♥Ang Unang Tagpo

138 4 1
                                    

♥Chapter1

ENJOY! :)) 

------------------------------------------------------------------------------------------

Ang tunay na pag-ibig nakapaghihintay,

kung tunay kang umiibig dapat matuto kang maghintay.

Hihintayin mo ang panahon kung kelan niya susuklian

ang pagmamahal na binibigay mo para sa kanya.

Higit sa lahat dapat mas pinakinggan mo ang taong mahal mo

kaysa sa mga taong nakapaligid sainyo,

dahil may pagkakataon na mawawala yung taong minamahal

mo dahil sa nakinig ka sa mga sinasabi ng taong nakapaligid sa inyo

at ni hindi mo man lang tinanong ang taong mahal mo kung ano ang totoong nangyari . . .

Second year Highschool ako noon, wala pa akong kaalam alam sa

sinasabi nilang LOVE! Ang alam ko lang ay ang salitang CRUSH at hindi ang salitang LOVE!

Ang pangalan ko ay Wil.

Hindi ko pa alam kung ano ang nararamdaman ng mga magkarelasyon. . .

Isang araw, nakita ko yung kaklase ko nung first year may ibinigay siya saking number,

sabi niya itext ko daw ang number na yun at maganda daw yung may-ari nun.

Pagdating ko sa bahay, sinunod ko ang sinabi ng dati kong kaklase.

Tinext ko yung number na binigay niya.

    "Hi!"

    "Who U?"

Ako naman agad kong sinagot yung text niya, hanggang sa buong gabi kaming mag katext.

Nasundan pa yun ng maraming araw,

hanggang sa parang nakikilala na namin yung isa't isa.

Ang pangalan niya ay Shakira.

Isang araw naisip kong ligawan si Shakira,

kahit na hindi ko alam kung paano gawin ang manligaw

at kahit hindi ko pa naman nararamdaman ang sinasabi nilang LOVE . .

Dumating ang araw na sinagot niya ako, 

hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para naman wala lang,

para lang masabi na may girlfriend ako.

Dalawang linggo parang naglalarolang ako sa relasyon namin,

at sa araw na yun sinabi sa akin ni Shakira ang salitang "BREAK NA TAYO!"

Wala akong naisagot kundi "OK!"

Sa relasyon namin hindi ko naramdaman ang LOVE!

Ang alam ko lang nilaro ko lang yung naging realasyon namin.

Lumipas ang isang taon, third year highschool na ako!

Mas matured na yung itsura ko at syempre yung pag-iisip ko.

Naiisip ko ano kayang mangyayari nayong taon na ito, bahala na, excited na ako!

Lumipas ang ilang buwan sa pagiging third year ko,

wala pa ring bagong nangyayari sa akin!

Minsan napa-isip ako, "bakit walang nagbaabgo sa akin?!"

Sinabi ko pa sa sarili ko, "gusto ko ng bago!"

Dumating ang araw ng Intrams na sa school namin,

maraming palaro at nandyan din ang inaabangan ng lahat,

ang  MS. INTRAMS !

Lahat ay nanabik sa paglabas ng mga kasali sa pageant na ito.

At nang tinawag na ang mga kasali, laking gulat ko na ang unang lumabas

ay yung babaeng naka text ko last year!!!

Hindi ko alam ang aking nararamdaman,

noong siya ay aking makita,

parang biglang bumilis yung pagtibok ang dibdib ko,

parang may gustong humila saakin palapit sa kanya.

Hindi ko alam, bakit ganito ang nararamdaman ko?

 

Sinubukan kong lumapit sa stage para mapansin niya ako,

bigla ko siyang tinawag "Shakira!"

Bigla syang lumingon saakin at kinawayan niya ako.

Sa pagkaway niyang yun at pagtitig saakin,

napangiti na lang ako at sa sobrang sarap sa pakiramdam ko

parang gusto kong sumigaw!

Akala ko dati hindi kinikilig ang lalaki,

pero sa oras na yun sa tingin ko

yun na ang pakiramdam ng kinikilig na parang gusto mong sumigaw,

magtatalon sa unahan! :D

THE LOVE I'D LOST :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon