Noong bata pala si anne sadyang pilya na siya, mahilig siya makipag-asaran sa mga lalaking kaibigan, sutil na bata at lahat binibigay sakanya, Sabagay hindi naten masisisi ang magulang nito kung maging ganito ito dahil kaya naman sila nagtratrabaho e para maibigay ang marangya pamumuhay para sakanilang anak. Nag-iisang anak lamang ito ni Mrs. Esmeralda Enriquez Suarez at Mr. Rafael Calixtro Suarez at ang Nag-iisang anak nila si Sophia Anne Enriquez Suarez.
Madaling ng dalaga si Anne dahil Impluwensya na din ng kanyang mga kaibigan, Mula nung tumuntong siya ng katorse anyos ay naging mahilig na siya makipag-kaibigan sa mga ahead sakanya, Hindi na siya yung tipong batang uhugin, nakakagimik na siya kasama ang bestfriend at ang mga barkada nito. Mula noon na naging kaibigan na din niya ang mga ito. Hanggang sa naging ganap na siyang naging dalaga.
Dito din niya nakilala si Clarence na naging pinaka malapit na lalaki sakanya, Lagi niya ito katext , Nakakasama niya ito twing magkakaayayaan silang lumabas. Para silang magjowa pero alam nilang hindi at malinaw sakanila dalwa yun.
Saan mo gusto kumain? tanong ng binata sakanya. Kahit saan. Ikaw na bahala. Sagot naman niya, Nagtaka ang lalaki kung bakit parang nanibago ang mood ni anne. Habang naglalakad sila nagiisip si anne na kaibigan lang ba talaga, kaya pala ang siya tahimik dun natigil ang isip niya. Para dun kasi sa lalaki ayaw niyang magkasakitan. Biglang nagsalita si Clarence. Dito nalang tayo, Alam ko magugustuhan mo dito, Pinilit siya ngumiti at inakay na siya nito papasok. pinilit nalang niya ngumiti baka kasi makahalata na ang lalaki.