♥Ang Pag-amin ni Wil ;)

70 3 2
                                    

Araw ng Sabado meron kaming panonooring isang play,

naisip kong sumabay sa kanya sa panonood 

at salamat pumayag siya!

Sa sobrang excited ko, 4 a.m. pa lang gising na ako,

eh 10 a.m. pa naman yung panonoodin naming play.

Nung nagbihis ako nasa isip ko,

na kailangan kong magpa pogi!

Halos 30minutes yata akong nakaharap sa salamin,

at halos ibuhos ko na yung pabango sa damit ko.

Heto na hinihintay ko na si Shakira,

kabado nanaman ako.

Ano kayang sasabihin ko sa kanya, sana makaimik ako..

Nakita ko na siya,

heto na palapit na siya sa akin.

Diretso lang yung pagtitig ko sa kanya

habang palapit siya ng palapit,

pabilis naman ng pabilis yung pagtibok ng puso ko!

Nasa harap ko na siya pero hindi parin ako naimik

at nakatulala sa kanya.

Buti na lang at umimik agad siya

at buti na lang nakapag salita na din ako,

at akalain nyo nagagawa ko siyang patawanin. :D

Nagpapalagayan na kami ng loob habang papunta

kami sa venue ng play.

Magkausap kami hanggang sa makarating sa venue,

at syempre magkatabi kaming dalawa!

Sabay kaming tumatawa sa pinapanood naming play

at kung may mapapansin kami sinasabi namin ito sa

isa't isa at biglang tatawa.

Ang saya na kasama ko siya, tumatakbo sa isip ko na

sana hindi na matapos ang araw na ito,

na sana lagi na lang kaming ganito,

masayang magkasama . . . 

Tapos na yung play,

Haaaaay! Hindi pa siya nagpapaalam namimiss ko na siya,

pero bago siya umalis sinabi ko sa kanya,

   "ahmm Shakira . . .  Ma . . . . . . . Mahal kita! Pwede ba kitang ligawan???"

Napangiti siya at tumango sa akin.

Ibig sabihin pumapayag siya na ligawan ko siya!

Sobrang saya ng nararamdaman ko! :)))))))

Masaya akong umuwi at naghanda ako sa panliligaw ko . .  :))

THE LOVE I'D LOST :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon