Chapter 1 - New Guy in School

88 1 0
                                    

A/N: Sorry ang bagal ng update sobrang busy sa school works. :(

________________________________________________________________________

Chapter 1 - New Guy in School

"Pia! Pia!" Sabay yugyog sakin ng yaya ko. "Pia! Bangon na. Baka ma-late ka mabagal ka pa naman kumilos."

Dumilat na ko at tumingin sa orasan sa side table ko 4:30 pa lang eh 5:00 pa ko naka-alarm. Takte talaga tong yaya ko aga-aga pa eh. Tsss!

"Sige ya! Susunod na." Tinignan ko na siya. "Aga-aga mo nambubulabog. Maaga ka pa sa alarm clock ko." Tapos umupo na ko at tinignan ang celphone ko.

"Syempre mabuti na yung maaga noh! First day mo pa naman ngayon tapos male-late ka. Sige na bumangon ka na dyan at mag-ayos ka na at kumain ka na dun sa baba." Tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Hay naku! Ang aga pa nakakatamad pumasok ngayon pano ba naman kase 1st day pa lang ngayon eh wala namang ginagawa dun kundi magpakilala sa mga teachers ninyo kase halos lahat ng mga classmates mo kilala mo na dahil every year nirarambol lang kame para iba-iba classmates.

Hmmm.... Tutal maaga pa naman magpapakilala muna ko sa inyo. Hello! I'm Sophia Marie Garcia, 15 yo. 3rd yr. na ko this year. Describe myself? Hmmm... Ano ba? Medyo chinita, medyo maputi, sakto lang ang tangkad ko sa age ko, makulit saka happy-go-lucky pero matalino naman ako kahit papano, nag-aaral din ako at never akong bumagsak at nagkaroon ng "palakol" or line of 7 sa card. Hehe! And most of all, NBSB po ako. Haha! Di ko din alam kung bakit pero siguro studies muna saka wala pa kong matinong nakikita. Di naman ako panget pero di rin ako maganda. Haha! Gulo noh? Hmmm... Pwede na yung may itsura. Hmmm... Sige yun muna mukha namang madame na kong nasabi. Kelangan ko na mag-prepare sa pagpasok.

Nung naglalakad na ko papasok sa school nagmamadali na ko kase malapit na mag-7. Tss. Male-late pa ata ako. =__= Ang bagal ko talaga kumilos. Hays!

Nung malapit na ko sa gate may nakabangga akong lalake. Di naman masyadong malakas kasi di naman kami natumba pero ang sama ng tingin niya sakin.

"Ano ba?! Bulag ka ba?! Ang aga-aga nambubwisit ka! Badtrip!" Sabay tinalikuran ako. Aba! Ang kapal ng mukha! Ako pa bwisit eh kung kutusan ko kaya siya! Bwisit na yun! Kala mo naman sinadya ko, siya din naman di tumitingin eh. Hayy naku kung di lang ako nagmamadali hahabulin ko yun eh para sapakin sa mukha. Player ata ako sa Taekwondo simula 2nd yr. kaya wag siyang maangas.

Pagdating ko sa school diretso na ko agad sa room namin dahil first day pa lang ngayon at walang flag ceremony. Pagpasok ko kinawayan agad ako ni Abigail or Abby for short, bestfriend ko siya dahil since first year pa lang magkaklase na kame. Umupo na ko sa tabi niya at daldalan agad kame, syempre 2 months kaming di nagkita. Actually, nagkikita naman kami nung bakasyon pero di pa din kami nauubusan ng kwento sa isa't isa. :))

After ilang minutes dumating na din yung teacher namin. Syempre puro pakilala lang kaya di ako nakikinig kasi makikilala ko din naman silang lahat but... Somebody caught my attention. Yung guy na nakabangga ko kanina classmate ko siya. What the! >.< Of all people bakit siya pa?!

"Ok! Can you introduce yourself in front?" Sabi ng teacher namin. Tumayo sya at dire-diretsong naglakad papunta sa harapan.

O_O - Ako yan.

"Goodmorning! I'm William Christopher Garcia, 16 yrs. old. I live in Quezon City." Tapos bumalik na siya sa upuan niya. Yun lang? Yun lang sinabi niya? Tss. -.- Di man lang ngumiti. Pero in fairness ang pogi niya kahit mukha siyang suplado at kahit antikpatiko siya.

Hmmm.... Ang awkward naman. Sana lang di niya ko matandaan. =__=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taken for GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon