Chapter 11 ; Nine Day's

12 0 0
                                    

Don't forget to Vote, Comment and Share.

Hi Shainie Sayne mwaaaahhh mwaaahh.

------------------------------------------------------

Chapter  11;

Jez Nathalie's POV
          Nagising ako sa tunog ng alarm clock, napakaingay nito na para bang ayaw akong patulogin ulit. Kaya lahat ng pagod ko sa pag-iisip ay napukaw sa galit. Galit sa alarm clock na walang tigil sa pag iyak. Bwesit

Mabilis akong bumangon sa aking hinihigaan para hindi kopa mabato tong alarm clock sa sobrang ingay. Dumiretso ako sa banyo at naligo pagkatapos kong magbihis dumiretso na ako sa sala at nag iwan ng note para kay Margo.

I'm training. Ang sulat ko sa note at idinikit sa refrigerator.

Pinaandar ko ang aking sasakyan at mabilis ko itong linisan ang lugar. Concentrate akong nagmaneho na para bang ayaw kong may bumabagabag sa aking pag iisip. Boses ng aking sasakyan nalamang ang aking naririnig dahil sa bilis ng aking pagpapatakbo ay diko masigurong mabangga ako sa kahit saan. Mas mabuti nalamang ang may kasiguraduhan.

Pagkarating ko sa training ay mabilis akong sinipa ni Aga at nagsimula kaming maglaban. Hindi niya ako tinigilan hanggat hindi ako mas nasasaktan.

Sinabi ko na sayo na mag ingat. Hindi lahat ng nasa paligid ay mapagkakatiwalaan.

Hindi ko naman sinabing sumugod ka kaagad.

Para saan pa ang pagpunta mo dito?

Tsk. Umupo ako at pinahiran ang mga dugong nagkalat sa aking pisngi. Ang lakas ng impact sa pagkakapatid at suntok ni Aga sa akin. Wala akong balak lumaban dahil pagod pa ang aking katawan lalo na ang aking pag iisip.

Ganito ka ba makipag laban Nathalie?

Wala akong gana.

Saan ka pa mas gaganahan?  Kapag lahat ng mga tao sa paligid mo ay nawawala na?.

Hindi ko iyon sinabi Aga.

Edi Kailan pa?!

Pwedi bang manahinik ka? Hindi mo alam kung ano ang nasa isip ko.

Okay. Let's start the train.

Mamaya na.

Bahala ka Nathalie pero sa oras na ikay masasaktan wala na akong paki don.

Tsk.

Nagpakawala ako ng buntong hininga ng umalis si Aga sa Training Center namin. Mabilis kong sinandal ang aking likuran sa pader at ipinikit ang aking mata.

Napadala ko na ang death note sa paaralan Nathalie.

Narinig ko ang sinabi ni Inang. Hindi ko pinapahalata ang aking pagkagulat. Kinalma ko ang aking pagkainis at hinayaan kung kailan siya matapos.

Kausapin mo ako ng matino Nathalie.

Ano bang gusto mong malaman Inang? Sinabi mona.

Gawin mo na ang nararapat.

Tsk. Kahit nakakawala ng respeto kay Inang ay umalis parin ako. Naiinis na ako sa pinagsasabi niya ayaw ko namang makipagtalo kaya mas mabuti ang iwan siya at hindi na mona makipag usap. Narinig ko ang mura ni Inang.

Naintindihan kita Inang pero hayaan mo muna akong makapag isip.Napakahirap ng pinapagawa mo.

Ang hirap nanga, pinapahirapan mo pa.

Imbes dalawa kami ni Aga ang mag training ay nag iisa nalamang ako. Galit siguro iyon sa inasta ko kanina at umalis ng hindi nagpapaalam. Nagsimula akong nag engganyo sa aking katawan. Kinuha ko ang kagamitan ng Arnis at ipinalibot kong mag isa sa aking kamay.

Hinampas ko ng arnis sa isang manikin na siyang pag praktisan ko ng pakikipaglaban. May dala rin itong arnis katulad ko. Habang akoy nakikipaglaban sa manikin iniisip ko parin kung paano sisimulan ang plano ni Inang. Kahit anong pilit kong intindihin ito ay hindi ko parin magawa.

Bumuhay ang aking mukha ng natumba na ang manikin at natagumpay ko itong napaslang.

Kung sana ganito lang kadali ang buhay ng tao.

Pagkatapos kung mag training ay dumiretso na ako sa paaralan. May klase pa ako mamayang alas syete. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo nang aking sasakyan ng mapagtanto kung may nakasunod sa akin. Isang itim na sasakyan na hindi ko kilala at mas dumadami sila ngayon ng lubusan kong pinapabilis. Halos gawin kona itong Racing.

Natigil ang aking sasakyan ng matamaan ito ng pana at nagsimula akong magpanic.

Ang aga naman yatang makikipaglaban.

Wala akong helig sa pana, arnis lamang ang aking pinaka interes sa pakikipaglaban kaya lutang na lutang ako sa pangyayari ngayon. Baka sa susunod nito ay nasa mga kamay na nila ako. Ngunit hindi ko ito hahayaang mangyari. Oras na siguro para pumatay na ako ng tao.

Lumabas ako ng sasakyan habang dala ang isang baril. Alam ko kung paano ito gamitin kaya hindi ako nahihirapang pikotin ang baril.  Tumakbo ako ng  malayo sa mga sasakyan at nagtago. Hindi ko kayang magpaputok ng baril at lalong hindi ko kaya ang pumatay ng tao.

Umalis ako sa lugar na iyon. Habang akoy naglalakad papalayo ay hindi ko maiwasang magpa tingin tingin. Gusto kong manigurado sa mga kinikilos dahil baka bangkay nalamang ang madatnan nina Inang.

Narating ko ang paaralan habang habol habol ang hininga.  Pinagmasdan ko pa ito bago ako pumasok. Hindi ko maisip na ang paaralang ito ang maging ugnayan ko sa mga tao dito.

Pumasok na ako sa loob. Hindi na ako magpaligoy ligoy sa pagkakataong ito. Hahanapin ko si Jake at sisimulan kona ang plano ko. Kahit labag sa aking kalooban ay gagawin ko.

Exuse me Miss.

Nabaling ang aking paningin sa security guard ng paaralan. Ngayon ko pa napagtantong hindi pala ako naka uniform.

Estudyante po ako dito. Nakalimutan ko kasing dalhin kahapon ang uniform ko sa bahay. Ito po yong ID ko.

Agad din akong pinapasok ng guard ng makita niya ang ID ko at napag alam niyang dito nga talaga ako nag-aaral. Mukha ba akong kriminal nito sa soot ko? Na pati gwardya ay pinagdududahan ako? Dumiretso na ako sa locker at nagbihis. Nadatnan ko si Margong busy sa paghahanap sa kanyang gamit sa loob ng locker niya.

Pinuntahan ko ito at tinulungan sa kanyang hinahanap.

Hindi ko akalaing tutulongan mo ako sa ganitong simpleng gawain Nathalie.

Mabuti akong tao Margo at alam mo yon.

Sa pagkilala ko ay saka ka tutulong ng tao kapag kinakailangan na.

Wala kang alam Margo.

Pasensya na kung ganon,  Mauna na ako.

Sandali lang.

Tiningnan ako ni Margo sa mata ng may pagtataka. Yon bang nabigla siya sa inasal ko ngayon.

Napalaban ako kanina.

Saan ka ba nasakatan?

Hindi ako nasaktan Margo pero natatakot ako sa posibleng mangyari.

Alam mo palang matakot eh ano pa ang ginagawa mo?  Sinasayang molang ang oras.

Hindi ko sinasayang Margo.

Kung ganon.

Tsk.

Hinayaan ko siyang makalayo sa aking presensya. Naiwan akong nag-iisip ng posibleng mangyari.
Isip. Isip. Isip. Baliw na nga siguro ako nito.

------------------------------------------------------

If you have


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Be With HerWhere stories live. Discover now