Chapter 1

99 3 0
                                    

Chapter 1

Nagising ako ng isang umagang basa ang mukha ko. Teka, umiyak ba ako? Pero, bakit nga ba? Ang naalala ko lang sa nangyari kahapon ay yung nalaman kong si Storm at Nic-- . Napatigil ako ng may biglang tumawag saakin.

"Bhezt..." teka parang kilala ko yang boses na yan ah. Tamah! si Nicole nga. Himala naalala pa niya pala ako, samantalang di niya na nga ako dinadalaw dito simula nung nakilala niya si Storm. Pero ano naman ang ginagawa  niya dito? wala ba silang lakad ni Storm? Kailangan ba talaga na siya ang una ko'ng makaita ngayong umaga? Haixzt, kainis naman ^__^

"Bhezt, asan ka ba?" naramdaman ko na papalapit na siya sa kwarto ko kaya agad akong nagpanggap na tulog pa.

"Bhezt, tulog ka pa ba?" sabay katok niya sa pinto ng kwarto ko. "Bhezt... Bhezt..." katok parin siya ng katok pero hindi ko parin siya iniimik at nagpapanggap parin akong tulog. Dahil sa ayaw ko siyang makita, naiinis lang ako at naaalala ko lang si Storm sa kanya.

" Hay naku, tulog pa nga ata si bhezt. Babalik na nga lang ako mamaya" nung marinig ko yun agad akong bumangon at naligo. Naalala ko din kasi na may lakad kami ni Ryan mamayang hapon, pero ittxt ko nalang siya na ngayon nalang kami umalis, para naman makaiwas ako kay Nicole kahit ngayong araw lang na ito. Ayaw ko kasi talaga siyang makita ngayon.

Kaya pagkatapos ko mag bihis at maligo, nagpasundo na ako agad kay Ryan. nababahala kasi ako baka maabutan pa ako ni Nicole, kaya agad ko ng tinxt si Ryan.

TO: Ryan

Ryan, pwede bang ngayon na tayo lumabas? nabo'bored na kasi ako dito sa bahay eh. Wala kasi akong kasama. Pwede mo ba akong sunduin na ngayon?

FROM: Ryan

Sige2. Wag kang aalis dyan ah. susunduin kita in 1o minutes andyan na agad ako. Gamit ko yung car ko kaya mapapadali akong sunduin ka.

TO: Ryan

Ok Ryan. Salamat huh?

Grabe, napaka bait talaga nitong si Ryan. Biruin mo susunduin niya ako gamit yung car niya. Kung tutuusin pwedenaman kaming mag commute nalang. Nung isang araw din dinala niya ako sa Mall at binilhan ng Red Dress at suotin ko daw yun sa Party ni paul sa Saturday Night. kung tutuusin nga marami naman akong masusuot na dress sa bahay, napaka maalalahanin niya talaga. Pag lumalabas din kami siya lagi ang gumagastos ng lahat, palibhasa mayaman si Ryan. Parehas kasing may trabaho ang kanyang mga magulang, ang Mom niya ay nasa korea para asikasuhin yung kompanya nila dun at ang Dad niya naman ay may ari ng isa sa sikat na T.V Network dito sa Pilipinas. Kaya hindi nakapagtatakang napaka yaman nila.

BEEEEP! Andyan na si Ryan, ang bilis niya ah. Pero di muna ako agad lumabas dahil nag ayos muna ako ng sarili ko para pag labas ko ay maganda ako sa paningin ni Ryan. Hahaha Joke ! Syempre para maayos akong tignan.

Calling....

Ryan is calling? Grabeee, naman 'tong si Ryan natawag pa. Hindi nalang muna pumasok, nag aaksaya lang siya ng load. Mga mayaman nga naman di marunong magtipid ng load. Hahaha !

On the phone...

"Hello! Jane, Let's go na"

"Ok. Lalabas na po ako"

Pagsakay ko sa Car ni Ryan, sinalubong ko agad si ng tanong kung saankami pupunta. Pero matipid na "secret" lang ang sinagot niya sakin, sabay nginitian ako. Kinabahan tuloy akong bigla at iniisip kung saan niya kaya ako dadalhin. Pero bakit naman ako kakabhan, h halos araw-araw na nga kami nalabas ni Ryan. Naisip ko din na baka sindikato siya 'dis day, pero may sindikato bang Mayaman at Gwapo?? syempre wala ! Ano ba naman 'tong gumugulo sa isip ko . Haixzt, kainis !

I'm Inlove With A Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon