PART I
"Love is not blind - it sees more, not less. But because it sees more, it is willing to see less."
-Rabbi Julius Gordon
******
Travis Adams.. 18 years old. Half-american, Half-Filipino siya.
Yan ang nalaman ko nang buksan ko yung facebook profile niya. At punong puno ng message ng mga babae ang wall niya. Yung tipong “Honey, when are you coming to my house?” Tapos may naka-wink pa na emoticon. Yuck eh. Kinikilabutan ako sa mga nabasa ko. Pinagsasabay niya yata ang mga babae.
Sige na aaminin ko na gwapo siya. Kaya nga chick magnet. Pero kahit gwapo ka, hindi ibig sabihin nun na may free ticket ka na para angkinin lahat ng babaeng madaanan mo, o kaya maging Casanova, or playboy. Dapat may limitation di ba?
The first time I saw that boy sa church, alam ko na isa siyang malaking bad news. Nang nakwento ko sa mama ko yung nangyari, sinabi niya sa ‘kin na nasobrahan na yata ang pagiging Good Samaritan ko. Hmmnnn...Siguro nga… Pero iba kasi yung feeling nang nakita ko yung nanay ni Travis. I knew, in my heart, na kailangan ko tong gawin.
Nandito ko ngayon sa isang computer shop. Wala kasi kong magawa eh. Bakasyon naman. Wala rin akong ireresearch. Kaya kung anu ano na lang ang tinitignan ko....
Binuksan ko ang blog ng choir namin. Yup.. Meron kaming blog. Ako ang gumawa. ^_^ Siyempre para mashare yung mga songs na narecord namin. And para humingi na rin ng feed back mula sa mga followers namin.
TEMPORARY HOME
1 comment
*Click*
IronMan: Sino yung singer? Pwede ko ba siyang makilala? Pwede bang makuha number niya?
Ako kasi kumanta nun. Hindi rin ako naglalagay ng picture ko sa blog namin. Alam na. Nakakaturn-off eh. Magrereply na ko.
SBChoir: Sorry Sir. We don’t give out personal information.
IronMan: Bakit naman??.. Gusto ko lang siya makilala in person.
SBChoir: Sorry.
IronMan: Saang simbahan na lang kayo kumakanta?
Demanding pala to!
“Ate time na. Extend pa?” Sabi ng may-ari ng computer shop.
“Ah.. Hindi na po.”-Ako
Naglog-out na ko at lumabas sa shop.
This is it! Wala na kong sasayanging oras. Sisimulan ko na misyon ko!
Career na career eh noh?, misyon talaga tawag ko.
Nalaman ko rin pala ba ilang beses na sinubukan ng nanay ni Travis na magreach-out sa kanya. Pero hindi pa rin siya umuuwi sa bahay, nakikitulog lang siya sa isang kabarkada niya.
AFTER 1 HOUR:
======PANDEMONIUM CLUB======
Sabi ng source ko, dito raw namamalagi si Travis. Pangalan pa lang ng lugar na to impyerno na.
Pumasok na ko sa loob.
“May kilala po ba kayong Travis?” Sabi ko sa isang waitress.
Tinignan niya buong katawan ko, nakangisi na siya.
“Bakit po?”-Ako
“Iba ka kasi sa mga usual na babaeng naghahanap sa kanya.”-Waitress
BINABASA MO ANG
Heaven is My Home (Short Story- Complete)
Teen FictionComplete na po ito.. Sana mabasa niyo. Pakibasa po muna ng Prologue bago ang Part I... Salamat! Namimigay po ko ng soft copy nito.. imessage lang ako ^_^