**Part 2**
Ian's POV
Umalis na si tatay at wala namang iniwang pera.Hay, bakit ba ganito ang buhay? ang hirap na ngang humanap ng pera ay ipinangsusugal pa nya.
" Ian!! halika ka nga muna rito iho, paki kuha ako ng tubig"
" sige nay, sandali lang po"
yan, ang nanay ko. Halos 65 anyos na.Sakitin dahil sa paninigarilyo ay nag karoon ng Tubercolosis ngunit wala namang tigil sa pag kakayod upang makatulong man lang sa gastusin sa bahay. 3 lang kaming mag kakapatid kaya bilang panganay ay napasa na sakin ang responsibilidad ng aking sugarol na ama na tulongan ang nanay.
" eto na nay."
" salamat iho, o sya umalis kna at baka ma huli ka sa trabaho mo"
upang makatulong kina Nanay ay nag tatrabaho ako bilang isang boy sa mayamang negosyante malapit sa amin. kahit maliit ang sweldo ay makakatulong narin ng konte.
" ian bakit ngayon ka lang? o ey bilisan mo na dyan at marami akong ipabibili sayo"
" sge Mam, "
" eto yung lista at bilisan mo na."
umalis agad ako upang bumili ng ipabibili ni Mam.
nako ay puro pagkain na naman. kaya nga tumataba na sya. hehe
pumanta na ako ng grocery store.
√ bread
√oatmeal
√cookies
√chips
√piatos
√chippy
√ice cream
[] coke zero
pumunta ako ng beverage area upang kumuha ng coke.
hai naaalala ko sa coke ang babae maganda na nakita kong umiinom nito sa katabing mini store.
umalis ako ng grocery at sumadya sa kanilang mini store at makita man lang sya muli.