Hell n' Heaven?

259 12 6
                                    

A/N: Hi! :) Yes naman! Pangalawang one-shot, one sh*t ko na 'to. Hahaha! Anyway, enjoy this! :D Vote po sana tayo! :D Tsaka comnment, need na need ko po yan para po sa ikabubuti ng aking susunod na mga works. Yun lang po! :) Tara, start! :)

~~

Malawak na lugar. May dalawang magkahiwalay na bench. Team A at Team B. Dalawang ring sa magkabilaang side. Mga humihiyaw na tao. Kanya kanyang sigawan. Team A ang sigaw sa side namin at Team B ang sinisigaw sa kabila. Cheering squad para pampagana sa mga players. Oo, Court nga ito.

Championship ngayon. Do or die. 2-2. Kung sino ang mananalo, syempre champion. Yung matatalo, 1st runner up/2nd place. Pero, sabi nga nila. 2nd placer is the first loser. Yan din ang pananaw ko.

Pagpasok na pagpasok pa lang ng team ko, andiyan na ang malalakas na sigawan ng mga audience!

"Forbes University! Kyaaaaaaaaah! Go Forbes University! We love youuu!" Yan. Yan lang ang madalas na naririnig ko pag pumapasok kami sa court na'to. Dagdag mo pa yung mga cheer nila sa mga pangalan namin.

Tinawag na rin ng Emcee yung kabilang university. At mas lalong nagkagulo ang audience. Halo halo na ang sigaw ng mga tao. May Forbes University at may Hillford Academy. Pero kung sa tingin niyo kinakabahan ako, pwes nagkakamali kayo. Ako lang naman ata ang star player ng Forbes University. Tinatawag ding "The Accurate Shooter". Kung itatanong niyo kung bakit? Well, sabihin nating 100% ang shoot ko pag walang bantay. Kung meron, 95% siguro. Nakakagawa ako ng mahigit 40 points sa isang game. Dalawang beses na sunod na akong naging MVP. At pangatlo na 'to.

Magpapakilala pa ba ako? Eh, kilalang kilala na ako dito. Pero sige, baka hindi niyo pa ako kilala. Ako lang naman si Chris Laurence Adam Villamor. 3rd year College. BS Tourism ang course ko. 5'10 ang height. Never ginanahan mag-aral. Tamad for short. Pero pumapasa. Simula Highschool pa lang ako, sa basketball na umikot ang buhay ko. MVP ako mula 1st year highschool hanggang 4th year highschool. Tapos, nagvarsity ako dito sa Forbes University. Di naman kami mahirap. Gusto ko lang talaga. Para sa akin, parang nasa heaven ako pag naglalaro ng basketball. Hindi dahil sa mga nagiikliang palda ng mga babae sa cheering squad at hindi rin dahil sa mga naggagandahang mga babae na tumitili pag nakakashoot ako. Pero dahil sa saya na dulot pag naglalaro ako nito. Okay na? Mahaba haba na yang intro ko. Kota na yan.

"And the star player of Forbes University. MVP for 2 consecutive years! BS Tourism. Senior. Chris Laurence Adam Villamor a.k.a. "The Accurate Shooter"!" Sigaw ng Emcee at saka nagtilian lahat ng fans ko. Oo, fans ko. Alangang ninyo? Eh, pangalan ko yan?

Inapiran ko yung mga team mates ko gaya ng nakasanayan at pumunta sa gitna ng court. Nandun na rin yung kalaban namin syempre kasi sila ang lumalabas na challenger sa larong 'to. Nagdiscuss yung referee ng konting rules and regulations kasi nga last game na at do or die to.

Pagtapos nun ay bumalik kami sa bench namin at wala dun ang coach namin?! Nasaan na si coach?! Pambihira. Magsisimula na yung laro pero wala pa siya dito? Saan naman kaya pumunta yun? Siguro may binili lang.

"Cla! Tara na dito." Tawag sa akin ni Red. Bestfriend ko. Cla ang tawag niya sakin. Pinaikling Chris Lawrence Adam daw. Ayoko nga sana eh. Kaso, g*go talaga ang isang yon. Di naman na niya binago kaya hinayaan ko na lang Simula 1st year HS hanggang ngayon kaklase ko pa rin to. Kung hindi nga lang mahilig sa chix to iisipin ko bakla to eh. Hilig dumikit sa'kin. Hahaha!

"Wala pa kaya si Coach!" Sigaw ko pero lumapit na rin. Dun ko lang napansin yung babaeng mahaba yung buhok na nakadress na hindi ko alam kung nagpapasilip ba 'to o ano.

"Si Ms. Hannah muna ang magcocoach sa atin." Sabi ni Red at nagtaka naman ako. Sino naman yung Hannah na yun? At mukhang babae pa ata.

"B*bo mo Laurence! Miss nga raw eh. Edi malamang babae!"

Hell n' Heaven?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon