" Elly, you are diagnosed with a heart failure at malala na ito and the worst is... Anytime pwedeng huminto sa pagtibok ang puso mo. "
Malungkot na wika ng Doktor niya.
Huminga muna ng malalim si Elly bago bumaling sa doktor.
" Anytime pala Jade, pwede akong bawian ng buhay... "
" It is hard to say but Yes. Kung naagapan lang sana itong sakit mo, hindi
sana to hahantong sa ganitong kondisyon... "" but it's too late... "
"We have prayers, Elly.. right? "
" Yeah.... "
••••••••••••••••••••••••••••••
Elly is an independent woman.
Since she was 18 years old.
Umalis siya sa Orphanage kung saan siya lumaki at tinahak ang buhay na mag isa.Naging working student siya at naging scholar sa isang Unibersidad kinalaunan ay nagtapos siya sa kursong Comm-Arts.
Doc Jade Falcon is her best friend. At nagkakilala sila sa mismong University na pinag aralan noon. Naging malapit silang magkaibigan dahil magkasundo ang kanilang personality.
College palang si Elly nang makaranas ng mga symptoms ng heart failure, kaya lang binabalewala niya lang ito noon. Besides wala din naman siyang pera noon para ipa konsulta ang kanyang sarili.
Kaya tuloy ngayon, malala na ang sakit niya.
Nakatira lang siya sa isang maliit na Apartment at ang ikinabubuhay niya ngayon ay ang pagiging vocalist singer ng isang local band na tumutugtog sa isang sikat na Restobar sa Taguig.
Her hobby is to write a poem and to composed a songs. She loves to do it everyday, nakakagaan ito sa kanyang pakiramdam, she felt relieved every time she doing this.
Dito na umiikot ang buhay niya.••••••••••••••••••••••••••••••
Kahit saan man siya magpunta kanyang dala dala ang kanyang gitara.
She stop by at the Café where she used to be every time she got bored.
Habang humihigop siya ng kape ay nahagip ng kanyang paningin ang isang magkasintahan na nagkakape rin sa kabilang mesa at masayang nag uusap.
Bumaling siya sa ibang mesa. Saka napahilamos gamit ang mga palad.
" Ako lang yata ang Single dito. There are lots of couples here. Everywhere... "
Napa iling na lamang siya saka nag open ng Facebook account.
Napataas ang kanyang kilay ng mabasa ang isang post sa News feed niya.* Being single is worst, lalo na kung ang buhay mo ay may taning na. Life is too short diba? So bakit sasayangin mo pa?! Maghanap kana ng Jowa! *
She read it through her mind.
She smirk saka uminom ulit ng kape.••••••••••••••••••••••••••••••••
Habang naglalakad siya sa kahabaan ng kalsada ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Wala naman siyang payong kaya naghanap siya ng masisilungan.
" Magandang Gabi sayo Hija. "
Napalingon siya sa kanyang tagiliran ng may biglang nagsalita. Isang matandang babae lang pala, and she looks so weird.
" Magandang Gabi din po.. "
Ganti niya dito saka ngumiti ng konti." Hija.. gusto mo bang magpahula? "
Nilingon niya ito ulit.
" Ay, wag na po. Hindi naman po ako nagpapaniwala sa mga ganyan. "
" Wala namang mawawala sayo kung susubukan natin diba? Hindi naman ako maniningil, libre lang ito, hija. "
Dahil sa pangungulit ng matanda ay napapayag din siya.
Binasa nito ang kanyang palad.
" Di na magtatagal ang iyong buhay.. "
Nagulat siya ng malaman nito ang tunay na estado niya ngayon. Ngunit di na lamang siya nagsalita at patuloy na nakikinig sa sinasabi nito.
" ngunit.. may taong darating sa buhay mo at siya na yung lalaking hinahanap mo... Makikita mo siya mamaya pagsakay mo ng Bus. Naka T-shirt siya ng kulay orange na may sulat na *Nobela*.. Pag siya nakita mo na, wag mo na itong palalampasin pa... Sabihin mo sakanya ang iyong pangalan at iyon na ang magiging daan nang landas niyo ay di na mapaghiwalay pa. Ika'y humayo na at nang siya ay iyong maabutan. "
Ngumiti sakanya ang matanda at ito'y naglakad na palayo hanggang sa ito'y mawala na sa kanyang paningin.
Nabigla naman siya ng marinig ang ugong ng Bus na kakahinto lang sa Bus Station kung saan siya nakatayo ngayon.
Biglang nag flashback ng pa ulit ulit sa utak niya ang sinabi sakanya ng matanda kanikanina lang.
Totoo kaya ito?
Biglang tanong niya sa kanyang isipan saka sumakay na ng Bus .
{ Now Playing: Michael Learns to Rock Medly By: Angela }
Yakap yakap ni Elly ang gitara ng makaupo na siya sa loob ng Bus.
Saglit pa'y huminto ulit ang bus. Napasulyap siya sa pinto ng Bus at laking gulat niya ng makita ang isang lalaking naka orange na may naka sulat na *Nobela* sa T-shirt nito.
Naalala niya tuloy ang deskripsyon ng matanda sa lalaking dadating daw sa buhay niya.Napakagat labi siya ng tumabi ito sa kanya. Wala na din kasi itong ibang mauupuan.
Panay naman ang pagsulyap niya sa binata. Parang minememorize niya ang bawat angulo nito. Nakapikit ito habang naka headphone.
Napaka amo ng mukha niya, matangos ang ilong, makinis ang maputing balat. She loves his eyebrows and his eyelashes and those red lips he had.
Bigla nalang naramdaman ni Elly ang mabilis na pagtibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang binata.
She wondered what if this Guy beside her is the man she have waited for so long?Paano naman siya makakasiguro na ito na nga?
Ganito na lang, pag nagkita ulit sila for the second time, ibig sabihin, siya na nga ang matagal niya nang hinihintay.
Napalunok siya ng bigla itong dumilat at matalim na tumingin sakanya. Tinanggal nito ang headphone na suot.
" Hi! I'm Elly.. "
She said without hesitation. Sinunod niya ang sinabi ng matanda.
Napakunot noo ito at mariin siyang tinitigan.
" Did we meet before? "
" N-no... "
" Oh, sorry I don't talk to strangers. "
Susuotin na sana nito ulit ang headphone kaya lang nagsalita na naman siya.
" Pero hindi na ako stranger, alam mo na pangalan ko diba? "
" Yun nga, first name mo lang ang alam ko. It's not an assurance to talk with you. "
Bigla itong pumara at mabilis na bumaba ng Bus.
Ang sungit! 😑 Pero ayos lang kung ikaw naman ang magiging boyfriend ko. 😊
You made my heart in trouble,boy.
BINABASA MO ANG
Till my last breath Got away
Romance" Anytime pwede na akong mawala , kaya hindi ako pwede mamatay na SINGLE !! " Wika ni Elly. Will she find her man before her last breath got away?