Where's my Chocolate

40 0 0
                                    

Where's my chocolate? Linda! Lindaaa!!! sigaw ni Mitch upang marinig siya ng kanyang yaya mula sa kanyang kuwarto. Humahangos na umakyat si Linda upang malaman kung ano na naman ang ikinagagalit ng kanyang alaga.

"Ano 'yun Mitch?" nagpupunas pa ng basang kamay si Linda sa kitchen towel na hawak niya.

"I have a Kitkat bar under my pillow. Saan mo itinago? I want my chocolate, Linda. Right now!" nakatayong sabi ni Mich habang nakapameywang pa. Gulo-gulo ang mga kagamitan sa kanyang dresser at tila nilamukos na papel ang itsura ng kanyang kama sa paghahanap nito sa kanyang chocolate.

"H-Hindi ko alam. Nung nagligpit ako ng kuwarto mo kahapon eh wala naman akong nakitang Kitkat. Saan mo ba itinago?"

"Dito lang sa ilalim ng unan ko." Itinuro pa ni Mitch ang magulo nitong kama."

"Ano'ng kaguluhan ito?" biglang sumilip ang ama ni Mitch sa pintuan ng kanyang kuwarto.

"Dad, somebody took my chocolate! I want my chocolate now. I just left it under my pillow yesterday before we went out."

"My Gosh, Mitch! You don't have to shout just because you can't find your chocolate. Sino ba ang kukuha nun? Hindi ka ba pwedeng bumili uli?!" galit ang tonong tanong ng ama ni Mitch.

"Pwede naman po." Nakasimangot na sagot ng spoiled na anak ni Nilo Gatmaitan.

"Hindi ka ba sasama sa anniversary party ng studio natin?"

"I'm coming, dad! I'll be ready in 10 minutes."

"Good. Then I'll wait for you downstairs." At tumalikod na ang ama ni Mitch.

"Yaya Linda, pakisara nga ang zipper sa likod ng damit ko. Hindi ko abot eh." Huminga ng malalim si Mitch, pilit na pinapaliit ang tiyan upang magkasya sa pinatahi niyang damit sa kaibigang fashion designer para sa event na iyon.

20th year anniversary ng photo studio na pag-aari ng amang si Nilo Gatmaitan. Simula nang mabalo ito sa kanyang modelong asawa, sampung taon na ang nakararaan ay ginugol niya ang kanyang panahon sa trabaho at tinuruan pati ang kanyang anak na si Mitch na maging isang magaling din na photographer.

At hindi naman siya nabigo sapagkat isa-isang nagtitiwala na din ang kanyang mga kliyente kay Mitch bilang isang new and upcoming photographer. Sa edad niyang 23 years old ay malaki na ang pangalan niya sa mundo ng photography.

Ngayong gabi ay pagkakataon na din ni Mitch na makilala ang karamihan ng kanilang kliyente at magiging kliyente na dadalo sa kanilang party na gaganapin sa mismong studio nila.

Kinakabahan man ang dalaga sa mga iba't-ibang taong makikilala ay nilalakasan nito ang kanyang loob. Kaya't kanina'y halos baligtarin niya ang kanyang kuwarto upang mahanap ang itinatagong tsokolate na tila pampakalma sa kanya.

Hindi sana siya a-attend ng anniversary party sapagkat ayaw sana niyang makita ng mga mapanuring tingin ng mga bisita nila mula sa mga modelling agencies at ikumpara sa katawan ng kanyang yumaong ina na isang modelo sa kanya.

Hindi ang tipo ng katawan ni Mitch ang makakabili ng damit basta-basta sa isang boutique or department store dahil may kalakihan ang kanyang sukat. Sad to say, plus size si Mitch.

Nagtalo pa sila ng kaibigang designer na gumawa ng gown niya sapagkat gusto niyang hapit na hapit sa kanyang gown na hindi uubra sa malaki niyang katawan, ngunit nasunod pa din ang gusto niya.

"Haay, Mitch... baka masira ako sa mga clients ko pag nalaman nilang ako ang gumawa ng gown mo. Ayoko talaga ng ganyan ka fit sa bewang mo. But I'll do my best pa din na matakpan ang mga curves na 'yan." Sabay turo ng kaibigang designer sa bilbil ni Mitch.

Where's my ChocolateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon