at matuwid ang buhay niya. Araw araw na lang siyang laman ng club. Iba’t ibang babae nakikita kong kasama niya. Palagi siyang nakikipag-away, umiinom. Hija, natatakot ako… Ayoko na ganito na lang.--” Bigla na lang siyang napaupo sa sobrang iyak.
Hindi ko namalayan na tumutulo narin pala yung mga luha ko. Hindi ko kaya na nakikita ang isang ina na nagkakaganito. Hindi ko kayang gawin to sa mama ko.
Hinimas ko ang likod niya.
“Wag po kayong mag-alala. May pag-asa pa po.”-Ako
“Pero paano kung wala na? Hindi ko talaga kaya. Baka isang araw mawala na lang siya ng tuluyan sa ‘kin.”-Nanay
Kumirot ang puso ko sa nakikita ko.
“Tutulungan ko po kayo. Wag na po kayong umiyak. Sisiguraduhin ko po na hindi niya kayo iiwan. Ibabalik ko siya sa inyo.”-Ako
“Salamat. Salamat. Hulog ka ng langit.”-Nanay
***************************************
(A/N: Maiksi lang po itong story ko. Meron lang po siyang 3 parts and epilogue. Sana basahin niyo hanggang dulo .. Promise worth it! Comment na rin po kayo at vote kung gusto niyo.
HAPPY READING!!! xoxo)
BINABASA MO ANG
Heaven is My Home (Short Story- Complete)
Teen FictionComplete na po ito.. Sana mabasa niyo. Pakibasa po muna ng Prologue bago ang Part I... Salamat! Namimigay po ko ng soft copy nito.. imessage lang ako ^_^