TRD - 02

7.3K 328 29
                                    

Timmy's Point of View.

Walang nang paligoy-ligoy kong sinimulan ang trabaho ko dito. Inilagay ko muna sa locker ko ang dala kong bag at tumungo na sa labas kung saan kumakain ang mga customer. Nasanay na ang mga mata ko sa mga magagarang taong nakikita ko gabi-gabi na animo'y parang ginto. Saan ka pa? Benta mo na bes. Yayaman ka pa.

May maliit na stage 'tong restau-bar na tinatrabahuhan ko kung saan nagpeperform lagi si Natalie. Singer siya dito. Basta yun lang muna masasabi ko.

Lumapit ako sa isang table kung saan nakaupo ang isang babae at lalaki. Syempre, hindi ko na kailangang sabihin na mayaman sila. Common sense na agad-agad. Agad-agad na!

Mukhang magjowa ata? Magkaholding-hands kasi ang mga loka-loka. Hay naku! Lolokohin ka lang ng lalaking yan girl. Sa hitsura pa lang mukhang marami nang babae. For sure, di na yan virgin. Marami na yang natusok.

Ang sakit naman sa mata ng kamay nila. Ang sarap lang putulin. Kaso baka makulong ako. I'm just a commoner yet beautiful. Maganda lang ako pero walang pera.

"What is your order ma'am and sir?" syempre kailangan formal ang tindig. Share ko lang, dito talaga ako sa trabaho ko natutong mag'englishining spokening dollar. Puro ba naman imported kausap mo. Ewan ko lang kung hindi dumugo ang ilong mo kaka'english. So much for that! Kitams! I told yah'.

Unang sumagot yung babae na may hawak-hawak na menu. Prente itong nakaupo habang nakadekwatro. Gusto ko yung red dress niya. Gusto kong punitin kung gusto niya lang naman ipaglantaran ang hita niyang hindi naman kakinisan.

"A Quinoa Salad and Albarragena Jamon Ibericode Bellota." ang sakit talaga sa brain ng mga spelling ng mga pagkain dito. Ang hirap pa basahin. Ipapagood-time ko talaga ang nag-isip ng mga pangalan ng pagkain na yan. Pwede namang kagaya na lang ng Adobong Manok o kaya naman Beef Steak. Easy as that! Pinapahirapan pa kaming mga waiter eh. Sakit talaga sa bangs. Di kinakaya ng pawers ko.

"How about your order sir?"

Halos mahulog na ata ang suot kong panty nang ngumiti ito sa akin. Bakit ngayon ko lang ata napansin na ang pogi pala nito? Bulag ka Timmy. Humihina na ang raydar mo! Konting alog sa utak para naman magising kahiy konti.

"Uhmm... Excuse me." nabalik ako sa wisyu nang magsalita ito. Naku ha! Tulala ka na naman diyan. Basta may pogi talaga. Diyan ka talaga magaling. Ang lumandi.

"Yes sir?" inayos ko muna ang pagkakatayo ko kasi mukha na akong tanga dito. Stand straight and don't forget your posture. Kailangan pretty ka lang.

"I want some Charcoal-Grilled Beef Serloin Steak and two Frozen Haute Strawberry Ice Cream." syempre sulat naman ang lola niyo habang nagsasalita si kuya mong pogi.

"How about for drinks sir?"

"Just give us a bottle of Chateau Margaux." isang uri yun ng wine mga beks, para sa mga hindi nakakaalam. Hindi basta-bastang wine! Kaya na atang mahulugan ang pang-limang taong upa sa apartment ko. Ganern kamahal!

Binasa ko muna yung mga pagkaing trip nilang kainin sa buhay bago ako pumunta sa kitchen area.

Stand-by muna ako habang hinihintay ang order nila. Sumulyap-sulyap sa mga taong kumakain. Iniisip na sana naging mayaman na lang ako. Para naman kahit papa'no makakain ako sa mga high class na mga restaurant. Para naman maging customer naman ako kahit minsan.

Lakas ko mangarap 'no?

Ano ba namang magagawa ko? Ito na ang binigay na buhay sa akin ng Diyos. Wala na tayong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. Na mahirap lang ako. Swerte ko na lang kapag yumaman tayo. Kaso mukhang imposible atang mangyari yun.

The Rockstar's Downfall (Dangerous Man Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon