30 Days Before Auditions
Sino nga ba ako? Natanong ko yan kasi yung teacher ko kanina sa Math nakasalubong ko. Yung si Sir Solomon? Nakasabay ko sya sa jeep kanina. Natanong nya ko kung anong balak ko daw gawin sa summer break ko. Ano nga ba? Ay, ok yung makapasok sa bahay ni Kuya.
Pero, sino ba ko? Dapat at least kilala ko man lang ang sarili ko bago ako pumasok ng bahay ni Kuya. Diba? Ang alam ko, ako si Alex. Nakakatawa, kapangalan ko pa si Ate Alex Gonzaga. Medyo tulad kami ng personality. Baliw, in a good way. Masaya kasama, may pinag-aralan. May alam sa tunay na buhay. Idol ko sya.
Dati nga nung nasa kabilang channel pa siya, sinusundan ko pa shows nya. Yung LokoMoko unli? Nakakatawa siya. Isa syang magandang ehemplo na hindi mo kailangang i-force ang sarili mo para maging isang tao na hindi naman talaga ikaw, kahit artista ka pa. Kasi may mga artista na fake na image ang pinapakita pag nasa harap ng camera. Nakakaloka sila.
Umm, ano pa ba? I'm 16 years old. Mag cocollege na ko. Di ko pa rin alam kung san papasok. Ayaw na ko papasukin nila mama ng school dahil sa isang bagay. Takot pa akong sabihin kung ano yun. Kasi, may koneksyon yun sa dahilan kung bat ko gustong pumasok ng bahay ni Kuya. Parang dahil yata yun sa pagiging dilinkwente ko. Joke lang it's not the truth. Mabait kaya ako.
Gumraduate ako sa Alabang Science High School ng salutatorian. Nakakairita yung valedictoriam namin, hindi nya deserve. Ang bitter ko.
Anyways, fan din ako ng The Fault In Our Stars, may something sa book na yun na gustong gusto ko. Nakakakilig si Gus and si Hazel Grace pero ang lungkot ng ending.
Namatay si Gus dahil sa cancer. Pareho silang may cancer, akala nila magaling na si Gus at si Hazel yung mamamatay pero in the end, si Gus pa pala yung mauuna. Pero naging masaya sila sa small infinite nila. May infinity ba talaga? Ewan. Isa pa lang naging boyfriend ko. Naghiwalay kami dahil din sakin. May mga bagay lang siguro talagang dapat matapos para sa inyong dalawa. Dahil ayaw mong makasakit. Parang si Hazel Grace lalo na yung line nya na " Gus, I'm a grenade"
Ayaw ni Hazel makasakit dahil sa sakit nya. Sabagay mahirap din yung mapalapit sa yo yung mga tao tapos pag namatay ka masasaktan sila diba? Nakakatawa. But I'll always be a fan of TFIOS.
Pero may isang tanong pa kasing kailangan kong masagot e. bat ko ba gustong pumasok sa loob ng bahay ni Kuya? Basta. Magsinungaling na lang ako kung bakit? Di pa to ang tamang panahon para masabi ko sa sarili ko kung bat ko gusto pumasok ng Bahay ni Kuya.
So, isang buwan na lang before ang PBB Auditions dito sa Alabang. Kakanta ba ako? Sasayaw? Magmumukha kaya akong tanga? Bahala na, diary. Basta gagawin ko yung best ko para makapasok at magawa yun.
Natatakot akong aminin sa sarili ko kung bakit kailangan kong makapasok ng bahay ni Kuya. Feeling ko nga kahit sa staff baka di ko masabi e. kailangan kong magsinungaling. Pero anong sasabihin kong dahilan?
Love love love,
Alex
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Housemate
FanfictionAlex de Leon, ang NKKLKng teen ng Alabang, 16 years old, fan ng The Fault in Our Stars, di naniniwala sa pag-ibig, at may misyon sa loob ng bahay ni kuya na walang nakakaalam, kahit si Kuya. Paano kung mahulog sya sa loob ng bahay ni Kuya? Ano ang...