♥Ang SILVERNECKLACE

69 3 1
                                    

Lunes, niyaya ko siyang sabay kaming pumasok sa school!

Excited na naman ako, wala pang 6 a.m. na sa tagpuan na ako.

Pero kahit gaano siya katagal, kaya kong maghintay sa kanya, basta makasama ko lang siya!

Heto na nga dumating na si Shakira, malayo pa lang nakangiti na kami sa isa't isa.

Nag-uusap kami habang naglalakad, tawanan kapag nakakaisip kami ng nakakatawa.

Malapit na yung gate ng school, kainis parang ang bilis, 

maghihiwalay na naman kami!

Hapon na naman, tinext ko siya na kung pwede sabay kaming umuwi.

Pumayag naman siya, masaya na naman ang pag uwi ko! :)

Hinatid ko siya hanggang sakayan at syempre bago siya sumakay

titingin siya sa akin at magbababye . . .

Ako naman ngingiti sa kanya.

Araw-araw ganun ang nangyayari at sa mga araw na yun patuloy kaming

napapalapit sa isa't isa, pero sa mga araw na yun madalas kong hinihingi yung "OO" niya,

pero hindi niya sinasagot hanggang sa maiiba na naman ang usapan.

Hanggang sa malapit ng dumating ang Pasko, 

malapit na din yung birthday niya . . December 31!

Ako naman nag-iisip ng gift sa kanya.

Pumasok sa isip ko ang SILVER NECKLACE dahil kahit saan siya magpunta

masusuot niya yun at maiisip niya ako.

Dumating ang araw na ibibigay ko na kay Shakira yung Silver Necklace,

kinuha ko yung mga kamay niya at inilagay sa palad niya yung box na naglalaman

ng  Silver Necklace. Binati ko siya "Happy Birthday at Mahal na Mahal Kita!"

Wala siyang naging ibang sagot kundi "Thank You!"

Kahit medyo masakit dahil yun lang ang sinabi niya, masaya parin ako

dahil tinanggap niya yung gift ko.

Araw -araw nakikita kong suot niya yung Silver Necklace na binigay ko,

syempre ako masaya at tuwang tuwa kapag nakikita ko. :))

THE LOVE I'D LOST :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon