Hindi alam ng binata kung bakit bigla nalang nagbago ang mood ng dalaga, wala nalang siyang nagawa kundi akayin ito sa loob at kumain. Gustuhin man nyang kausapin ang dalaga pero alam niyang hindi ito magsasalita. Sa tagal ng kanilang pinagsamahan alam naman na nya ugali nito, minsan nga nagtataka siya kung bakit minsan wala man lang tanong ito na kahit ano meron sakanila dalwa. Siguro dahil bilang babae alam niyang hindi maganda kung ito pa ang unang magsasalita.
Kumakain lang sila ng matiwasay, napapansin niyang nagiging makulit na ulit ang dalaga, normal na sakaniya ang ganito sitwasyon ang maglambingan. Magkulitan.
Pagtapos naten kumain ani gagawin naten? Naiinip nanaman ako. Sabi ni anne
Ikaw ano ba gusto mo? Nasa labas na nga tayo pero naiinip kapa din. Ikaw talaga. Hahahaha sabi naman ni clarence sakanya.
E tara dun nalang tayo sa churasco, dating gawi. Chill nalang tayo. Sabi naman ni anne
Osige ikaw ang bahala. Sagot naman ng lalake
Normal nasakanila ang ganito pangyayari, talagang ganyan silang dalwa madalas magkasundo sa mga bagay bagay.
Pero hanggang saan nga ba sila dadalhin ng panahon? Hanggang kelan nila matitiis ang sitwasyon? Sa sobrang pagmamahal ni anne kay clarence umabot sa mga puntong nabibigay na nya lahat sa lalaki ultimo pagkatao niya.