Date

10 0 0
                                    

After ng mass ay kumain nga si Loraine at Vince sa isang restaurant..

"Loraine, order ka na. Ano bang gusto mo?"

"Huh? Teka, ikaw nalang ang mag-order."

"Ano bang gusto mo?"

"Ah.. Ka-ka-kahit ano."

"Wala namang kahit ano dito eh."

"Ay pilosopo? Hahaha. Sige na kaw na bahala."

"Ikaw na nga kasi, baka mamaya hindi mo magustuhan ung oorderin ko."

"Hindi na. Ikaw na mag-order."

"Sigurado ka?"

"Oo. Promise."

Nag order na nga si Vince nagka-Kwentuhan silang dalawa at..

"Vince, baka abutin pa ko ng gabi. Uwi na kaya tayo."

"Huh, ikaw? Sige hatid  nalang kita."

"Hahatid mo ko? Naku wag na, nakakahiya naman."

"Ano ka ba wag ka nang mahiya saken. Lagi mong tandaan kahit anong kelangan mo nandito lang ako."

"Ang drama mo!"

"So ano hatid na kita?"

"a-a-ano kasi ahhhmmm.."

"Nag aalinlangan ka pa eh. Halika na hahatid na kita."

Hinatid nga ni Vince si Loraine..

"Vince salamat ha."

"Naku wala yun. Ako nga dapat magpasalamat." Patawang sabi ni Vince.

"Hala. Bakit ka naman dapat magpasalamat?"

"Kasi pumayag ka sa date natin. Sana maulit ulit ito.Sya sige mauna na ko."

"Sige. Salamat ulit ha. Ingat ka!"

Ngumiti lamang si Vince at umalis. Pumasok na ng gate si Loraine at nagulat sya nang makitang nakatingin sa kanya si Aling Lorna - ina ni Loraine, at si Ariane - ang kapatid ni Loraine. "Loraine sino yun?" Tanong ni Aling Lorna. "Ate boy friend mo ba yun?" Tanong naman ni Ariane. "Saan mo nakilala yun?" Tanong ulit ni Aling Lorna. "Ate mayaman ba yun?" Pangungulit pa ni Ariane. "Wait! Teka! Wait! Sandali lang paisa-isa lang pwede?" Naiiritang sagot ni Loraine. "Ma, si Vince po yun. Yung kapit bahay natin dati." Sagot ni Loraine. "Anong ginagawa niya dito?" Tanong naman ni aling Lorna. "Ma, di po ba obvious? Hinatid nya si ate.." Panunuksong sagot ni Ariane. "Bakit anak nanliligaw ba syang muli sa iyo?" Tanong ni aling Lorna. "Hindi po ma. Gusto nya lang magkausap kami. Matagal din po kaming hindi nagkita at saka mga bata pa po kami nang manligaw sya sakin siguro ngayon may nobya na iyon." Eksplenasyon ni Loraine. "Aba anak, mabuti na ang sigurado."

To Be Continued....

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon